02/06/2026
๐พ๐ Libreng Kapon Outreach | 31 May 2026 ๐๐พ
Matagumpay na naisagawa ang Libreng Kapon Outreach sa Barangay Fortune sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Tanggapan ni Punong Barangay Rafael Mendoza Teope, Tanggapan ni Cong. Atty. Miro Quimbo, at ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), sa suporta ng ika-6 na Sangguniang Barangay ng Fortune.
Sa pamamagitan ng programang ito, kabuuang 210 hayop ang napakapon upang makatulong sa pagsusulong ng responsableng pet ownership at pagkontrol sa populasyon ng mga a*o at pusa sa komunidad.
๐ KAPON OUTREACH ACCOMPLISHMENT
๐ Fortune, Marikina City
๐
31 May 2026
๐ฑ CATS โ 166
โข Female Cats โ 81
โข Male Cats โ 85
๐ถ DOGS โ 44
โข Female Dogs โ 19
โข Male Dogs โ 25
๐ TOTAL ANIMALS FIXED: 210
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging katuwang upang maging matagumpay ang gawaing ito:
๐ Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa kanilang dedikasyon sa kapakanan ng mga hayop;
๐ Tanggapan ni Cong. Atty. Miro Quimbo para sa patuloy na suporta sa mga programang pangkomunidad;
๐ Fortune Elementary School sa pagpapagamit ng maluwag at maayos na venue para sa outreach;
๐ Barangay IVC sa pagpapahiram ng mga IWATA industrial fans;
๐ Mga kawani ng barangay, lalo na ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at Barangay Animal Welfare Office (BAWO) Volunteers, na walang sawang tumulong sa paghahanda at pagsasagawa ng programa; at higit sa lahat, sa mga responsableng fur parents na nakiisa sa adbokasiyang ito.
๐พ Ang bawat kapon ay hakbang tungo sa mas malusog na mga alaga, mas responsableng pag-aalaga ng hayop, at mas maayos na komunidad.
๐ Kapon ang Solusyon!