Municipal Government of Maria Aurora - Aurora Province

Municipal Government of Maria Aurora - Aurora Province THE ONLY OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF LGU MARIA AURORA

23/07/2026

๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐—”๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ

Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang

๐™„๐™ ๐™–-77 ๐™๐™–๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™– ๐˜ผ๐™ช๐™ง๐™ค๐™ง๐™–, ๐˜ผ๐™ช๐™ง๐™ค๐™ง๐™–,

na may temang: โ€œGanda ng Maria Aurora sa ika-77 Taon, Dakilang Pamana, Nagkakaisang Mamamayan tungo sa Maunlad na Kinabukasanโ€.

Atin pong ipagmalaki ang ating mayamang kultura at ipagbunyi ang mga pag-unlad na ating nakamit bunga ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Happy Fiesta, Marialeรฑos๐Ÿ’ฅ

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”-
Photo courtesy: Maria Aurora Municipal Planning and Development Office (MPDO)

Mabuhay! Buenas! Ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Maria Aurora ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-24th Anibersaryo ng P...
30/06/2026

Mabuhay! Buenas!

Ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Maria Aurora ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-24th Anibersaryo ng Philippine - Spanish Friendship Day ngayong araw, Hunyo 30. Kasabay nito ang opisyal na inagurasyon at pagbubukas ng National Museum of the Philippines- Baler para sa publiko, simula 2pm hanggang 7pm.

MABUHAY Marialeรฑos! Inihahandog po ng SSS Baler ang mas pinalapit na serbisyo sa ating bayan.  Ito ang: SSS e-Wheels PAL...
18/06/2026

MABUHAY Marialeรฑos!

Inihahandog po ng SSS Baler ang mas pinalapit na serbisyo sa ating bayan. Ito ang:

SSS e-Wheels PALENGKE CARAVAN: Aksyon Serbisyo Hatid Namin sa Inyo!

๐Ÿ“Maria Aurora Public Market
๐Ÿ“…June 24, 2026
๐Ÿ•˜9:00AM to 3:00PM

Narito ang mga serbisyong ipagkakaloob ng SSS e-Wheels PALENGKE CARAVAN:

โœ”๏ธMembership and My.SSS registration assistance
โœ”๏ธVerification of SSS records and contribution
โœ”๏ธEmployer registration assistance
โœ”๏ธPayment Reference Number (PRN) generation and contribution assistance
โœ”๏ธFacial authentication with liveness check for Annual Confirmation of Pensioner (ACOP)
โœ”๏ธBenefit consultation and loan application assistance

Mahalagang paalala: Pakidala po ang inyong SS Number at katunayan ng pagkakakilanlan (any Valid ID).

Magkita-kita po tayo! Maraming salamat po!"

MABUHAY ANG BANSANG PILIPINAS! The Municipal Government of Maria Aurora joins the celebration of the 128th Anniversary o...
09/06/2026

MABUHAY ANG BANSANG PILIPINAS!

The Municipal Government of Maria Aurora joins the celebration of the 128th Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence.

TINGNAN: LGU MARIA AURORA, PINANGUNAHAN ANG PAGPAPASINAYA NG MUSEO NG EGONGOT AT GUSALI NG PAMANA, KULTURA, AT SINING SA...
04/05/2026

TINGNAN: LGU MARIA AURORA, PINANGUNAHAN ANG PAGPAPASINAYA NG MUSEO NG EGONGOT AT GUSALI NG PAMANA, KULTURA, AT SINING SA BRGY. BAYANIHAN, MARIA AURORA, AURORA

Sa pagdiriwang ng National Heritage Month, kaninang umaga, Mayo 4, 2026, pormal nang pinasinayaan at binuksan ang Museo ng Egongot at Gusali ng Pamana, Kultura, at Sining na matatagpuan sa Brgy. Bayanihan, Maria Aurora, Aurora kung saan naninirahan ang mga katutubong Egongot. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa Lalawigan ng Aurora ay nagkaroon ng isang Museo na nakatuon sa mayamang kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng isang tribo upang ipreserba at bigyang buhay ang mga kwento, ala-ala, at gawang sining ng katutubong Egongot.

Sa pagbubukas ng naturang Museo ay pagbubukas din ng maraming oportunidad hindi lamang para sa tribong Egongot pagdating sa kanilang pangkabuhayan kundi maging sa buong bayan ng Maria Aurora dahil ito ay magsusulong ng turismo sa munisipalidad.

Ang masayang okasyong ito ay dinaluhan ng mga opisyales at mga kawani ng LGU Maria Aurora sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Ariel Bitong, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Enrico Cordova at Tagapangulo ng Komite ng Turismo, Kgg. Aleirah Bitong. At hindi mawawala ang mga bida ng naturang okasyon, ang tribong Egongot na pinangunahan ng kanilang chieftain, G. Matan Caanawan kasama ang BEFWA ( Bayanihan- Egongot Farmers and Weavers Association), Bayanihan National High School, at ang Pamahalaang Barangay ng Bayanihan sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay, Kgg. Exequiel Aliwak.

Masayang nakiisa rin at nagbigay ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora sa pamamagitan ni Pangalawang Punong Lalawigan Atty. Patrick Angara at Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Provincial Tourism Officer Ana Riza Mendoza. Sa mensahe ng Pangalawang Punong Lalawigan, Atty. Patrick Angara, binigyang-diin nya ang kahalagahan ng tamang pangangalaga at masigurado ang maayos na pagpreserba ng mga artifact, koleksyon, at mga likhang sining ng katutubong Egongot. Dagdag pa nya, isasama ang Museo ng Egongot sa Aurora Tourism Map upang maging bahagi ng mga pangunahing destinasyon na maaaring puntahan ng mga turista sa Lalawigan.

Sa inisyatibo ni Punong Bayan Ariel Bitong at sa pagiging aktibo ng Maria Aurora Tourism Office sa pangunguna ni G. Noel Dulay, designated Tourism Officer, ay naisakatuparan ang pangarap na ito na magkaroon ng isang gusali para gawing Museo ng Egongot na siyang unang nanirahan sa bayan ng Maria Aurora upang ipakilala at ipagmalaki sa buong mundo, ang Ganda ng Maria Aurora.

At sa pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat sa pangunguna ng LGU Maria Aurora sa pamamagitan ng Maria Aurora Tourism Office kasama ang tribong Egongot at Barangay Bayanihan ay sama-samang papaunlarin at hihikayatin ang lahat na bisitahin ang Museo ng Egongot upang makilala at malaman ang makulay na kasaysayan at pinagmulan.

Sa mga gustong bumisita sa Museo ng Egongot ay maaaring makipag- ugnayan sa Maria Aurora Tourism Office.

04/05/2026

Address

Maria Aurora
3202

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Maria Aurora - Aurora Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Maria Aurora - Aurora Province:

Shortcuts

Share