26/05/2026
Mga ka-Wellness,
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng THYROID-HEALTHY PILIPINAS, ang MMWGH ay magsasagawa ng isang LAY FORUM tungkol sa KALUSUGAN NG THYROID sa MAY 28, 2026, 8:00 AM, sa ating OPU Waiting Area.
Pangungunahan ito ng isa sa ating mga respetadong doktor, DR. EDMOND R. DAVID, na magbabahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pag-unawa, pag-iwas, at pangangalaga sa mga kondisyong may kinalaman sa thyroid. Layunin ng forum na magbigay ng malinaw at kapaki-pakinabang na impormasyon upang mas mapangalagaan ng bawat isa ang kanilang kalusugan.
Bilang bahagi ng programa, magkakaroon din ng LIBRENG TSH SCREENING para sa unang 15 pasyente.
Upang makakuha ng slot, I-SCAN LAMANG ANG QR CODE sa ibaba at punan ang mga hinihiling na detalye. Mangyaring hintayin ang inyong confirmation matapos magsumite.
Halina't makiisa, makialam, at matuto! Sama-sama nating pag usapan at pangalagaan ang kalusugan ng ating thyroid!