04/12/2023
ππͺππͺπ ππͺπ΅πͺπ·π°πͺπ: ππͺπ»πͺπ·π°πͺπ΅ πΌπͺ πΆπ°πͺ ππͺπ΅π²π°π²π·π° ππ²π·π°π΄πΈπ ππͺπ»πͺπ·π°πͺπ
Gaya nga ng isang balangay, naging makulay at makasaysayan ang ating paggu-gunita sa ating mga kapwa haligi sa pagse-serbisyo at haliging lingkod barangay.
Mahabang proseso at masusing pagbabalangkas man, sa huli nanaig pa din ang puso ng pagkakaisa at espiritu ng pagkakabuklod-buklod at sama-sama.
Simula sa pagkakaroon ng konsepto, hanggang sa malikhaing at makulay na proseso, naging matagumpay tayo sa ating mithiin na makapagbigay parangal sa ating mga kasamahan sa pagse-serbisyo.
Itong ating parangal sa ating kapwa haliging lingkod-barangay ay siyang resulta ng kanilang walang-sawang dedikasyon, taos-pusong pagse-serbisyo at walang humpay na pagmamahal para sa mga kanilang ka-barangay at dakilang barangay.
Bagama't natapos at nakumpleto man ang inyong mga makabuluhang termino, ang inyong mga legasiya at naiwang pagmamahal ay hinding-hindi malilimutan; ang inyong pagiging matapang sa lahat ng hamon ay nagsilbing inspirasyon sa nakararami.
Muli, sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Pamahalaang Bayan ng Marilao, kasama ang Liga ng mga Barangay sa Marilao sa pangunguna ni ABC President JOEL P. AMADOR, katuwang ang Samahan ng mga Barangay Kagawad sa Marilao, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong dedikasyon at makasaysayang pagse-serbisyo.
Hanggang sa muli at susunod pang Gawad Balangay: Parangal sa mga Haliging Lingkod Barangay.