25/01/2026
Magandang araw po, mga Kabarangay ng Tañong!
Bilang Kagawad, tungkulin po namin ang gumawa ng mga ordinansa at resolusyon para sa kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng ating barangay. At para po tugunan ang aking tungkulin bilang kagawad, ako po ay nagpasa ng mga ordinansa na sa aking palagay ay makakabuti po sa ating barangay.
Ang mga ordinansa at resolusyon po na aking isinulong ay ang mga sumusunod:
1. Maayos na pagpaparada ng sasakyan upang maiwasan ang sagabal at aksidente.
2. Responsableng pag-aalaga ng a*o at pusa, kabilang ang paglilinis ng dumi sa kalsada at pampublikong lugar.
3. Pagpapatupad laban sa mga inabandonang ari-arian na nagiging sanhi ng dumi, lamok, at banta sa seguridad.
4. Panukalang live streaming ng mga session ng Sangguniang Barangay bilang bahagi ng transparency at accountability.
5. Mahigpit na pagsunod sa tamang paglalabas ng budget ng bawat komite, alinsunod sa Local Government Code.
Ikinagagalak ko pong ibalita sa inyo na naaprubahan po sa ikatlong pagbasa ang mga ordinansang ito subalit hindi po naaprubahan ang panukalang live streaming ng Barangay Session na sana ay makatutulong upang mas makita ng ating ating mga nasasakupang ang proseso at gawain sa loob ng ating barangay.
Gayon pa man, ako po
ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumuporta at bumoto ng YES sa ordinansang ito. Kagawad JOEL at Kagawad BUBUT! 👍👏
Maraming salamat po sa tiwala ☝️🫰