11/10/2026
Seguridad ng mga kawani, mahalagang bahagi ng pangangalaga sa ating barangay!
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Philippine Crop Insurance Corporation para sa health at death insurance ng lahat ng kawani ng Barangay Abangan Sur. Malaking tulong ito upang magkaroon sila ng karagdagang proteksyon at suportang pinansyal sa oras ng pagkakasakit o pagpanaw, bilang pagkilala sa kanilang serbisyo at sakripisyo para sa ating mga kabarangay.