Marilao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

Call Directions Website

Marilao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Ang Opisyal na Pahina ng Marilao Rescue

Basta Emergency i-dial:
09694622952

MAHALAGANG PABATIDMuling ipinapaalala sa mga Marilenyo ang nakatakdang system shutdown ng Metropolitan Waterworks and Se...
08/10/2026

MAHALAGANG PABATID

Muling ipinapaalala sa mga Marilenyo ang nakatakdang system shutdown ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ang posibleng water service interruption mula Oktubre 13, 2026, 8:00 AM hanggang Oktubre 14, 2026, 12:00 PM.

Mga maaaring maapektuhang lugar:
• Abangan Norte
• Abangan Sur
• Ibayo
• Lambakin
• Lias
• Loma de Gato
• Nagbalon
• Poblacion I
• Poblacion II
• Prenza I
• Prenza II
• Santa Rosa I
• Santa Rosa II
• Saog

Isasagawa ang pipeline relocation and re-alignment kaugnay ng Aqueduct No. 7 Development, na inaasahang makaaapekto sa suplay ng tubig ng Bulacan Bulk Water Corporation, bulk water supplier ng Hiraya Water Corporation Marilao, at maaari ring makaapekto sa suplay ng tubig sa mga lugar na sakop nito.

Pinapayuhan ang mga Marilenyo na maghanda at mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mahahalagang pangangailangan habang isinasagawa ang pag-shutdown.

Bilang paghahanda sa 6th Marilao Rescuelympics sa Oktubre 9, sumailalim sa dalawang araw na Community First Aid and Basi...
08/10/2026

Bilang paghahanda sa 6th Marilao Rescuelympics sa Oktubre 9, sumailalim sa dalawang araw na Community First Aid and Basic Life Support Training ang mga kinatawan ng iba’t ibang non-government organizations (NGOs) sa Bayan ng Marilao noong Oktubre 6–7 sa PDM Function Hall, Barangay Abangan Norte. Pinangunahan ito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang mahasa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa mga emerhensiya at maging mas handa para sa nalalapit na kompetisyon.

07/10/2026
PUBLIC ADVISORY
06/10/2026

PUBLIC ADVISORY

Sa murang edad, unti-unti ring naihahanda ang mga mag-aaral sa mga sitwasyong nangangailangan ng paunang pagtugon. Sa pa...
30/09/2026

Sa murang edad, unti-unti ring naihahanda ang mga mag-aaral sa mga sitwasyong nangangailangan ng paunang pagtugon. Sa pamamagitan ng dalawang araw na Emergency Response and Basic First Aid Training, sumailalim sa pagsasanay ang mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6 ng FSS Patulo Elementary School mula Setyembre 29 hanggang 30, sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, katuwang ang Barangay Loma de Gato Rescue.

30/09/2026

30 September 2026 || 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐓𝐢𝐩𝐬 𝐎𝐟 𝐓𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲

🚨 MAGBIGAY NG MALINAW NA IMPORMASYON KAPAG TUMATAWAG NG TULONG! 🚒

Sa oras ng emergency, bawat segundo ay mahalaga. Kapag tumatawag sa 911 o sa mga awtoridad, tiyaking malinaw at tama ang impormasyong ibinibigay upang mabilis na makarating ang tulong.

📞 Mga Dapat Tandaan:
✅ Sabihin ang eksaktong lokasyon o address ng insidente.
✅ Ilarawan kung ano ang nangyayari, gaya ng sunog, aksidente, o iba pang emergency.
✅ Sabihin kung may mga taong nangangailangan ng agarang tulong.
✅ Magbigay ng mahahalagang detalye tungkol sa laki o lawak ng sunog at kung may panganib na maaaring kumalat.
✅ Manatiling kalmado at sagutin nang maayos ang mga tanong ng emergency responder.
✅ Huwag agad ibaba ang tawag hangga’t hindi sinasabing maaari na.

🚒 Tandaan: Ang malinaw at tamang impormasyon ay nakatutulong upang mas mabilis at maayos na makarating ang tulong.

“Safety First is Safety Always”
In case of Fire or any emergencies,
please dial:
☎️0949-886-8181
National Emergency Hotline:
911

30/09/2026
⚠️ TRAFFIC ADVISORY, MGA MARILENYO!May isasagawang road asphalting sa Patubig–NLEX Road mula Setyembre 16–17, 2026, 8:00...
16/09/2026

⚠️ TRAFFIC ADVISORY, MGA MARILENYO!

May isasagawang road asphalting sa Patubig–NLEX Road mula Setyembre 16–17, 2026, 8:00 PM hanggang 6:00 AM.

Kaugnay nito, ipatutupad ang Stop & Go Traffic Scheme mula sa Doña Juana, sa tapat ng Angel’s Burger, patungong Municipal Hall.

Pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang posibleng pagkaantala sa biyahe at mag-ingat sa pagdaan sa mga apektadong lugar.

Address

MDRRMO Operations Center, Municipal Compound, Barangay Patubig
Marilao
3019

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marilao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share