10/11/2023
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐛𝐮𝐨, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍".💛
Nagsimula sa unang pagkikita na nagkakailangan halos tipid pa na tawanan at biruan ngunit ramdam mo na ang mabubuong magandang samahan, Hanggang sa araw-araw ng nag-uusap, nagkikita at nagpaplano para sa magandang hangarin para sa mga kabataan. At heto unti-unti ng lumalabas ang kiliti at kwentuhang walang humpay na asaran at tawanan, nakakatuwang isipin na akala namin sa kabila ng pagiging INDEPEDENTE naming grupo hindi namin malalagpasan ang mga araw at pagkakataon na hirap kami sa financial at iba pang kagamitin ngunit kay buti ng Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan.
May mga taong bukas palad na kami ay tinulungan at sinamahan kami sa aming laban, Salamat po sa inyo hindi man lahat pinalad sa amin ngunit may isa pong nagtagumpay para ilahad pa rin ang mga plano na aming nabuo. Bukod rito, Sa kabila ng nakikita ninyong pagod ng aming katawan at mukha sa likod ng mga ito ang aming mga kapamilya, kamag-anak kakilala mga kaibigan, Idol nang kabataan konsi Edison Taneo, ang kuya ng bayan "Je" at Grupo ng PALDAYO'S kami ay kanilang sinamahan mapagod, mapuyat at lumaban. Hindi kami magiging matagumpay sa lahat ng aming napagdaan kung wala sila sa aming harap, kanan, kaliwa at likuran. 🙏
Habang unti-unting papalapit na botohan kami ay nagbiruan sambit namin ay "Baka pag natapos ang eleksyon tapos na rin ang samahan". Ngunit ang lumabas sa mga bibig ng bawat isa ay "Hindi kami papayag na hanggang doon lang". Tunay nga dahil kahit natapos ang eleksyon kami ay nagsasama sama pa rin tulad sa kung paano ang samahan namin noong araw ng kampanyahan. Hindi nga partido ang nabuo kundi SOLIDONG TROPAHAN na mas panalo kaysa sa resulta ng aming naging laban sa botohan.
Salamat sa Diyos dahil sinamahan niya kaming pakalmahin ang aming puso at isipan na kahit anong maging resulta ay matanggap ng aming puso ito ng walang sakit, pagsisisi at lungkot ang maramdaman salamat dahil niyakap niya kami kaya't hanggang sa ngayon ay tanggap talaga namin ito ng bukal sa aming mga puso. Lahat ng nangyayari at mangyayari ay may dahilan kaya kami ay naniniwala sa mga plano ng Diyos sa aming mga kahilingan para sa aming mga kinabukasan.
Sa bidyow inyong mapapanuod kami mismong nasa mga larawan kapag amin itong binabalikan halos hindi namin mapigilan ang maluha sa galak dahil akalain mo amin itong napagtagumpayan bilang mga INDEPENDENT. Nakakamiss, ang sarap balikan kung pwede lang mag teleport pabalik sa mga araw na ito hindi ko pagsisisihan na dito ko namin ginugol ang mga oras namin, HINDI SAYANG at kahit kaylaan hindi ako kaming magsisisi na naging parte kami ng isang gintong kasaysayan na palagi at lagi naming babalikan at sasabihing "TEAM ROI PO, SINAGLAYON, INDEPENDENT PO PASINGIT NALANG PO KAMI, SALAMAT PO!💛