25/08/2026
🎉 JOB FAIR – AGOSTO 2026
“Handog Kaarawan, Trabaho sa Bayan”
📣 NARITO NA ANG MGA JOB VACANCIES MULA SA MGA LOCAL COMPANIES!
Inaanyayahan ang lahat ng jobseekers mula sa Bataan na makilahok sa Job Fair sa darating na Agosto 28, 2026!
Sa pagtutulungan ng City Government of Balanga, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Raquel Francis D. Garcia at Vice Mayor Francis Anthony S. Garcia, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) Balanga City, Bataan Peninsula State University (BPSU) sa pangunguna ni Dr. Ruby B. Santos-Matibag at ng Career and Job Placement Unit, at Department of Labor and Employment (DOLE) – Bataan, hatid ang 2026 Job Fair upang magbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at tulungang maiugnay ang mga jobseekers sa mga employer.
📅 Petsa: Agosto 28, 2026
🕙 Oras: 10:00 AM – 4:00 PM
📍 Lugar: Vista Mall, Bataan
💼 Iba't ibang local at overseas job opportunities ang naghihintay!
📌 Magdala ng maraming kopya ng iyong updated resume at maghanda para sa on-the-spot interviews.
🔗 Paano Magparehistro:
https://tinyurl.com/Jobfairaugust2026
• Punan ang registration form.
• I-submit at kunin ang inyong QR Code.
• Ipakita ang QR Code sa araw ng Job Fair.
Walang oras para magparehistro? Walang problema! Maaari kang mag-register on-site sa mismong araw ng event.
📌 Para sa mga oportunidad sa abroad, hintayin ang aming susunod na anunsyo para sa mga kasamang overseas agencies.