Marion Andres

Marion Andres Official page of Marion Andres, M.D.

Akala nila simpleng pagkadulas lang… ngunit may mas seryosong senyales palang nakita. ❤️Nadulas si Nanay sa kanilang bah...
02/09/2026

Akala nila simpleng pagkadulas lang… ngunit may mas seryosong senyales palang nakita. ❤️

Nadulas si Nanay sa kanilang bahay kaya agad siyang dinala ng kanyang mga kasama sa Alagang Marikina Medical Center upang magpatingin.
Sa isinagawang check-up at assessment, napansin ng ating healthcare team ang mga senyales na maaaring indikasyon ito ng stroke.

Agad nating ipinaalam sa kanyang mga kasama na kailangan siyang madala sa ospital para sa mas masusing pagsusuri at agarang gamutan, upang maiwasan ang paglala ng kanyang kondisyon at mga komplikasyon. Agad ding tinawagan natin ang Marikina Rescue 161 upang mabilis at ligtas siyang maihatid sa ospital.

Sa stroke, bawat minuto ay mahalaga. Huwag balewalain ang anumang biglaang pagbabago sa kilos, pagsasalita, mukha, o lakas ng katawan.

Sa Alagang Marikina City — laging handang umagapay, dahil ang bawat buhay ay mahalaga.


31/08/2026

MAAYOS ANG MARIKINA DAHIL TULONG-TULONG TAYO 💙

Maraming salamat sa ating mga kawani ng Marikina LGU, volunteer organizations, at higit sa lahat, sa bawat taga-Marikina na nakipagtulungan para mabilis nating maibalik sa ayos ang ating lungsod matapos ang habagat.

Hindi tayo perpekto bilang lungsod. Marami pa tayong kailangang ayusin at pagbutihin. Pero sa bawat pagsubok, lagi nating napapatunayan na walang titibag sa tatag at pagtutulungan natin.

Taas-noong isisigaw sa mundo, taga-Marikina tayo!

BAYANI SA GITNA NG HAMON. 💪🇵🇭Sa bawat sakuna at pagsubok, muling ipinakita ng ating mga kababayan ang tunay na diwa ng b...
30/08/2026

BAYANI SA GITNA NG HAMON. 💪🇵🇭

Sa bawat sakuna at pagsubok, muling ipinakita ng ating mga kababayan ang tunay na diwa ng bayanihan. Sama-samang kumikilos, nagtutulungan, at umaalalay sa isa’t isa upang makabangon.

Ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa ang ating lakas sa anumang hamon. 🧡💙

30/08/2026
30/08/2026
30/08/2026
5S KONTRA DENGUE!Ngayong tag-ulan, maging alerto at sama-samang kumilos laban sa dengue. Sundin ang 5S upang maprotektah...
29/08/2026

5S KONTRA DENGUE!

Ngayong tag-ulan, maging alerto at sama-samang kumilos laban sa dengue. Sundin ang 5S upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad.

Sama-sama nating sugpuin ang dengue para sa mas ligtas at malusog na Marikina! 🧡💙

🌧️ LEPTOSPIROSIS: ALAM MO BA?Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na maaaring makuha sa pakikipag-ugnayan sa t...
28/08/2026

🌧️ LEPTOSPIROSIS: ALAM MO BA?

Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na maaaring makuha sa pakikipag-ugnayan sa tubig-baha o putik na kontaminado ng ihi ng infected na hayop, lalo na ng daga. Karaniwang lumilitaw ang mga sintomas 5–15 araw matapos malantad, ngunit maaari itong tumagal nang hanggang 30 araw bago maramdaman.

⚠️ Mga sintomas na dapat bantayan: lagnat, pananakit ng ulo at katawan, pagsusuka, pamumula ng mata, at panghihina. Kapag lumala, maaari itong makaapekto sa atay, bato, baga, puso, at utak.

🛡️ Maging maingat laban sa leptospirosis! Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan. Kung kailangang lumusong, gumamit ng bota o gloves, panatilihing malinis ang anumang sugat, at maghugas agad pagkatapos.

Kung nakaranas ng sintomas matapos malubog sa baha, magpakonsulta agad sa doktor o health center.

🌧️ 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻, 𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻!Panatilihing malinis ang paligid, uminom ng malinis na tubig, at mag-ingat sa...
27/08/2026

🌧️ 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻, 𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻!

Panatilihing malinis ang paligid, uminom ng malinis na tubig, at mag-ingat sa mga sakit.

Alagaan ang sarili at pamilya!💙🧡

25/08/2026

May nagbigay ng dalawang laruan pambata bilang souvenir at pasasalamat sa Alagang Marikina City Medical Clinic sa libreng serbisyo, mabilis na pagtugon, at higit sa lahat, sa mga staff na laging may ngiti sa bawat pasyente.

Maliit man ang regalo, ramdam ang taos-pusong pasasalamat.

Maraming salamat po sa inyong tiwala. Patuloy na maglilingkod ang Alagang Marikina City nang may ngiti at puso.💙🧡

Address

Kalumpang
Marikina City
1801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marion Andres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share