01/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐
Camp Bonny Serrano, Masbate City โ Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Masbate Police Provincial Office ang isang hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na may kasong Murder sa isinagawang operasyon sa Brgy. Malibas, Palanas, Masbate nitong Hunyo 1, 2026.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas โDaniloโ, nasa hustong gulang, lalaki at residente ng ng Cataingan, Masbate.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng Palanas Municipal Police Station, kasama ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company at Provincial Intelligence Unit โ PPDEU ng Masbate Police Provincial Office.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas at pinagtibay ni Hon. Jose Ronald M. Bersales, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 47, Masbate City, na may petsang Mayo 26, 2026, para sa kasong Murder at walang rekomendasyong piyansa para sa nasabing kaso.
Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang akusado sa Palanas MPS para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Pinuri ng Masbate Police Provincial Office ang matagumpay na koordinasyon ng mga yunit na nagsagawa ng operasyon. Muli nitong pinagtibay ang kanilang pangako sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Masbate.
โPatuloy nating tutugisin ang mga taong may pananagutan sa batas upang matiyak ang hustisya at seguridad ng ating mamamayan. Ang tagumpay na ito ay bunga ng masusing koordinasyon at dedikasyon ng ating mga kapulisan at ng ating pamayanan sa pangagalaga sa ating kumunidad,โ pahayag ni PCOL JEFFERSON B ARAOJO, Provincial Director ng Masbate PPO.