25/02/2026
OFFICIAL STATEMENT
Ang pamunuan ng Felixberto Del Rosario Sr. Memorial High School ay muling nagpapatibay ng aming mahigpit na paninindigan laban sa anumang anyo ng bullying, harassment, o karahasan sa loob at labas ng paaralan.
Mayroon kaming ZERO TOLERANCE POLICY SA BULLYING. Anumang insidente na mapapatunayang paglabag ay agad na iimbestigahan at sasailalim sa kaukulang aksyon alinsunod sa Child Protection Policy at umiiral na mga alituntunin ng DepEd.
Nananawagan kami sa mga magulang, mag-aaral, at buong komunidad na makiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas, inklusibo, at magalang na kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat.
Ang sinumang may nais ireport o ipaalam na insidente ay maaaring makipag-ugnayan sa aming Guidance Designate o School Administration.
๐ Sama-sama nating itaguyod ang respeto, disiplina, at malasakit sa bawat isa.
โ Pamunuan
Felixberto Del Rosario Sr. Memorial High School