14/10/2026
Patuloy ang ikalawang araw ng Seminar/Workshop for the Formulation/Revision of the Public Service Continuity Plan (PSCP), Updating of the Contingency Plan (CP), and Finalization of the GAD Code.
Layunin po ng gawaing ito na higit pang mapatatag ang kahandaan ng ating lokal na pamahalaan sa panahon ng sakuna at iba pang hindi inaasahang pangyayari, matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo publiko, at maisulong ang mga programang nagtataguyod ng pantay na oportunidad at karapatan para sa lahat.
Sa pamamagitan po ng sama-samang pagpaplano, pakikipagtulungan, at aktibong pakikilahok, patuloy nating pinagbubuti ang mga polisiya at programang tutugon sa pangangailangan ng bawat Marialeño.
Serbisyong tuloy-tuloy, pamahalaang handa, at kaunlarang inklusibo para sa lahat! 🫶🏻