10/06/2022
Buntis Congress 2022, matiwasay na idinaos.
Ginanap ang Buntis Congress 2022 sa Margieโs Place, Brgy. Balon Anito kasama ang mga BHWs, MHO, Medics, mga panauhin at mga nanay na kasalukuyang nagdadalang-tao.
Sa pamamagitan ng mga kaalamang pangkalusugan na ibinahagi nina Dr. Rosalie Hidalgo at Dr. Rementina Magdaug, bilang mga Resource Speaker, makasisiguro tayo na nadagdagan ang kaalaman ng mga buntis sa tamang pangangalaga ng kanilang kasalukuyang kalagayan.
Abot-abot ang pasalamat ni Mayor JoCas sa MHO na pinamumunuan ni Dr. Gerald Sebastian sapagkat nabigyan ng katuparan ang isa sa kanyang mga programa na matagal na natigil gawa mg pandemya.