17/05/2025
Happy happy birthday po, Former Mayor Boboy Peliglorio! 🥳💖
Maligayang ika-57 na kaarawan, Manoy Boboy Peliglorio! 🥳
57 ka na, pero grabe ang lakas mo pa rin, ang kisig mo pa rin! Wala ka pa ring kupas—hindi lang sa pamilya natin, kundi lalo na sa mga taong minahal at hinangaan ka sa paglilingkod mo.
Ngayong espesyal na araw mo, gusto ko lang iparating ang taos-puso kong pasasalamat. Hindi lang dahil isa kang napakabuting kuya, kundi dahil ikaw ang naging sandigan at lakas namin sa buong kampanya. Bilang aming campaign manager, ikaw ang naging ilaw at direksyon ng buong team. Oo, hindi man tayo nanalo dahil sa hindi patas na laban—vote buying at dayaan—pero tumayo tayo nang taas-noo. Malinis, tapat, at may prinsipyo ang laban natin, at ‘yan ay hindi matutumbasan ng kahit anong resulta.
At kahit gano’n ang nangyari, ramdam pa rin natin ang pagmamahal ng mga tao—at nagsimula ‘yon sa’yo, Manoy. Ikaw ang una nilang minahal, bilang dati nilang mayor na tunay na naglingkod. At dahil sa pagmamahal nila sa’yo, minahal din nila ako. Buong-buo ang respeto at tiwala nila, at dala-dala natin ‘yan dahil sa pamana mong kabutihan.
Maligayang bati, Manoy! Sana maging masagana, masaya, at punong-puno ng pagmamahal ang taon na ‘to para sa’yo dahil yan din ang palaging ibinibigay mo sa amin.
Mahal ka namin, Manoy! 💖🎂🙏🏼