01/06/2026
✨ BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF CEREMONY ✨
Sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa, matagumpay nating inilunsad ang Brigada Eskwela 2026! Maraming salamat sa ating mga magulang, g**o, mag-aaral, stakeholders, at mga boluntaryong nakiisa upang ihanda ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
Ang bawat oras, pawis, at tulong na inyong ibinahagi ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Sama-sama nating gawing ligtas, malinis, at kaaya-ayang lugar ang ating paaralan para sa kapakanan ng bawat mag-aaral.