12/07/2026
Pabatid para sa ating mga mag-aaral ❗❗
Alinsunod sa rekomendasyon ng Marilao MDRRMO at bilang pag-iingat sa mga posibleng epekto ng sama ng panahon, pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Mayor Jem Sy ang pagsususpinde ng face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, bukas, Hulyo 13, 2026.
Sa halip, Alternative Delivery Mode (ADM) ang ipatutupad upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto habang inuuna ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani.
Patuloy na mag-monitor sa opisyal na page ng MarileNews, Marilao MDRRMO at Mayor Atty. Jem Sy para sa mga opisyal na anunsyo.
Stay safe, Marilenyos! 🌧️