Barangay Alion Health Committee

Barangay Alion Health Committee Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Alion Health Committee, Public & Government Service, Alion, Mariveles.

26/11/2025

ALAM NIYO BA?
Isa sa mga tungkulin ng ating baga ay magbigay ng oxygen sa ating dugo at tisyu sa katawan. Isang malaking parte ng ating sistema upang maayos na mapagana ang bawat bahagi at organo ng ating katawan. Dahilan upang mas lalo pa nating ingatan at pahalagahan ang ating mga baga.

Kaya naman ngayong Lung Cancer Awareness Month muling paalala ng Bataan Provincial Health Office na:
-Huwag manigarilyo upang sarili at mga mahal sa buhay ay maiiwas sa banta ng cancer

-Iwasan na makalanghap ng usok mula sa sigarilyo ng iba, usok mula sa nasusunog na bagay, at usok mula sa mga sasakyan

-Protektahan ang sarili mula sa mga delikadong kemikal na nakahalo sa hangin; ipinapayo pa rin ang tamang pagsuot ng facemask; at

-Pasiglahin ang inyong baga sa natural na paraan gaya ng regular na pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansya

-Magtungo sa pinakamalapit na primary care facility o barangay health station sa inyong lugar sakaling may hindi normal na nararamdaman.

Tandaan, ang cancer na maagang natuklasan ay mas madaling gamutin kumpara sa cancer na umabot na sa malalang yugto.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at smoke-free na komunidad para sa malusog na baga ng bawat miyembro ng pamilyang Bataeño.

Date: November 21, 2025 Zumba Para Sa KalusuganIsang matagumpay at makabuluhang Zumba for Health ang isinagawa noong Nov...
21/11/2025

Date: November 21, 2025
Zumba Para Sa Kalusugan

Isang matagumpay at makabuluhang Zumba for Health ang isinagawa noong November 21, 2025, ganap na 5:00 PM, na pinangunahan ng Barangay Alion. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang komunidad na maging aktibo, magkaroon ng tamang ehersisyo, at paigtingin ang adbokasiya para sa mas malusog na pang-araw-araw na pamumuhay.

Lubos ang pasasalamat sa masiglang pakikiisa ng Samahan ng mga Kababaihan, Barangay Council at SK Officials, MBUFC, at ating dedikadong Barangay Health Workers. Ang kanilang presensya at suporta ay nagbigay kulay at enerhiya sa kabuuan ng programa, at patuloy na nagpapatunay na ang kalusugan ay tunay na pang-komunidad na responsibilidad.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagkakaisa, naipakita ng Barangay Alion na kayang makamit ang isang mas masigla, mas aktibo, at mas malusog na pamayanan. Maraming salamat sa inyong pakikiisa, at nawa’y magsilbi itong inspirasyon para sa mas marami pang programang pangkalusugan sa hinaharap.

Date: November 21, 2025Health Symposium @ Barangay Alion Matagumpay na naisagawa ang Symposium noong November 21, 2021 s...
21/11/2025

Date: November 21, 2025
Health Symposium @ Barangay Alion

Matagumpay na naisagawa ang Symposium noong November 21, 2021 sa Alion Elementary School, sa pangunguna ng ating masisipag na Brgy. Officials na sina Hon. Maricor Tamon at Hon. Jeffrey Rabanal, kasama ang dedikadong Barangay Health Workers na sina Ma’am Alaine Hershey Nicholas at mga Health worker.

Tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng Anti-Dengue Awareness (Hon. Jeffrey Rabanal), Anti-Rabies at Tuberculosis Awareness (Hon. Maricor Tamon).FHMD Foot Hand and Mouth Disease (Alaine Hershey Nicolas.Dito ay binigyang diin Ang kahalagahan at pagiingat ng bawal miyembro ng pamilya.

Lubos ang pasasalamat sa mga kabaryo at Alion ES faculty sa kanilang suporta at pakikiisa. Sama-sama, para sa isang mas ligtas at mas malusog na komunidad!

21/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ngayong buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang sa Pilipinas ang Malaria Awareness Month. Ang malaria ay sakit na dulot ng parasitikong Plasmodium, na naipapasa naman sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Anopheles.

Ang mga sintomas nito ay hindi nalalayo sa trangkaso, at kadalasang lumalabas pagkatapos ng 10-15 araw mula nang makagat ng lamok:
-Fever (lagnat)
-Chills (panginginig)
-Sweating (hindi normal na pagpapawis)
-Headache (pananakit ng ulo)
-Diarrhea (pagtatae)
-Vomiting (pagsusuka)
-Muscle aches (pananakit ng kalamnan)
-Fatigue (pagkapagod)

Sa kasalukuyan, nananatiling Malaria-Free ang Lalawigan ng Bataan, ang kauna-unahang naideklarang lalawigan sa buong Central Luzon noong 2017. Patuloy pa rin na ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na palaging maging maingat, protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok:
-Magsuot ng mahahabang damit
-Gumamit ng kulambo at insect repellant tuwing tutungo sa lugar na may mga naitalang kaso ng malaria.
-Sakaling makaranas ng mga sintomas na nabanggit sa loob ng dalawang linggo, magtungo agad sa pinakamalapit na health center.

Maging maalam, iwasan ang lamok, labanan ang malaria. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malaria-free na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


21/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ang tema ng World Toilet Day na ipinagdiriwang ngayong araw ay: "Sanitasyon ay pahalagahan, para sa maayos at malusog na pamayanan".

Ang World toilet Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-19 ng Nobyembre kada taon, na naglalayong bigyang halaga ang karapatan ng bawat tao sa sanitasyon. Sa tema ng taong ito, nais ipaalala sa publiko na ang kalusugan at kaayusan ng isang komunidad ay hindi lamang responsibilidad ng iisa. Ito ay makakamit sa pagkakaroon ng kooperasyon at kagustuhan ng lahat na gawing ligtas ang pamayanang kanilang sinasakupan.

Ngayong araw, nais ipaalala ng Provincial Health Office na kung ang bawat isa ay gagamit ng maayos na palikuran, at kung ito'y mapananatiling malinis, maiiwasan ang pagkalat ng bacteria at virus mula sa dumi ng tao na maaaring magdulot ng iba't-ibang sakit.

Tandaan, ang kalinisan ay karapatan at obligasyon ng bawat isa. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang maayos, malinis, at ligtas na lalawigan para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


21/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ang 11 munisipalidad at ang Lungsod ng Balanga dito sa Bataan ay mayroong accredited Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP). Kauna-unahan sa buong Central Luzon na nakapagkumpleto ng lahat ng LGUs na may accredited-CBDRP.

Para sa mga indibidwal o sa mga may kamag-anak na dumadaan sa pagkalulong, maaari kayong magtungo sa pinakamalapit na RHU sa inyong lugar upang kayo'y mabigyan ng suporta at tulong para sa mas epektibong pagtigil ng inyong bisyo.

Sa pagdiriwang ng 'Drug Abuse Prevention and Control Week' ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na laging piliin at pahalagahan ang kalusugan para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Maging bahagi ng isang maayos at malusog na komunidad.

Ang tema ng pagdiriwang na ito ngayong taon ay "Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan".

Iwasan ang droga! Tandaan, kapalit ng panandaliang libang na dulot ng droga ay ang pagkasira ng inyong mental at pisikal na kalusugan, pagkawasak ng pamilya, at pagkasira ng inyong maayos na estado sa lipunan. Bukod pa rito ay mataas din ang tyansang ikaw ay makulong, at magdulot ng pagkabaliw o kamatayan.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at drug-free na bagong Pilipinas para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


21/11/2025

ALAM NIYO BA?
Isa (1) sa bawat sampung (10) produktong medikal dito sa Pilipinas ay PEKE o may mababang kaledad, ito ay ayon sa World Health Organization (WHO) mula sa kanilang pag-aaral sa mga developing countries kabilang ang ating bansa.

Sa pagdiriwang ng National Consciousness Week Against Counterfeit Medicine ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre, na may temang "Isang Bayan, Isang Laban, Pekeng Gamot ay Iwasan", nais hikayatin ng Bataan Provincial Health Office na makiisa at makibahagi sa pagsugpo ng pekeng gamot.

Sakali mang mayroon kayong mabiling hinihinalang gamot na hindi rehistrado o mga pekeng gamot, huwag mag-atubiling ipaalam sa mga awtoridad.

Ipinapaalala sa lahat na maigting pa ring ipinatutupad sa Pilipinas ang Republic Act No. 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs na nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot na hindi rehistrado ng Food and Drug Administration at paggawa ng mga gamot na hindi sumusunod sa mga tuntuning nakapaloob sa batas na ito.

Tandaan, ang mga counterfeit drugs o mga gamot na hindi nakapasa sa pagsusuri ng mga awtoridad, pati na ang mga gamot na nag-expire na ay makapagdudulot ng masamang epekto sa katawan ng tao o hayop.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


16/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ipinagdiriwang ngayong araw ang 'World Diabetes Day'. Ngayong taon, mayroon itong temang "Diabetes Across Life Stages". Nais nitong bigyang-diin ang katotohanang walang pinipiling edad ang sakit na diabetes, mula sa mga bata hanggang sa matatanda ay maaaring magkaroon ng sakit na ito kung pababayaan ang kalusugan.

Kung kaya't hinihikayat ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng Bataeño na:
-Sundin ang Pinggang Pinoy para masigurong 'portion at variation mo sa pagkain ay wasto'.
-Move more, Eat right para iwas diabetes.
-Pinapayuhan din ang lahat na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Tandaan, ang diabetes ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay hindi sapat na nakakagawa o nakakagamit ng insulin, at ito'y nagdudulot ng mataas na level ng blood glucose o blood sugar.

Maging maalam, piliin ang healthy living, at laging bigyang pansin ang inyong kalusugan. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


November 15,2025“Isang maaliwalas, malinis, at ligtas na komunidad ang patuloy nating pinapangalagaan dito sa Barangay A...
16/11/2025

November 15,2025

“Isang maaliwalas, malinis, at ligtas na komunidad ang patuloy nating pinapangalagaan dito sa Barangay Alion. 🌿✨
Ngayong Nobyembre 15, 2025, matagumpay na isinagawa ang Clean-Up Drive sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Marcialito D. Balan, kasama ang kanyang masisipag na konseho.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapanatili ang kalinisan, kaligtasan, at kaayusan ng ating barangay, at tunay namang naging posible kahit patuloy Ang pag patak ng ulan,dahil sa suporta ng mga barangay tanod.
Maraming salamat sa inyong oras at malasakit. Sama-sama nating gagawin ang Barangay Alion na mas maaliwalas at mas ligtas para sa lahat! 💚🧹


09/11/2025

PAALALA NGAYONG BAGYONG

Ngayong mayroon na namang bagyo, pinaaalalahanan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na iwasan ang mga sakit na gaya ng water-borne diseases, influenza, leptospirosis, at dengue dahil mas malaki ang banta nito sa ating kalusugan ngayong panahon ng bagyo.

-Siguraduhin na malinis at ligtas ang tubig na inyong iniinom at ginagamit; gayundin ang pagkain na inyong kakainin, siguraduhing ito ay maayos na naluto.

-Panatilihing malinis ang katawan; ugaliing maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon

-Siguraduhing malinis ang kapaligiran at tama ang paraan ng pagtatapon ng basura upang maiwasan ang baha at upang walang pamugaran ang mga lamok at insektong magdudulot ng sakit.

-Ugaliing linisin at i-disinfect ang mga kagamitan sa bahay; itaob ang mga maaaring maipunan ng tubig gaya ng mga bote, gulong, o timbang hindi ginagamit.

-Umiwas sa baha; huwag maglaro, lumusong, o lumangoy sa tubig baha

-Gumamit ng payong, kapote, at bota

-Magpabakuna kontra influenza at hepatitis

-Iwasan ang malapit na pakikipag-usap sa mga taong may sakit, lagnat, ubo at sipon

Umiwas sa komplikasyon, maging maingat, maalam, at mapagmatyag para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


08/11/2025

Iniimbitahan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng edad 18 pataas na nasa tamang timbang (50kg o higit) na makibahagi sa gaganaping malawakang blood donation drive sa darating na ika-12 ng Nobyembre, mula 8:00 AM - 3:00 PM, sa The Bunker, Capitol Compound.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ng ating mahal na Gobernador Joet Garcia.

Katuwang ng Bataan PHO ang Iskolar ng Bataan at Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC).

1Dugo, 1Bataan. Sa araw ni Gov. Joet, Magbigay Buhay! Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang nagtutulungang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Address

Alion
Mariveles
2105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Alion Health Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share