03/09/2026
๐๐ฉ๐จ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐๐๐ ๐
๐ข๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
๐๐ ๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐จ๐ฆ
Bilang paghahanda sa nalalapit na Pista ni Apo Kulas 2026, isinagawa ang Final Coordination Meeting ngayong araw upang pag-isahin ang mga paghahanda para sa kaligtasan, seguridad, at maayos na pagsasagawa ng lahat ng aktibidad ng pagdiriwang.
Dumalo sa pagpupulong ang mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan na nakatalaga sa ibaโt ibang gawain at event preparations, mga personnel mula sa safety and security, mga kinatawan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) at iba pang national government agencies, gayundin sina Fr. Regin Tenorio ng Diocesan Shrine of St. Nicholas de Tolentino Parish at Fr. Reynollex Ragaodao ng Iglesia Filipina Independiente. Naging mahalagang pagkakataon din ito upang pag-usapan at pagtibayin ang mga kinakailangang safety at security measures para sa bawat aktibidad ng Apo Kulas 2026.
Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Mariveles, sa pangunguna ni Atty. Ace Jello Concepcion, at kay Vice Mayor Jesse Concepcion, gayundin sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan na nakiisa sa pagpupulong na sina Kon. Dan Banal, Committee Chair on Tourism; Kon. Jeff Peรฑaloza, Vice Chair on Tourism; Kon. Omar Cornejo; at Kon. Ronald Arcenal. Gayundin sa ating Municipal Tourism Council Chairperson, Atty. Fe Concepcion.
Taos-pusong pasasalamat din sa lahat ng tanggapan, ahensya, simbahan, safety and security personnel, at mga katuwang na dumalo at nagbahagi ng kanilang oras at suporta.
Ating sama-samang pagtulungan na gawing ligtas, payapa at makabuluhan ang Pista ni Apo Kulas 2026 para sa Bayan ng Mariveles.
๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฉ๐ช๐ง๐๐จ๐ข๐ค ๐๐ฉ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ก๐รฑ๐ค, ๐๐๐จ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ก๐๐จ!