15/08/2026
๐ BARANGAY PEACEKEEPING ACTION TEAM (BPAT) ROVING & ACTIVITY REPORT
๐
Date: August 15, 2026
โฐ Time: 10:15 PM โ 12:29 AM
๐ Areas Covered: Buong nasasakupan ng Barangay Mt. View
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Amorsolo L. Santos, patuloy na isinasagawa ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) โ Team Alpha ang regular na pagroronda sa ibaโt ibang sitio ng Barangay Mt. View upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating mga kabarangay.
๐ฎ BPAT Personnel on Duty:
โข Team Leader: Paulalyn Amor
โข BPAT Members: Sammy Binsol, Joseph Palles, Sanito Garcia
๐จ PATROL HIGHLIGHTS
Mula 10:15 PM hanggang 12:29 AM, nagsagawa ng regular na roving ang Team Alpha sa mga sitio na nasasakupan ng ating barangay. Sa isinagawang pag-iikot, walang naobserbahang kahina-hinalang tao o insidente ng paglabag sa kaayusan.
Sa kanilang pagroronda, napansin ng team ang isang nakabagsak na live wire sa kalsada sa Sitio Villa Carmen. Agad itong ini-report sa PENELCO upang maiwasan ang anumang aksidente o panganib sa mga motorista at residente. Agad namang rumesponde ang kanilang personnel at naalis ang nakabagsak na wire.
โ
Incidents Addressed:
Walang aksidente o iba pang insidenteng naitala sa oras ng pagroronda. Gayunman, ang agarang pagresponde sa nakabagsak na live wire ay nakatulong upang maiwasan ang posibleng panganib sa ating komunidad.
๐ข PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY
Patuloy ang regular na pagroronda ng BPAT upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at public safety sa buong Barangay Mt. View.
Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, sumunod sa mga barangay ordinances, at agad na ipagbigay-alam sa Barangay Hall o sa pinakamalapit na BPAT personnel ang anumang kahina-hinalang gawain, panganib, o emergency.
๐ค Ang inyong pakikiisa at kooperasyon ay mahalaga upang mapanatili nating ligtas, mapayapa, at maayos ang ating Barangay Mt. View.
Mabuhay ang ating mga masisipag na BPAT! Saludo kami sa inyong serbisyo, lalo na sa mga oras na karamihan ay nagpapahinga. ๐ต๐ญ๐ซก