MarileNews

Call Directions Contact the organization

MarileNews Opisyal na Pahina ng mga Marilenyo Municipal Government of Marilao
Public Information Office

09/10/2026
CONGRATULATIONS!LOURI MAURENE T. TERMULOBrgy. Tabing-IlogTOP 10Psychometricians Licensure ExaminationSeptember 2026Bulac...
09/10/2026

CONGRATULATIONS!

LOURI MAURENE T. TERMULO
Brgy. Tabing-Ilog

TOP 10
Psychometricians Licensure Examination

September 2026

Bulacan State University

Ang galing mo, Marilenyo!

PABATID: RA 11982 Expanded Centenarian Act Cash Gift DistributionNakatakda sa Oktubre 12, 2026 ang Cash Gift Distributio...
09/10/2026

PABATID: RA 11982 Expanded Centenarian Act Cash Gift Distribution

Nakatakda sa Oktubre 12, 2026 ang Cash Gift Distribution para sa mga aprubadong grantees ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarian Act (ECA), sa ilalim ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).

πŸ“† October 12, 2026 | 11:00 AM
πŸ“ Municipal Atrium

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga Octogenarians, Nonagenarians, at Centenarians na kwalipikado sa ilalim ng programa.

Para sa kumpletong listahan ng mga aprubadong grantees at mga kinakailangang dokumento, mangyaring tingnan ang mga kalakip na pubmat.

MAHALAGANG PABATIDMuling ipinapaalala sa mga Marilenyo ang nakatakdang system shutdown ng Metropolitan Waterworks and Se...
08/10/2026

MAHALAGANG PABATID

Muling ipinapaalala sa mga Marilenyo ang nakatakdang system shutdown ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ang posibleng water service interruption mula Oktubre 13, 2026, 8:00 AM hanggang Oktubre 14, 2026, 12:00 PM.

Mga maaaring maapektuhang lugar:
β€’ Abangan Norte
β€’ Abangan Sur
β€’ Ibayo
β€’ Lambakin
β€’ Lias
β€’ Loma de Gato
β€’ Nagbalon
β€’ Poblacion I
β€’ Poblacion II
β€’ Prenza I
β€’ Prenza II
β€’ Santa Rosa I
β€’ Santa Rosa II
β€’ Saog

Isasagawa ang pipeline relocation and re-alignment kaugnay ng Aqueduct No. 7 Development, na inaasahang makaaapekto sa suplay ng tubig ng Bulacan Bulk Water Corporation, bulk water supplier ng Hiraya Water Corporation Marilao, at maaari ring makaapekto sa suplay ng tubig sa mga lugar na sakop nito.

Pinapayuhan ang mga Marilenyo na maghanda at mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mahahalagang pangangailangan habang isinasagawa ang pag-shutdown.

Ipinakita sa pagtatanim ng 200 bakawan sa Dulo, Constantino, Barangay Poblacion I ang diwa ng pagtutulungan bilang bahag...
08/10/2026

Ipinakita sa pagtatanim ng 200 bakawan sa Dulo, Constantino, Barangay Poblacion I ang diwa ng pagtutulungan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2026. Isinagawa ang Tree Planting Activity ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) sa pangunguna ng Municipal Cooperative Development Office (MCDO), katuwang ang PCEDO Bulacan, Municipal Environment and Natural Resources Section, BENRO, at mga NGO.

08/10/2026

π“π‘π€π…π…πˆπ‚ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 as of
πŸ“…Date: October 8, 2026
⌚Time:5:00 PM
I. McArthur Hi-way
a. Tabing Ilog Crossing
🟩 North bound (to Bocaue) - Light Traffic
🟩 South bound (to Meycauayan) - Light Traffic
b. Abangan Norte
🟩 North bound (to Bocaue) - Light Traffic
🟩 South bound (to Meycauayan) - Light Traffic
c. Abangan Sur
🟩 North bound (to Bocaue) - Light Traffic
🟩 South bound (to Meycauayan) - Light Traffic
II. M. Villarica Road
a. Dona Juana Patubig (Vitarich)
🟩 East bound (to SJDM) - Light Traffic
🟩 West bound (to NLEX South bound)- Light Traffic
❌ Patubig - Lias Bypass Road - Closed
b. Divine Mercy Shrine
🟩 East bound (to SJDM) - Light Traffic
🟩 West bound (to NLEX South bound)- Light Traffic
Mag ingat po tayo Marilenyo!
Para sa inyong Emergency tumawag sa numerong:
0925-888-1111 |(044)-919-8191 at para naman sa updates
I-like ang aming official
page Marilao Hotline

Sa panahon ng phishing, malware, at iba pang online threats, mahalagang may kaalaman kung paano protektahan ang sariling...
08/10/2026

Sa panahon ng phishing, malware, at iba pang online threats, mahalagang may kaalaman kung paano protektahan ang sariling impormasyon at manatiling ligtas sa paggamit ng teknolohiya. Ito ang naging sentro ng Cybersecurity Awareness Program para sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Marilao noong Oktubre 8 sa Diamond Hall, sa pangangasiwa ng Municipal Information Technology Section, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Region III. Tinalakay ang online security, password protection, data privacy, at iba pang paraan upang maging safe at smart online. Dumalo rin sina Vice Mayor Ariel Amador at Executive Assistant Cenon Mayor bilang mga kinatawan ni Mayor Jem Sy.

Bilang paghahanda sa 6th Marilao Rescuelympics sa Oktubre 9, sumailalim sa dalawang araw na Community First Aid and Basi...
08/10/2026

Bilang paghahanda sa 6th Marilao Rescuelympics sa Oktubre 9, sumailalim sa dalawang araw na Community First Aid and Basic Life Support Training ang mga kinatawan ng iba’t ibang non-government organizations (NGOs) sa Bayan ng Marilao noong Oktubre 6–7 sa PDM Function Hall, Barangay Abangan Norte. Pinangunahan ito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang mahasa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa mga emerhensiya at maging mas handa para sa nalalapit na kompetisyon.

Address

Marilao

Telephone

+639198191

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MarileNews posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MarileNews:

Shortcuts

Share