Bagong Barangay Kalumpang

Bagong Barangay Kalumpang Vision - Mission

The Barangay that will serve as model for all other Communities the most livable, Caring, Peaceful, Progressive, and Responsive.

Barangay Kalumpang’s Plans, Programs, Goals, and Accomplishments — this official page serves to inform the public about ongoing initiatives, community developments, and services aimed at the welfare and progress of our constituents.

Magandang gabi/araw sa ating mga ka Barangay. Sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Mario M. De Leon, tayo po ay...
26/07/2026

Magandang gabi/araw sa ating mga ka Barangay. Sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Mario M. De Leon, tayo po ay nagsagawa ng FIRE FIGHTING EXERCISE sa tulong ng ating mga kaibigan sa Gibson Shoes Fire Brigade Volunteers na pinamumunuan ng kanilang Hepe Mar Enriquez. Ang inyong dedikasyon at pagbabahagi ng kaalaman ay malaking tulong upang mapalawak ang aming kamalayan at kahandaan sa tamang pag responde sa mga insidente ng sunog. Magiging kumpiyansa ang Barangay Kalumpang Fire Volunteers (BKFV) sa pagsasagawa ng mga wastong hakbang sa oras ng emerhensiya. Nawa’y patuloy tayong magtulong tulong sa pagtataguyod ng ligtas at handang komunidad. Makakaasa po ang lahat sa patuloy na tunay na serbisyo publiko. Maraming salamat Gibson Shoes Fire Brigade Volunteers. Mabuhay Barangay Kalumpang ❤️.


Magandang araw/gabi po mga ka Barangay. Isang panig ng Sitio Libis ay nilinis, pinatag at sinementuhan upang magamit ng ...
23/07/2026

Magandang araw/gabi po mga ka Barangay. Isang panig ng Sitio Libis ay nilinis, pinatag at sinementuhan upang magamit ng ating mga ka Barangay ang espasyo para madaanan ng maayos at ligtas lalo na kung umuulan. Itong gawaing ito ay sa pangunguna ng ating butihing ama ng Barangay Mr. Good Governance Kap Mario M. De Leon. Kasama ang ating Barangay Utility personnel at BSG. Maraming salamat sa kompanyang Toyo Shimizu sa pag papahiram ng kanilang SKID STEER LOADER at ung operator. Madali naming nahawan ang mga basura sa nasabing lugar at naitapon agad. Makakaasa po ang ating mga ka Barangay sa patuloy na totoong serbisyo publiko. Mabuhay ang Barangay Kalumpang ❤️.


(MML)

Isang maulang araw/gabi po mga ka Barangay ng Kalumpang. Nagsagawa po ng paglilinis kamakailan sa parking area ng San An...
12/07/2026

Isang maulang araw/gabi po mga ka Barangay ng Kalumpang. Nagsagawa po ng paglilinis kamakailan sa parking area ng San Antonio De Padua Parish Church. Marami ang putik na kinailangang maalis na bumabara at upang maging maayos ang daloy ng tubig sa tuwing umuulan. Katulong sa gawaing ito ang mga Barangay Utility personnel sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Mario M. De Leon. Makakaasa po tayo sa patuloy na serbisyo publiko. Mag iingat po tayo palagi. Mabuhay ang Barangay Kalumpang ❤️


(MML)

Magandang araw/gabi po mga ka Barangay Kalumpang. Sa pamumuno ng butihin nating Punong Barangay Mario M. De Leon, nagsag...
12/07/2026

Magandang araw/gabi po mga ka Barangay Kalumpang. Sa pamumuno ng butihin nating Punong Barangay Mario M. De Leon, nagsagawa po ng Barangay Road Clearing Operations (BaRCO) sa Sitio Libis kahapon. Kasama po natin ang ating kapulisan, Barangay Security Group (BSG) at Barangay Utility. Sa ganitong gawain pinanatili natin ang kalinisan at kaayusan sa ating paligid. Ating pinaalalahanan ang ating mga ka Barangay na patuloy silang sumunod sa pananatili ng kaayusan at kalinisan ng kanilang lugar upang maiwasan ang sakit at iba pang bagay. Makakaasa tayong lahat sa Matuwid at Maayos na Liderato kay Kap Mario. Maraming salamat po. Mabuhay ang Barangay Kalumpang ❤️


(MML)

Magandang araw/gabi po mga ka Barangay. Amin pong ipinaalam na bukas Hulyo 03, 2026 magkakaroon po ng interruption of el...
02/07/2026

Magandang araw/gabi po mga ka Barangay. Amin pong ipinaalam na bukas Hulyo 03, 2026 magkakaroon po ng interruption of electric service simula ng 9:00 a.m. up to 2:00 p.m. Mga apektadong lugar:
*Portion of Kasi Street (from corner of Calderon to corner of M.H. Del Pilar Street)
*Portion of M. H. Del Pilar Street (from corner of Kasi Street to corner of Kamumu Street)
*Portion of Kamumu Street (from corner of M. H. Del Pilar to corner of F. Calderon Street)
*Portion of F. Calderon Street (MJR Beauty and Derma Concept Inc. up to Dino’s Room Rental)
Kalakip po nito ang sulat mula sa Meralco. Maraming salamat po


(MML)

Magandang araw/gabi mga ka Barangay… Sa mga nais mag pa check up ng kanilang mga mata, maari po kayong magpalista sa ati...
28/06/2026

Magandang araw/gabi mga ka Barangay… Sa mga nais mag pa check up ng kanilang mga mata, maari po kayong magpalista sa ating Barangay para ma i schedule po. Upang maalagaan ang ating mga mata. Ito ay handog sa ating ni Konsi Ate Ces Reyes at sa pakikipagtulungan ni Punong Barangay Kap Mario. Maraming salamat po. Mabuhay Barangay Kalumpang ❤️



Sa problema ng kuryente sa kahabaan ng J. M. Basa Street, kami po ni Punong Barangay Kap  Mario at nakikipag ugnayan sa ...
21/06/2026

Sa problema ng kuryente sa kahabaan ng J. M. Basa Street, kami po ni Punong Barangay Kap Mario at nakikipag ugnayan sa pamunuan ng Meralco. Kanila pong inaasikaso na at eto po ang ibinigay na Case No. 26062173831 na katunayang kanila ng reported ang nasabing problema. Sana ay maibalik na agad ang koneksyon ng kuryente. Salamat po ❤️


(MML)

17/06/2026
Mula sa Sangguniang Barangay ng Kalumpang sa pamumuno ni Kap Mario M. De Leon, isang mapagpalang araw at maligayang Kapi...
13/06/2026

Mula sa Sangguniang Barangay ng Kalumpang sa pamumuno ni Kap Mario M. De Leon, isang mapagpalang araw at maligayang Kapistahan para sa ating patron San Antonio De Padua. Maraming salamat po ❤️

Barangay Day 2026 : June 09 (DAY 1)Thanksgiving Mass & Blessing of our 3rd Floor Function Room @ Barangay Kalumpang Hall...
09/06/2026

Barangay Day 2026 : June 09 (DAY 1)
Thanksgiving Mass & Blessing of our 3rd Floor Function Room @ Barangay Kalumpang Hall. Fr. Lito maraming salamat po sa misa na ginawad sa amin at sa pagbabasbas ng Function Room. Napaka liwanag ng inyong homily “Ang tungkol sa asin na sangkap para mapanatili ang hindi pagkasira o pagkabulok. Na tulad sa buhay natin na tayo ay may mga responsibilidad na pigilan ang moral na pagkasira ng lipunan at magdala ng kabutihan. Na sa mga namumuno sa ating bansa, bigyan halaga ang serbisyo publiko na may integridad at katapatan sa paglilingkuran. Again, thank you Father Lito for your continued spiritual guidance to all of us, your Ka Barangay whom you loved so dearly. For Senator Koko who helped our Barangay to have this beautiful Function Hall… thank you for your unwavering service and for being a true champion of our ka Barangay. May your office continue to be an instrument of progress and meaningful public service. Sa ating mahal na Punong Barangay Mario M. De Leon, maraming salamat sa patuloy na paglilingkod ng tapat at tunay na integridad. Isang patunay ang mga serbisyo publiko sa kaayusan, kapayapaan, kalinisan at iba pa. Sa ating mga ka Barangay, makakaasa po kayo sa tapat naming paglilingkod. Kailangan po ng ating Barangay ay pakikiisa upang sama sama tayo sa mga biyayang kaloob ng Panginoon. Muli, HAPPY 27th BARANGAY DAY!


(MML)

.GoodGovernance

Address

1 Kapitan Temyong Kalumpang
Marikina City
1801

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639171021174

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Barangay Kalumpang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bagong Barangay Kalumpang:

Shortcuts

Share