10/03/2026
๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ - ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Isang makabuluhan at makasaysayang araw para sa Marikina Polytechnic College ang ginanap na Turnover Ceremony ng MPCโTAU Cartender Base Shared Facilities, na naglalayong higit pang palakasin ang kakayahan at kaalaman ng ating mga mag-aaral sa larangan ng teknikal at bokasyonal na edukasyon.
Ang proyektong ito ay magsisilbing mahalagang pasilidad para sa practical training, innovation, at paglinang ng kasanayan ng mga estudyante at g**o sa campus. Sa pamamagitan nito, mas mapapalapit ang ating mga mag-aaral sa makabagong teknolohiya at hands-on learning na kinakailangan sa industriya.
Ang nasabing turnover ay simbolo ng pakikipagtulungan, dedikasyon, at patuloy na pagsusumikap ng pamunuan ng MPC at ng TAU Corporation, sa pamumuno ni Pres. Akitaka Miyamoto, upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at oportunidad para sa ating mga kabataan.
Lubos ang ating pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito, sa pamamahala ni Pres. Rene M. Colocar, VPAF Dr. Joemel Bautista at Sir Christian Canlas ng Alumni Relations Office. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang patuloy tayong magtulungan para sa mas maunlad at mas mahusay na kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Salamat sa GSO Auxiliary Team, sa pangunguna ni Director Joseph Quiles, sa paghahanda at pagsasaayos ng kapaligiran at pinaglagakan ng Cartender Base.