25/01/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐'๐ญ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐ฒ ๐๐๐ฒ ๐
Halinaโt ipakita ang ating suporta at tumulong sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa leprosy sa pamamagitan ng pagpapalit ng Facebook frame. Gamitin ang World Leprosy Day frame mula sa link na ito: https://twb.nz/worldleprosyday2026
โ
๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ค
Ang leprosy ay nagagamot at hindi dapat kinatatakutan. Mahalagang maaga itong matuklasan upang maiwasan ang komplikasyon at disabilidad. Higit sa lahat, ang ating mga kababayan na may leprosy ay walang pinag-iba sa atin na karapat-dapat sa paggalang, pag-unawa, at tamang serbisyong pangkalusugan.
Lahat tayo ay may mahalagang papel sa pagwawakas ng diskriminasyon at pagtama sa mga maling paniniwala tungkol sa leprosy. Sama-sama nating ipalaganap ang tamang impormasyon, suportahan ang ating mga kababayan, at tiyaking may sapat, ligtas, at inklusibong serbisyong pangkalusugan.
Hindi lamang gamot ang sagot, kaalaman at pag-unawa ang susi upang tuluyang wakasan ang stigma. Magpakonsulta sa pinakamalapit na health center, kumilos nang may malasakit, at tumulong sa pagkamit ng ๐ญ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ ๐ก๐๐ฅ! ๐๐ค
Turn your passion into action; create custom images that show what you stand for and invite friends to join you