DILG San Pascual

Directions

DILG San Pascual This page is solely for announcement and postings of activities of the DILG - San Pascual, Masbate

24/08/2026

BAGO ANG ELEKSYON, ALAMIN ANG TUNGKULIN.
BAGO MAGLINGKOD, UNAWAIN ANG PANANAGUTAN.

Handa ka na bang maging isang Punong Barangay?

Bago tumakbo sa posisyon, mahalagang malaman at maunawaan ang tunay na mandato, mga tungkulin, at responsibilidad na kaakibat ng pamumuno sa barangay.

Samahan kami sa BALANGIBOG EPISODE 20: PRE-BNEO SERIES – ROLES AND FUNCTIONS OF THE PUNONG BARANGAY sa August 25, 2026 sa ganap na alas 9:00 n umaga, kasama ang ating Resource Speaker, Atty. Arnaldo E. Escober Jr., CESO III, Regional Director, DILG Region V.

Alamin ang mahalagang papel ng Punong Barangay bilang pangunahing pinuno ng pamahalaang barangay at bilang lingkod ng kanyang komunidad.

14/07/2026
16/02/2026
14/02/2026
14/02/2026
10/02/2026

✈ Isa ka bang local government official o empleyado na may planong mag-travel abroad—opisyal man o personal? Kung oo, ito ang session para sa’yo!

Ang Local Government Monitoring and Evaluation Division (LGMED), sa pamamagitan ng Local Government Policy and Barangay Affairs Section (LGPBAS), ay magsasagawa ng Re-Orientation sa Foreign Travel Authority (FTA) Guidelines para sa mga LGU sa:

🗓 11 Pebrero 2026
⏰ 1:30 PM
💻 Via Zoom

Sa session na ito, tatalakayin ang:

• Mahahalagang probisyon ng DILG MC No. 2025-023 (Guidelines on the Use of the Foreign Travel Authority Online System Application, Version 3)
• MC No. 2025-112 (Lifting the Suspension of Official and Unofficial Foreign Travel of Elected and Appointed Local Government Officials)
• Karaniwang concerns sa pagsusumite ng applications at pag-claim ng aprubadong FTA

👉 Maging handa, maging compliant, at maglakbay nang may kumpiyansa.

06/02/2026
27/01/2026

📢 LGU San Pascual, Ipinagdiwang ang Ika-30 Autism Consciousness Week

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lokal ng San Pascual ang ika-30 Autism Consciousness Week na may temang “Mula Kamalayan Tungo sa Gawa: Pag-unlad ng Autism-OK Philippines.”

Layunin ng pagdiriwang na palawakin ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa autism, isulong ang pagtanggap, pag-unawa, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga indibidwal na nasa autism spectrum.

Sa pangunguna ng LGU San Pascual, kasama ang iba’t ibang tanggapan at sektor, muling pinagtibay ang suporta sa mga programang inklusibo na naglalayong bigyang-lakas ang mga PWD at kanilang pamilya.

Patuloy tayong makiisa—mula sa kamalayan tungo sa tunay na gawa—para sa isang mas maunlad, makatao, at inklusibong San Pascual. 💙

Address

San Pascual
Masbate
5420

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG San Pascual posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share