02/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Pormal nang binuksan sa Barangay San Carlos ang EntrepFair 2026: Tagpo ng mga Lokal na Produkto, isang tampok na aktibidad na nagbibigay-puwang sa ating mga lokal na negosyante upang maipakilala, maipakita, at maitaguyod ang kanilang mga produkto sa Barangay San Carlos.
Sinimulan ang Opening Ceremonies sa isang blessing na pinangunahan ni Pde. Regin L. Tenorio, na sinundan ng ceremonial ribbon cutting bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng EntrepFair 2026.
Nakiisa bilang mga panauhin sa pagbubukas sina Engr. Rolando Cruz, Head ng Mariveles Cooperative and Enterprise Development Office (MCEDO), at G. John Lloyd Pasamonte, kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI), bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa pagpapaunlad ng mga lokal at maliliit na negosyo.
Malugod namang ipinakilala ni Punong Barangay Jael Petalan, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Barangay ng San Carlos, ang mga kalahok sa EntrepFair 2026 na mga masisipag at masisikhay na lokal na negosyanteng handang ibahagi sa ating komunidad ang kani-kanilang produkto at likha.
Higit pa sa isang fair, ang EntrepFair 2026 ay isang pagkakataon upang sama-sama nating palakasin ang kabuhayan sa ating komunidad. Sa bawat pagbisita, pagbili, at pagtangkilik sa lokal na produkto, direkta nating sinusuportahan ang sipag, talento, at pangarap ng ating mga kapwa taga-San Carlos.
Kaya naman, inaanyayahan ang lahat na bumisita, mamili, tumangkilik, at suportahan ang ating mga local entrepreneurs!
๐ EntrepFair 2026: Tagpo ng mga Lokal na Produkto
๐
September 1โ10, 2026
๐ Barangay San Carlos, Mariveles, Bataan
SUPORTANG LOKAL, PARA SA PAG-UNLAD NG SAN CARLOS! ๐๐
For the Love of San Carlos, !