07/03/2024
𝗠𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗕𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘃𝗲𝗹𝗲𝘀.
Natanggap po ng inyong lingkod at ibang opisyal ng ating bayan ang kautusan ng Ombudsman na kami ay preventively suspended muna ng anim na buwan. Atin pong hinihintay ang instruksyon ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang implementing agency ng ganitong order, para sa maayos na transition at continuity ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa ating mga kababayan.
May tatlong punto lang tayo na gustong ilahad:
Una, 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝘃𝗲 𝘀𝘂𝘀𝗽𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗳𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗴𝘂𝗶𝗹𝘁. Iniuutos po ito ng Ombudsman para malaya nilang maimbestigahan ang isyu. Sinabihan po natin ang buong pwersa ng munisipyo na makipagtulungan sa anumang dokumento o testimonya na kakailanganin ng Ombudsman.
Pangalawa, nag-ugat ang kaso sa pasya ng Bayan ng Mariveles na magbigay ng business permit sa isang kumpanya na kumpleto ang application at lubos itong tinututulan ng isa namang kumpanya. 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝗽𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗘𝗮𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗗𝗼𝗶𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗔𝗰𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝘀𝘀𝘂𝗲 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗼𝗸𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗽𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻𝘁𝗲. Hindi kunsiderasyon sa Ease of Doing Business Act ang anumang hidwaan ng mga negosyo. Dito sa Mariveles, malugod nating tutulungan ang sinumang nais magnegosyo basta’t naaayon ito sa mga panuntunan ng batas.
Pangatlo, 𝗶𝗻𝗶𝗿𝗲𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲𝘁𝗼 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗢𝗺𝗯𝘂𝗱𝘀𝗺𝗮𝗻. Ngunit bilang abogado at bilang ama ng ating bayan, maninindigan po tayo na ginawa lang natin ang nararapat ayon sa batas. Ang kapakanan ng ating bayan at hindi ang interes ng iilan ang prayoridad natin sa bawat aksyon natin.
Muli, ginawaga natin ang lahat para walang patid ang serbisyo ng ating pamahalaang lokal sa ating mga kababayan. Patuloy na maglilingkod nang may buong katapatan ang buong pamahalaang lokal sa Bayan ng Mariveles.
𝗡𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻,
𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗞𝘂𝘆𝗮 𝗔𝗝 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻