MPC General Services Office

MPC General Services Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MPC General Services Office, Public & Government Service, 2 Mayor Juan Chanyungco Street, Sta. Elena, Marikina City.

27/07/2026
Happy Birthday, Dr. Joemel V. Bautista. Warmest wishes from the GSO Family.
24/07/2026

Happy Birthday, Dr. Joemel V. Bautista. Warmest wishes from the GSO Family.

24/06/2026
CAMPUS GREEN SPACES AND ENHANCEMENT PROJECT 2026Sa patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad n...
10/06/2026

CAMPUS GREEN SPACES AND ENHANCEMENT PROJECT 2026

Sa patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng mas luntiang kapaligiran, kasalukuyan ang pagsasagawa ng General Services Office (GSO) ng Campus Green Spaces and Enhancement Project sa loob ng Marikina Polytechnic College.

Ang gawaing ito ay hindi lamang pagtatanim ng mga puno at halaman, kundi isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod ng responsableng pagkamamamayan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nakapag-aambag tayo sa paglikha ng mas malinis, mas ligtas, at mas maaliwalas na kapaligiran para sa buong komunidad ng MPC.

Ang bawat punong itinatanim ngayon ay puhunan para sa mas luntian at mas magandang bukas.

Sa pangunguna ni College President, Dr. Rene M. Colocar at VPAF Dr. Joemel Bautista at supervision ni GSO Director Joseph Quiles kasama ang GSO Auxiliary Team.






πŒππ‚-𝐓𝐀𝐔 𝐂𝐀𝐑𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐁𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐇𝐀𝐑𝐄𝐃 π…π€π‚πˆπ‹πˆπ“πˆπ„π’ - π“π”π‘ππŽπ•π„π‘ π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜Isang makabuluhan at makasaysayang araw para sa Marikina Pol...
10/03/2026

πŒππ‚-𝐓𝐀𝐔 𝐂𝐀𝐑𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐁𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐇𝐀𝐑𝐄𝐃 π…π€π‚πˆπ‹πˆπ“πˆπ„π’ - π“π”π‘ππŽπ•π„π‘ π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜

Isang makabuluhan at makasaysayang araw para sa Marikina Polytechnic College ang ginanap na Turnover Ceremony ng MPC–TAU Cartender Base Shared Facilities, na naglalayong higit pang palakasin ang kakayahan at kaalaman ng ating mga mag-aaral sa larangan ng teknikal at bokasyonal na edukasyon.

Ang proyektong ito ay magsisilbing mahalagang pasilidad para sa practical training, innovation, at paglinang ng kasanayan ng mga estudyante at g**o sa campus. Sa pamamagitan nito, mas mapapalapit ang ating mga mag-aaral sa makabagong teknolohiya at hands-on learning na kinakailangan sa industriya.

Ang nasabing turnover ay simbolo ng pakikipagtulungan, dedikasyon, at patuloy na pagsusumikap ng pamunuan ng MPC at ng TAU Corporation, sa pamumuno ni Pres. Akitaka Miyamoto, upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at oportunidad para sa ating mga kabataan.

Lubos ang ating pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito, sa pamamahala ni Pres. Rene M. Colocar, VPAF Dr. Joemel Bautista at Sir Christian Canlas ng Alumni Relations Office. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy tayong magtulungan para sa mas maunlad at mas mahusay na kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

Salamat sa GSO Auxiliary Team, sa pangunguna ni Director Joseph Quiles, sa paghahanda at pagsasaayos ng kapaligiran at pinaglagakan ng Cartender Base.

Address

2 Mayor Juan Chanyungco Street, Sta. Elena
Marikina City
1800

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MPC General Services Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share