10/03/2026
Muling nagboluntaryo si Atty. Yong Danao sa Lawyer of the Day Initiative (LODI) Project ng IBP–Masbate Chapter.
Sa nasabing programa, nagbibigay ng libreng konsultasyong legal, basic drafting ng mga legal na dokumento, at notaryo para sa mga simpleng affidavit para sa ating mga kapus-palad na kababayan na nangangailangan ng agarang tulong legal.
Ang LODI ay isang regular na programa ng IBP na ginaganap tuwing alunes hanggang Biyernes, sa tanggapan ng IBP Masbate, na matatagpuan sa loob ng Bulwagan ng Katarungan, Masbate City.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na naipapakita ang tunay na diwa ng serbisyo publiko ng mga abogado—ang gawing mas abot-kamay ang hustisya para sa lahat. ⚖️