Mariveles Municipal Health Office

Mariveles Municipal Health Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mariveles Municipal Health Office, Government Organization, Mariveles.

𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 mula ika-05 ng Abril, 2022.Magandang hapon po.Base sa datos ng ating MHO sa pamamagitan ng ating mga Con...
06/04/2022

𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 mula ika-05 ng Abril, 2022.
Magandang hapon po.

Base sa datos ng ating MHO sa pamamagitan ng ating mga Contact Tracers, wala ( 0 ) naitalang bagong nag positibo mula sa ating bayan.

Isang(1) kababayan nating ang pumanaw mula sa Brgy. Balon Anito

Patuloy pong gumagaling ang ating mga kababayan. Ang isa (1) sa bagong nakarecover ay mula sa:

Isa mula sa Brgy.Lucanin

Sa kabuuan, pitong libo,apat na daan at tatlompu't tatlo(7,433) na ang mga naka-recover, tatlo (3) ang active cases, at dalawang daan at labing siyam ( 219 ) ang pumanaw na, sa pitong libo,anim na daan at limampu't lima (7,655) na mga kumpirmadong kaso.

Manatili na lang po tayo sa ating mga tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas. Panatilihin po ang social distancing at magsuot ng facemask kung may pupuntahan.

Ugaliin pa rin po ang tamang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o mag disinfect gamit ang alcohol.

Sama-sama po tayong manalangin bilang nagkakaisang mamamayan ng Bayan ng Mariveles. Sa tulong at sa awa ng Panginoon ay malalampasan at mapagtatagumpayan natin ang krisis na ito.



Groundbreaking Ceremony para sa itatayong Super Rural Health Unit, matagumpay na naisagawa.Naging matagumpay ang seremon...
06/04/2022

Groundbreaking Ceremony para sa itatayong Super Rural Health Unit, matagumpay na naisagawa.

Naging matagumpay ang seremonya sa pagsisimula ng pagtatayo ng Super Rural Health Unit na matatagpuan sa Maap Road, Brgy. Alasasin.

Idinaos ang seremonyang ito sa pamamagitan ng pagaalay ng panalangin na nagmula kay Atty. Mike Operario. Naghatid naman ng mensahe ang mga panauhin na sina Dr. Noel Reyes na mula sa DOH Region III, Hon. Jaja Castañeda na SB Member on Health, Dr. Gerald Sebastian, Municipal Health Officer at ng mga panauhin na nagmula sa Provincial Health Office.

Sa mensaheng inihatid ni Mayor JoCas, lubos niyang pinasalamatan ang iba’t-ibang national agencies na patuloy na tumutulong at nagbibigay ng mga proyektong makapagpapagaan sa kasalukuyang kalagayaan ng ating mga kababayan.

Ang Super RHU ay ang ika-4 na imprastraktura na naipatayo sa Maap Road sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor JoCas. Ito ay maglalaman ng mga pasilidad na hindi karaniwang matatagpuan sa mga barangay health centers katulad ng laboratory, birthing facility, minor surgery facility, emergency room at iba pa.

LOOK: Committee on Health and Sanitation Chairperson, Hon. Jaja Castañeda, visited the blood letting activity at RHU4 in...
06/04/2022

LOOK: Committee on Health and Sanitation Chairperson, Hon. Jaja Castañeda, visited the blood letting activity at RHU4 in Brgy. Batangas II.

The activity was done through the initiative of the Local Government of Mariveles and the Philippine Red Cross.

MGA KABABAYAN MAGING LAGING HANDA PO TAYO SA LAHAT NG PAGKAKATAON. HANDA RIN PO ANG ATING PAMAHALAANG BAYAN PARA TUMUGON...
06/04/2022

MGA KABABAYAN MAGING LAGING HANDA PO TAYO SA LAHAT NG PAGKAKATAON.

HANDA RIN PO ANG ATING PAMAHALAANG BAYAN PARA TUMUGON PO SA INYO. Narito po ang ating mga EMERGENCY HOTLINE CONTACT NUMBERS na maaari po ninyong tawagan.

.

Isang matagumpay na Bloodletting Activity ang  idinaos sa Mariveles Rural Health Unit IV ngayong araw na may temang “Dug...
05/04/2022

Isang matagumpay na Bloodletting Activity ang idinaos sa Mariveles Rural Health Unit IV ngayong araw na may temang “Dugong taglay, sasalba ng buhay.” Saludo kami sa ating magigiting na kababayan na buong-pusong nagbigay ng kanilang dugo upang makatulong sa ating mga kapwa Mariveleño na nangangailangan, kahit pa hindi naging maganda ang panahon at nagpabugso-bugso ang ulan.

Kami po ay nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan — Mariveles Municipal Health Office at sa Philippine Red Cross sa pagsasakatuparan ng nasabing aktibidad.

Ginanap noong Biyernes, ika-1 ng Abril taong 2022 ang ating Oplan Libreng Tuli sa Barangay Alion. Muli po kaming nagpapa...
04/04/2022

Ginanap noong Biyernes, ika-1 ng Abril taong 2022 ang ating Oplan Libreng Tuli sa Barangay Alion.

Muli po kaming nagpapasalamat sa Jollibee Mariveles sa walang sawang pagsuporta saating mga programa pangkalusugan kung saan hatid ay laging bida ang saya!

Mariveles Municipal Health Office in Action 💉Oplan Libreng Tuli at Barangay Alion 👦🏻➡️👨🏻Maraming Salamat po sa mga dokto...
04/04/2022

Mariveles Municipal Health Office in Action 💉

Oplan Libreng Tuli at Barangay Alion 👦🏻➡️👨🏻

Maraming Salamat po sa mga doktor, sa lahat ng staff na bumubuo ng Mariveles Municipal Health Office at sa pamunuan ng Barangay Alion na nakiisa at tumulong sa isang matagumpay na aktibidad noong Biyernes, ika-1 ng Abril taong 2022.

Magandang gabi po.Narito ang schedule ng bakunahan sa Mariveles Heroes Hall at Cabcaben Covered Court Vaccination Sites:...
03/04/2022

Magandang gabi po.

Narito ang schedule ng bakunahan sa Mariveles Heroes Hall at Cabcaben Covered Court Vaccination Sites:

Patuloy po tayong tumatanggap ng walk-in na magpapabakuna para sa 1st, 2nd dose at booster shot para sa lahat.

MGA DAPAT TANDAAN:

- Para sa mga 1st dose walk-in, magdala ng mga kaukulang dokumento at valid ID na nagpapatunay sa kategoryang iyong kinabibilangan at kopya ng QR Code para sa bakuna.
- Magdala ng ballpen, magsuot ng face mask at sumunod sa health protocols habang nasa loob ng vaccination site.
- Priority sa pila ang senior citizen, medical frontliner, buntis, at nagpapadede.
- Para sa mga hindi pa nakarehistro sa Bataan Vaccination Program at wala pang QR CODE para sa bakuna, maaaring mag-register sa https://bataanpass.appcase.net/ o https://vax.bataan.gov.ph/

Ang mga magpapakita ng sintomas katulad ng sana ibaba ay hindi pahihintulutan na mabakunahan.
1. Ubo
2. Sipon
3. Mataas na temperatura



MAHALAGANG PABATID:Mapagpalang araw po sa lahat! Ang Mariveles Rural Health Unit IV ay malugod kayong  inaanyayahan sa p...
29/03/2022

MAHALAGANG PABATID:

Mapagpalang araw po sa lahat! Ang Mariveles Rural Health Unit IV ay malugod kayong inaanyayahan sa paglulunsad ng Bloodletting Activity sa darating na Ika-5 ng Abril taong 2022 sa ganap na ika-8 ng umaga.

Maaari po kayong magparehistro sa mga Barangay Health Stations na nakasasakop sa inyong lugar o sa aming tanggapan.

Tara na at mag-donate ng dugo upang makatulong sa ating kapwa! Inaasahan po namin ang inyong pagdalo.

“Dugong taglay, sasalba ng buhay” ❤️


Narito ang schedule ng bakunahan sa Mariveles Heroes Hall at Cabcaben Covered Court Vaccination Sites:Patuloy po tayong ...
29/03/2022

Narito ang schedule ng bakunahan sa Mariveles Heroes Hall at Cabcaben Covered Court Vaccination Sites:

Patuloy po tayong tumatanggap ng walk-in na magpapabakuna para sa 1st, 2nd dose at booster shot para sa lahat.

MGA DAPAT TANDAAN:

- Para sa mga 1st dose walk-in, magdala ng mga kaukulang dokumento at valid ID na nagpapatunay sa kategoryang iyong kinabibilangan at kopya ng QR Code para sa bakuna.
- Magdala ng ballpen, magsuot ng face mask at sumunod sa health protocols habang nasa loob ng vaccination site.
- Priority sa pila ang senior citizen, medical frontliner, buntis, at nagpapadede.
- Para sa mga hindi pa nakarehistro sa Bataan Vaccination Program at wala pang QR CODE para sa bakuna, maaaring mag-register sa https://bataanpass.appcase.net/ o https://vax.bataan.gov.ph/

Ang mga magpapakita ng sintomas katulad ng sana ibaba ay hindi pahihintulutan na mabakunahan.
1. Ubo
2. Sipon
3. Mataas na temperatura



Address

Mariveles

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mariveles Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mariveles Municipal Health Office:

Share