02/09/2026
🧹🌿 CLEAN-UP CREEK OPERATION 🌊♻️
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap para sa kalinisan at pangangalaga ng ating kapaligiran, isinagawa ngayong Setyembre 2, 2026 ang Clean-Up Creek Operation sa San Isidro Village 2 sa pangunguna ng mga Estero Ranger mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Matapos nito, bilang pagpapatuloy ng sama-samang pagkilos para sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga daluyan ng tubig, nagsagawa naman ng Clean-Up Creek Operation ang Barangay Concepcion Uno sa Cristina Subdivision, kasama sina Punong Barangay Gerardo Sto. Domingo, Sangguniang Barangay Member Rodolfo Francisco, at ilang kawani ng Barangay.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa, patuloy nating pinangangalagaan ang ating mga estero at daluyan ng tubig upang makatulong sa pagpapanatili ng malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran para sa buong komunidad.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran—sapagkat ang kalinisan ay pananagutan ng bawat isa! 💚🌊