26/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐ซ: ๐๐๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐๐ฌ
Sa patuloy na pagsusulong ng Consumer Protection at sa kagustuhan ng ating Punong Bayan, Mayor AJ Concepcion, na higit pang mapaigting ang kakayahan ng ating mga lingkod-bayan, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 2026 CPP Seminar: Weights and Measures para sa mga empleyado ng Pamilihang Bayan ng Mariveles.
Layunin ng seminar na higit na maunawaan ng ating mga lingkod bayan ang kahalagahan ng paggamit ng tama, wasto, at accurate na mga timbangan at panukat, gayundin ang mga kaukulang hakbang sa implimentasyon, at mga alituntunin at parusa para sa mga lalabag sa umiiral na batas at regulasyon.
Tinalakay din ang mahahalagang usapin hinggil sa mga karapatan at responsibilidad ng mga mamimili, bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang mas responsable, patas, transparent, at consumer-friendly na pamilihan.
Ang mga resource speakers natin na sina G. Gerry Santos, DTI Consumer Protection Division Chief, at Gng. Lealyn Mae Ramos, Section Head ng Consumer Welfare and Advocacy Section, ay nagbahagi ng kanilang kaalaman at praktikal na gabay tungkol sa consumer protection, weights and measures, at tamang pagpapatupad ng mga kaukulang regulasyon.
Dumalo rin sina Hon. Jeff Peรฑaloza at Hon. Jun Villapando, mga miyembro ng Market and Slaughterhouse Committee, bilang suporta sa patuloy na pagpapaigting ng mga programa para sa maayos na pamamahala ng ating pamilihan at higit na proteksyon ng mga mamimili.
Tamang Timbang. Tamang Sukat. Tamang Presyo. Para sa Protektadong Mamimili!