19/06/2026
๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ ๐ญ๐ฒ๐ฑ๐๐ต ๐๐๐ฅ๐ง๐ ๐๐ก๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ, ๐๐ฅ. ๐๐ข๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐ญ๐๐! ๐ต๐ญโจ
โ๐ป๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ณ๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐.โ โ ๐๐ง๐ค๐ซ๐๐ง๐๐จ 1:7
Sa araw na ito, ginugunita natin ang ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ang ating Pambansang Bayani. Siya ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Sa pamamagitan ng kanyang mga akda at mapayapang adhikain, namulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng kalayaan at pagmamahal sa bayan. Ang kanyang talino, tapang, at pagmamalasakit ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa bawat Pilipino. Hanggang ngayon, buhay ang kanyang mga aral at legasiya.
Si Dr. Rizal ay pumanaw noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan, Maynila. Bagama't maikli ang kanyang buhay, malaki ang kanyang naiambag sa ating kasaysayan. Nawa'y tularan natin ang kanyang pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa edukasyon. ๐ต๐ญ
๐ผ๏ธ: Carl Naythan De Los Santos (SSLG Grade 8 Representative)
โ๐ป: Jewel Mari Tualla (SSLG President)