Mariveles - Municipal Cooperative and Enterprise Development Office

Mariveles - Municipal Cooperative and Enterprise Development Office The Municipal Cooperative Office was Created thru Sangguniang Bayan Resolution No. 078-2017

๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ (๐Œ๐‚๐ƒ๐‚) ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ Isinagawa ngayong Agosto 6, 2026, Huwebes, ang regular n...
12/08/2026

๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ (๐Œ๐‚๐ƒ๐‚) ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

Isinagawa ngayong Agosto 6, 2026, Huwebes, ang regular na pagpupulong ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) sa MCEDO Training Room, 2nd Floor, MCEDO Office, Brgy. Camaya, Mariveles, Bataan.

Pinangunahan ito ni MCDC Chairman Ofel Hipolito, kasama si MCDC Vice Chairperson Fidel Murillo, Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperatives Officer ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO), at Ms. Aliw Jose, Cooperative Development Division Head ng PCEDO Bataan, kasama ang mga opisyal at kinatawan ng iba't ibang kooperatiba sa bayan.

Sa nasabing pagpupulong, ipinakilala rin si Mr. Gerald Samson bilang bagong miyembro ng staff ng MCEDO sa ilalim ng Enterprise Division, na magiging bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng tanggapan.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang finalization ng Regional Kooplympics, kabilang ang t-shirt sizes at payment, games assignment, gayundin ang mga tungkulin at assignments para sa nalalapit na aktibidad. Tinalakay din ang Kooplympics Raffle Tickets, partikular ang payment at submission ng mga stubs.

Napag-usapan din ang programming at paghahanda para sa Cooperative Month Celebration, gayundin ang iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng kooperatiba sa Bayan ng Mariveles.



 #๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ: Work in Government OfficesDahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ipatutupad...
09/08/2026

#๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ: Work in Government Offices

Dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ipatutupad sa 10 Agosto 2026 ang work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes para sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bataan at iba pang mga nabanggit na lugar.

Patuloy namang magbibigay-serbisyo ang mga tanggapang may essential at emergency services. Maaari ring magpatupad ng localized suspension ng klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan ang mga Local Chief Executive, depende sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Para naman sa mga pribadong kumpanya at tanggapan, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay nakasalalay sa kanilang pamunuan.

๐–๐Ž๐‘๐Š-๐…๐‘๐Ž๐Œ-๐‡๐Ž๐Œ๐„ ๐…๐Ž๐‘ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐’, ๐€๐‹๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐Œ๐Ž๐ƒ๐„๐’ ๐…๐Ž๐‘ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹๐’ ๐Ž๐ ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ

Pursuant to Memorandum Circular No. 123, work-from-home arrangements in government offices shall be implemented in the National Capital Region and the following provinces on August 10, 2026. ๐”๐ง๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐จ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฐ๐ข๐ฌ๐ž ๐๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ, ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐จ๐๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐š๐ญ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฅ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐ฌ ๐ข๐ง ๐ฉ๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฏ๐š๐ญ๐ž ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ฌ๐ก๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฅ๐ข๐ค๐ž๐ฐ๐ข๐ฌ๐ž ๐›๐ž ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž๐ฌ๐ž ๐š๐ซ๐ž๐š๐ฌ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐š๐ฆ๐ž ๐๐š๐ญ๐ž:

๐Ÿ“ National Capital Region (NCR)
๐Ÿ“ Ilocos Sur
๐Ÿ“ La Union
๐Ÿ“ Zambales
๐Ÿ“ Bataan
๐Ÿ“ Rizal
๐Ÿ“ Cavite
๐Ÿ“ Batangas
๐Ÿ“ Occidental Mindoro
๐Ÿ“ Benguet
๐Ÿ“ Pangasinan
๐Ÿ“ Abra
๐Ÿ“ Tarlac
๐Ÿ“ Pampanga
๐Ÿ“ Oriental Mindoro
๐Ÿ“ Bulacan

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.

๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐…๐Ž๐‚๐€๐‹ ๐๐„๐‘๐’๐Ž๐๐’ ๐Ž๐ ๐‚๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐•๐„๐’ ๐€๐๐ƒ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐‹๐ˆ๐‡๐Ž๐Ž๐ƒ ๐€๐…๐…๐€๐ˆ๐‘๐’ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†Isinagawa ngayong August 4, 2026 ang Meeting ng mga...
04/08/2026

๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐…๐Ž๐‚๐€๐‹ ๐๐„๐‘๐’๐Ž๐๐’ ๐Ž๐ ๐‚๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐•๐„๐’ ๐€๐๐ƒ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐‹๐ˆ๐‡๐Ž๐Ž๐ƒ ๐€๐…๐…๐€๐ˆ๐‘๐’ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†

Isinagawa ngayong August 4, 2026 ang Meeting ng mga Barangay Focal Persons on Cooperatives and Livelihood Affairs at Barangay Parent Council Presidents ng Municipal Cooperative & Enterprise Development Office (MCEDO) sa Training Room, New MCEDO Office, TESDA Road, Brgy. Camaya, Mariveles, Bataan.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperatives Officer ng MCEDO, kasama ang mga Barangay Focal Persons at Barangay Parent Council Presidents mula sa iba't ibang barangay ng bayan.

Sa pagpupulong, tinalakay ang mga mahahalagang programa at aktibidad ng tanggapan, kabilang ang paghahanda para sa Mariveles Trade Fair 2026 na gaganapin sa September 30 hanggang October 3, 2026 sa People's Park, ang organisasyon ng PASMED Council bilang paghahanda sa Budget 2027, at ang pinal na pagtalakay sa Draft Resolution para sa standardisasyon ng Committee on Cooperatives and Livelihood Affairs sa antas ng barangay.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay rin ng talakayan si Mr. John Lloyd G. Pasamonte, DTI Negosyo Center Business Counselor, hinggil sa SEC Registration ng Parent Council, kabilang ang mga kinakailangang proseso at rekisito sa pagpaparehistro. Tinalakay rin niya ang kahalagahan ng tamang product labeling, kung saan binigyang-diin ang paggamit ng malinaw, kumpleto, at naaayon sa itinakdang pamantayan na label upang maging mas handa at mapagkumpitensya ang mga lokal na produkto sa mga trade fair at iba pang marketing activities.

Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa iba pang usaping may kaugnayan sa pagpapaigting ng koordinasyon sa pagitan ng MCEDO at ng mga barangay upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan sa Mariveles.



TINGNAN:Matagumpay na naidaos ang ika-10 at ika-11 araw ng Different Cooperatives Officers Skills Development Re-Orienta...
24/07/2026

TINGNAN:

Matagumpay na naidaos ang ika-10 at ika-11 araw ng Different Cooperatives Officers Skills Development Re-Orientation and Refresher Program sa MWCMPC 2nd Building, Alejo St., Brgy. Camaya, Mariveles, Bataan.

Ngayong Hulyo 22โ€“23, 2026, isinagawa ang Re-Orientation and Refresher for Board of Directors, na dinaluhan ng mga Board of Directors mula sa iba't ibang kooperatiba sa bayan.

Sa isinagawang programa, nabigyang-diin ang mahalagang tungkulin at responsibilidad ng mga Board of Directors sa pagtatakda ng direksyon, mga polisiya, at mahusay na pamamahala ng kanilang mga kooperatiba. Tinalakay rin ang mga napapanahong alituntunin, pamantayan, at pinakamahuhusay na kasanayan upang higit pang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pamumuno at paggawa ng mga makabuluhang desisyon para sa kanilang mga organisasyon.

Pinangunahan ang mga talakayan ni Mr. Michael Louie D. Nuevo, Cooperative Development Specialist II ng CDA Region III Extension Office, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at napapanahong gabay upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok bilang mga Board of Directors.

Bilang suporta sa isinagawang aktibidad, dumalo rin ang mga opisyal ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) sa pangunguna nina Chairperson Ofelia Hipolito, Vice Chairperson Fidel Murillo, at Treasurer Milagros Macaraig, bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na suporta sa pagpapalakas ng sektor ng kooperatiba sa Bayan ng Mariveles.

Patunay ang gawaing ito sa patuloy na pagsisikap ng LGU Mariveles at ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO) na makapagbigay ng mga programa at pagsasanay na magpapalakas sa kakayahan ng mga opisyal ng kooperatiba upang mas maging handa sila sa pagtugon sa mga hamon at pangangailangan ng kanilang mga organisasyon.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng LGU Mariveles sa pamamagitan ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO) na pinangungunahan ni Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperatives Officer, bilang bahagi ng patuloy na adhikain na mapaunlad at mapatatag ang sektor ng kooperatiba sa bayan.




TINGNAN:Matagumpay na isinasagawa ngayong ika-9 na araw ang Different Cooperatives Officers Skills Development Re-Orient...
21/07/2026

TINGNAN:

Matagumpay na isinasagawa ngayong ika-9 na araw ang Different Cooperatives Officers Skills Development Re-Orientation and Refresher Program sa New MCDO Office, 2nd Floor, TESDA Road, Zalavarria St., Brgy. Camaya, Mariveles, Bataan.

Ngayong Hulyo 21, 2026, isinagawa ang Re-Orientation and Refresher for Cooperative Managers, na dinaluhan ng mga Cooperative Managers mula sa iba't ibang kooperatiba sa bayan.

Sa isinagawang programa, nabigyang-diin ang mahalagang papel ng mga Cooperative Managers sa pang-araw-araw na pamamahala ng kanilang mga kooperatiba. Tinalakay rin ang mga napapanahong polisiya, alituntunin, at pinakamahuhusay na kasanayan upang higit pang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pamumuno, pamamahala, at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng kanilang mga organisasyon.

Pinangunahan ang mga talakayan ni Mr. Michael Louie D. Nuevo, Cooperative Development Specialist II ng CDA Region III Extension Office , na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at napapanahong gabay upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok bilang mga Cooperative Managers.

Naging daan din ang aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa mga napapanahong polisiya, pamamaraan, at pinakamahuhusay na kasanayan na maaaring maisabuhay sa kanilang mga organisasyon. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagbabahagi ng karanasan ng mga dumalo, naging mas makabuluhan ang palitan ng kaalaman at mga ideyang makatutulong sa patuloy na paglago at pag-unlad ng sektor ng kooperatiba.

Patunay ang gawaing ito sa patuloy na pagsisikap ng LGU Mariveles at ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO) na makapagbigay ng mga programa at pagsasanay na magpapalakas sa kakayahan ng mga opisyal ng kooperatiba upang mas maging handa sila sa pagtugon sa mga hamon at pangangailangan ng kanilang mga organisasyon.

Ang nasabing aktibidad ay naisasakatuparan sa tulong at suporta ng LGU Mariveles sa pamamagitan ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO) na pinangungunahan ni Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperatives Officer, bilang bahagi ng patuloy na adhikain na mapaunlad at mapatatag ang sektor ng kooperatiba sa bayan.




Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles, sa pamamagitan ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO), a...
03/07/2026

Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles, sa pamamagitan ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO), ay nakikiisa sa pagdiriwang ng International Day of Cooperatives na may temang: "Cooperatives for a Peaceful World."

Maligayang International Day of Cooperatives! Nawa'y patuloy nating isulong ang pagkakaisa, kooperasyon, at kapayapaan tungo sa mas maunlad na pamayanan.




๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ (๐Œ๐‚๐ƒ๐‚) ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ Ngayong Hunyo 30, 2026, isinagawa ang regular na pagpupu...
30/06/2026

๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ (๐Œ๐‚๐ƒ๐‚) ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

Ngayong Hunyo 30, 2026, isinagawa ang regular na pagpupulong ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) sa MCEDO Training Room, 2nd Floor, New MCEDO, TESDA Road, Brgy. Camaya, Mariveles, Bataan.

Dinaluhan ito nina Mr. Fidel Murillo, MCDC Vice Chairperson, Ms. Aliw Jose, Cooperative Development Division Head ng PCEDO Bataan, Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperatives Officer ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO), kasama ang mga opisyal at kinatawan ng iba't ibang kooperatiba sa bayan.

Kabilang sa mga naging pangunahing paksa ng pagpupulong ang paghahanda para sa Regional Kooplympics, kung saan nagbahagi si Ms. Aliw Jose ng mahahalagang impormasyon at updates kaugnay ng nalalapit na aktibidad, kabilang ang pamamahagi ng raffle tickets at iba pang paghahanda ng mga kalahok. Tinalakay rin ang Re-Orientation and Refresher Course para sa mga Board of Directors (BOD) at Cooperative Managers, gayundin ang BCCD Community Service Joint Project โ€“ Tree Planting Activity sa Bagac. Napag-usapan din ang iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng kooperatiba sa Mariveles.

Patuloy ang sama-samang pagkilos ng MCDC at ng mga katuwang nitong ahensya upang palakasin ang kooperasyon, pagkakaisa, at pagpapaunlad ng mga kooperatiba sa Bayan ng Mariveles.



TINGNAN:Matagumpay na naidaos ang ika-7 at ika-8 araw ng Different Cooperatives Officers Skills Development Re-Orientati...
30/06/2026

TINGNAN:

Matagumpay na naidaos ang ika-7 at ika-8 araw ng Different Cooperatives Officers Skills Development Re-Orientation and Refresher Program sa Bayan ng Mariveles.

Noong Hunyo 24, 2026, isinagawa ang Re-Orientation and Refresher for Credit Committee, habang noong Hunyo 25, 2026, isinagawa ang Re-Orientation and Refresher for BOD Secretary at Re-Orientation and Refresher for Treasurer, na dinaluhan ng mga opisyal mula sa iba't ibang kooperatiba sa bayan.

Sa isinagawang programa, nabigyang-diin ang mahahalagang tungkulin at responsibilidad ng bawat opisyal sa pagpapanatili ng maayos, responsable, at epektibong pamamahala sa loob ng kanilang mga kooperatiba. Tinalakay rin ang mga napapanahong polisiya, alituntunin, at mga pinakamahusay na kasanayan upang higit na mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagganap ng kani-kanilang mga mandato.

Pinangunahan ang mga talakayan ni Mr. Michael Louie D. Nuevo, Cooperative Development Specialist II ng CDA Region III Extension Office, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at napapanahong gabay upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok bilang mga opisyal ng kooperatiba.

Naging daan din ang aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa mga napapanahong polisiya, pamamaraan, at pinakamahuhusay na kasanayan na maaaring maisabuhay sa kanilang mga organisasyon. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagbabahagi ng karanasan ng mga dumalo, naging mas makabuluhan ang palitan ng kaalaman at mga ideyang makatutulong sa patuloy na paglago at pag-unlad ng sektor ng kooperatiba.

Patunay ang gawaing ito sa patuloy na pagsisikap ng LGU Mariveles at ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO) na makapagbigay ng mga programa at pagsasanay na magpapalakas sa kakayahan ng mga opisyal ng kooperatiba upang mas maging handa sila sa pagtugon sa mga hamon at pangangailangan ng kanilang mga organisasyon.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng LGU Mariveles sa pamamagitan ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO) na pinangungunahan ni Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperatives Officer, bilang bahagi ng patuloy na adhikain na mapaunlad at mapatatag ang sektor ng kooperatiba sa bayan.




TINGNAN:Patuloy na pinagtitibay ang kakayahan at kahandaan ng mga opisyal ng kooperatiba sa pamamagitan ng Different Coo...
17/06/2026

TINGNAN:

Patuloy na pinagtitibay ang kakayahan at kahandaan ng mga opisyal ng kooperatiba sa pamamagitan ng Different Cooperatives Officers Skills Development Re-Orientation and Refresher Program na isinagawa noong Hunyo 16 at 17, 2026 sa Bayan ng Mariveles, na dinaluhan ng mga miyembro ng Ethics Committee at Mediation and Conciliation Committee (MedCon) mula sa iba't ibang kooperatiba.

Sa isinagawang programa, nabigyang-diin ang kahalagahan ng bawat komite sa pagpapanatili ng maayos, responsable, at epektibong pamamahala sa loob ng kooperatiba. Tinalakay rin ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat komite upang higit na mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagganap ng kanilang mga mandato at paglilingkod sa kanilang mga kasapi.

Pinangunahan ang mga talakayan ni Mr. Michael Louie D. Nuevo, Cooperative Development Specialist II ng CDA Region III Extension Office, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at napapanahong gabay upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa kanilang mga tungkulin bilang mga opisyal ng kooperatiba.

Naging daan din ang aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa mga napapanahong polisiya, pamamaraan, at pinakamahusay na mga kasanayan na maaaring magamit sa pagpapaunlad ng kanilang mga organisasyon. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagbabahagi ng karanasan ng mga dumalo, naging mas makabuluhan ang palitan ng kaalaman at ideya na makatutulong sa patuloy na paglago ng sektor ng kooperatiba.

Patunay ang gawaing ito sa patuloy na pagsisikap na makapagbigay ng mga programa at pagsasanay na magpapalakas sa kakayahan ng mga opisyal at komite upang mas maging handa sila sa pagtugon sa mga hamon at pangangailangan ng kanilang mga kooperatiba.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng LGU Mariveles sa pamamagitan ng Municipal Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO) na pinangungunahan ni Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperatives Officer, bilang bahagi ng patuloy na adhikain na mapaunlad at mapatatag ang sektor ng kooperatiba sa bayan.




๐€๐ญ๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐€๐‹๐‹ ๐‚๐ƒ๐€๐‘๐„๐ฌ (๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐ž๐ง๐ ๐š๐ ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž๐ฌ)Good news!The sample Manual of Financial ...
17/06/2026

๐€๐ญ๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐€๐‹๐‹ ๐‚๐ƒ๐€๐‘๐„๐ฌ (๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐ž๐ง๐ ๐š๐ ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž๐ฌ)
Good news!
The sample Manual of Financial Consumer Protection Policies and Procedures is now available.
You may download a copy of the file via
https://cda.gov.ph/.../2026/06/Sample-FCPA-Manual.Final_.pdf
This, along with other references available via
https://tinyurl.com/FCPAandFCPAMS
can help you as you comply with the mandate to establish a Financial Consumer Protection Assistance Management System (FCPAMS), as prescribed in Memorandum Circular 2025-08.
Under Section 10 of the said MC, all CDAREs are expected to have established their FCPAMS by the following dates:
On or before June 30, 2026 for Medium and Large Cooperatives; and
On or before December 31, 2026 for Micro and Small Cooperatives
You may also attend our Orientation on RA 11765 (FCPA) and MC 2025-08 (FCPAMS) to learn more about the FCPA-related compliances.
https://www.facebook.com/share/p/19Q18grKJV/
Should you need further assistance, feel free to reach out to our CSF Section in CDA-R3.

๐€๐ญ๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐€๐‹๐‹ ๐‚๐ƒ๐€๐‘๐„๐ฌ (๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐ž๐ง๐ ๐š๐ ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž๐ฌ)

Good news!
The sample Manual of Financial Consumer Protection Policies and Procedures is now available.

You may download a copy of the file via
https://cda.gov.ph/wp-content/uploads/2026/06/Sample-FCPA-Manual.Final_.pdf

This, along with other references available via
https://tinyurl.com/FCPAandFCPAMS
can help you as you comply with the mandate to establish a Financial Consumer Protection Assistance Management System (FCPAMS), as prescribed in Memorandum Circular 2025-08.

Under Section 10 of the said MC, all CDAREs are expected to have established their FCPAMS by the following dates:
On or before June 30, 2026 for Medium and Large Cooperatives; and
On or before December 31, 2026 for Micro and Small Cooperatives

You may also attend our Orientation on RA 11765 (FCPA) and MC 2025-08 (FCPAMS) to learn more about the FCPA-related compliances.
https://www.facebook.com/share/p/19Q18grKJV/

Should you need further assistance, feel free to reach out to our CSF Section in CDA-R3.

Address

2nd Floor New MCEDO (Along Tesda) O Agapito Blanco Street Brgy. Camaya
Mariveles
2105

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mariveles - Municipal Cooperative and Enterprise Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share