DepEd Patubig Elementary School

Call Directions

DepEd Patubig Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Patubig Elementary School, Government Organization, Maligaya Street Patubig, Bulacan, Marilao.

Araw-araw, ikaw ang nagsasabing,β€œKaya mo β€˜yan.β€β€œHuwag kang susuko.β€β€œNandito lang ako.”Araw-araw, ikaw ang nagbibigay ng ...
05/10/2026

Araw-araw, ikaw ang nagsasabing,
β€œKaya mo β€˜yan.”
β€œHuwag kang susuko.”
β€œNandito lang ako.”

Araw-araw, ikaw ang nagbibigay ng oras, tiyaga, pang-unawa, at pagmamahal sa iyong mga mag-aaral.

Ngunit ngayong araw, ikaw naman.

Ikaw naman ang kumustahin.
Ikaw naman ang pasalamatan.
Ikaw naman ang pakikinggan.
Ikaw naman ang pahalagahan.

Sa likod ng bawat aral, ngiti, at tagumpay ng isang bata, may g**ong nagtiyaga, nagsakripisyo, at nagmalasakit.

Maaaring hindi mo agad makita ang bunga ng iyong mga ginagawa, ngunit bawat salitang iyong itinuro at bawat batang iyong pinaniwala sa sarili ay may iniwang bakas sa kanilang buhay.

Maraming salamat, g**o.
Salamat sa iyong puso.
Salamat sa iyong sakripisyo.
Salamat sa hindi pagsuko.

Teacher, ikaw naman.
Ngayong araw, ikaw ang aming ipinagdiriwang.

Maligayang Araw ng mga G**o!
Para sa lahat ng minamahal naming g**o ng Patubig Elementary School,saludo kami sa inyo!

Mula sa inyong PaES Family, maraming salamat sa inyong makabuluhang paglilingkod.

WALANG PASOK | OCTOBER 5, 2026Alinsunod sa Executive Order No. JS2026-108 na nilagdaan ni Mayor Jem Sy, suspendido ang k...
03/10/2026

WALANG PASOK | OCTOBER 5, 2026

Alinsunod sa Executive Order No. JS2026-108 na nilagdaan ni Mayor Jem Sy, suspendido ang klase sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan, sa Lunes, October 5, 2026, bilang pakikiisa sa paggunita ng National Teachers’ Month at World Teachers’ Day.

Ang October 5, 2026 ay kinikilala rin sa Bayan ng Marilao bilang Day of Recognition for Teachers, bilang pagpupugay at pasasalamat sa mahalagang kontribusyon ng ating mga g**o sa edukasyon, paghubog, at pag-unlad ng mga mag-aaral na Marilenyo.

Para sa mga pribadong paaralan, ang suspensyon ng klase o pagpapatupad ng alternative arrangements ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang school heads, alinsunod sa umiiral na mga batas, patakaran, at school policies.

Ang school-based non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan ay sasailalim sa Work-from-Home (WFH) o iba pang naaangkop na alternative work arrangement, alinsunod sa applicable rules at guidelines ng DepEd at Civil Service Commission.

Maraming salamat sa ating mga g**ong Marilenyo! Happy World Teachers’ Day! πŸ§‘πŸ»β€πŸ«πŸ‘©πŸ»β€πŸ«

Taos-pusong pagbati sa mga mag-aaral ng Patubig Elementary School na nagwagi at nagkamit ng parangal sa ginanap na π——π—œπ—¦π—§π—₯...
29/09/2026

Taos-pusong pagbati sa mga mag-aaral ng Patubig Elementary School na nagwagi at nagkamit ng parangal sa ginanap na π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§ π—˜π—Ÿπ—˜π— π—˜π—‘π—§π—”π—₯𝗬 π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿπ—¦ 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¦ π—–π—’π—‘π—™π—˜π—₯π—˜π—‘π—–π—˜ 2026! πŸŽ‰πŸ‘

πŸ“… Setyembre 26, 2026
πŸ“ Prenza Elementary School
Narito ang mga natatanging PaESians na nagkamit ng karangalan:

πŸ“° PAGSULAT NG BALITA
πŸ… Princess Monique J. Avenido – 5th Place
πŸ‘©β€πŸ« Coach: Virginia A. Conquilla

✍️ PAGSULAT NG LATHALAIN
πŸ₯‡ Mhia Rose Camille R. Dejucos – 1st Place
πŸ… Alejandra DC. Villarba – 6th Place
πŸ… Brivan Axel C. Andrada – 8th Place
πŸ‘©β€πŸ« Coach: Clariza A. Mariano

πŸ“ FEATURE WRITING – ENGLISH
πŸ… Maxenne M. Jordan – 7th Place
πŸ… Kaizer Gavienne L. QuiaΓ±o – 10th Place
πŸ‘©β€πŸ« Coach: Celine E. Jacinto

πŸ”¬ SCIENCE WRITING – ENGLISH
πŸ… Princess Grace D. Malabanan – 10th Place

πŸ”¬ SCIENCE WRITING – FILIPINO
πŸ… Katelyn Mei Borja – 4th Place
πŸ… Christine Jewel D. Elona – 5th Place
πŸ‘¨β€πŸ« Coach: Jayson P. Corral

πŸ—žοΈ COLUMN WRITING – ENGLISH
πŸ… Xander Czar M. Zinampan – 5th Place
πŸ… Elisha Maine M. Navarra – 6th Place
πŸ… Lean D. Dela Cruz – 9th Place
πŸ‘©β€πŸ« Coach: Norie Mae M. Tangile

πŸ“Έ PHOTOJOURNALISM – ENGLISH
πŸ₯‡ Paul Francis D. Espino – 1st Place
πŸ‘¨β€πŸ« Coach: Marvin C. Natividad

πŸ–ŠοΈ COPYEDITING AND HEADLINE WRITING – ENGLISH
πŸ… Francesca Dawn P. Batalla – 3rd Place
πŸ… Misha Allison C. Lalas – 7th Place
πŸ… Sophia Faith M. Samelo – 8th Place
πŸ‘©β€πŸ« Coach: May M. Tabat

⚽ PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
πŸ… Nathan D. Visitacion – 7th Place
πŸ… Franklin Jacob P. Santos – 8th Place
πŸ‘©β€πŸ« Coach: May M. Tabat

🎨 EDITORIAL CARTOONING – ENGLISH
πŸ₯ˆ Reign D. Cantollas – 2nd Place
πŸ‘¨β€πŸ« Coach: Alberto P. Dacanay Jr.

πŸ† SCHOOL HIGHEST POINTER – 5TH PLACE
School Principal: Sir Joie S. Germar

At sa lahat ng ating mga kalahok na hindi man pinalad na magwagi, maraming salamat sa inyong lakas ng loob na humarap, pagpapakita ng inyong husay, at buong pagmamalaking pagiging kinatawan ng ating paaralan.

Ang Patubig Elementary School, sa pamumuno ni Sir Joie S. Germar, punong-g**o, kasama ang buong teaching at non-teaching...
29/09/2026

Ang Patubig Elementary School, sa pamumuno ni Sir Joie S. Germar, punong-g**o, kasama ang buong teaching at non-teaching personnel, ay taos-pusong nagpapasalamat kay Mayor Attorney Jem Sy sa inyong malasakit, kabutihang-loob, at patuloy na suporta sa ating paaralan at mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa 55-inch TV na inyong ipinagkaloob sa paaralan. Malaking tulong po ito sa aming mga g**o upang higit na maging makulay, interaktibo, at makabuluhan ang ating mga talakayan at gawain sa loob ng silid-aralan.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa libreng school uniforms para sa ating mga mag-aaral. Malaking ginhawa at tulong po ito sa ating mga pamilya at makatutulong upang maging mas komportable at kumpiyansa ang ating mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan.

Ang inyong suporta sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan ay tunay na mahalaga. Maraming salamat po sa inyong serbisyo, malasakit, at patuloy na pakikiisa sa layunin ng paaralan na maitaguyod ang dekalidad at makabuluhang edukasyon para sa bawat PaESian.

Maraming salamat po, Mayor Jem Sy, sa inyong malasakit at suporta sa edukasyon!

KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026 Sa pagdiriwang ng Kainang Pamilya Mahalaga Day, binibigyang-halaga natin ang pamilya b...
28/09/2026

KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026

Sa pagdiriwang ng Kainang Pamilya Mahalaga Day, binibigyang-halaga natin ang pamilya bilang mahalagang katuwang sa paghubog ng mga batang may mabuting pagpapahalaga, malasakit, at paggalang sa kapwa.

Ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan ay isang simpleng pagkakataon upang maglaan ng oras para sa isa’t isa, magkumustahan, magbahagi ng kuwento, at patatagin ang ugnayan ng bawat miyembro ng pamilya.

Ngayong Lunes, September 28, sabay-sabay nating bigyang-halaga ang oras para sa pamilya sa Kainang Pamilya Mahalaga Day!...
25/09/2026

Ngayong Lunes, September 28, sabay-sabay nating bigyang-halaga ang oras para sa pamilya sa Kainang Pamilya Mahalaga Day!

Pagkakataon ito upang makasama ang buong pamilya, magkuwentuhan, kumustahan, at magsalo-salo sa iisang hapag-kainan.

Samantalahin natin ang mahalagang oras na ito upang isaisantabi muna ang gadgets, cellphones, at iba pang distractions at ituon ang ating oras at atensyon sa mga taong pinakamahalaga sa atin.

Dahil sa bawat salo-salo, kuwentuhan, at tawanan, mas napapatibay natin ang samahan at pagmamahalan ng pamilya.

Kainang Pamilya Mahalaga!
Sama-sama sa hapag, sama-sama sa pagmamahalan!

What an incredible MIND-BLOWING SCIENCE EXPERIENCE for our PaESians! Our learners explored fascinating experiments, witn...
18/09/2026

What an incredible MIND-BLOWING SCIENCE EXPERIENCE for our PaESians!

Our learners explored fascinating experiments, witnessed amazing scientific phenomena, and discovered that science isn't just something we read about; it's something we can see, experience, and enjoy!

Get ready to witness the energy, creativity, and passion for Mathematics of our talented PaESians.This inspiring Shout-O...
17/09/2026

Get ready to witness the energy, creativity, and passion for Mathematics of our talented PaESians.

This inspiring Shout-Out Video earned 7th Place in the Division Mathematics Fair held on September 11, 2026.

District Level- First Place

Sang by: King Emmanuel J. Pedro and Divina Maureen De Guzman

Featuring our talented PaESian learners:
Ashanty Mikhail Domingo
Miley I. Tapgos
Paul Francis D. Espino
Kristan Dale M. Sedomia
Princess Grace D. Malabanan
Aliana Chelsie L. BascuΓ±a
Ethan Kayleb S. Nieto
Mhia Rose Camille R. Dejucos
Allen Lyron Dela Vega
Arkisha Gabrielle Licup
John Aeron Fesariton
Eren Kyrie S. Nieto
Jazlyn F. Bonifacio
Heilley Cleihre Hayahay
Yazzy T. Ruden
Journey Marigold B. Sales
Francesca P. Villacote
Mica Rose Razon
Elisha Faith Torres

Coach: Sir Jayson P. Corral
School Principal: Sir Joie S. Germar

Our School Principal, Sir Joie S. Germar, together with the teaching force of Patubig Elementary School, sincerely exten...
17/09/2026

Our School Principal, Sir Joie S. Germar, together with the teaching force of Patubig Elementary School, sincerely extends heartfelt gratitude to the Sangguniang Kabataan ng Barangay Patubig, led by its Chairman, Hon. Clarence Flores, for their generous donation of boxes of bond paper to our school.

This meaningful contribution will greatly support our teachers and learners in their daily teaching and learning activities. Your generosity reflects the true spirit of bayanihan, community partnership, and unwavering commitment to education.

HELLO, TERM 2! The second term has officially begun, and Patubig Elementary School welcomed it with pride, enthusiasm, a...
16/09/2026

HELLO, TERM 2!

The second term has officially begun, and Patubig Elementary School welcomed it with pride, enthusiasm, and a strong sense of patriotism!

Our Grade 1 teachers and selected pupils led the Flag Raising Ceremony, giving our first morning of Term 2 a meaningful and inspiring start.

Address

Maligaya Street Patubig, Bulacan
Marilao
3019

Telephone

+63442483158

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Patubig Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share