06/08/2026
TINGNAN: Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mamimili, patuloy na nagsasagawa ang Office of the Municipal Treasurer – Weights and Measures, LGU Mandaon ng inspeksyon, kalibrasyon, at pagseselyo ng mga timbangan sa mga pamilihan, tindahan, at iba pang establisyementong gumagamit ng mga panukat ng timbang.
Ang bawat selyong inilalagay ay tanda na ang timbangan ay nasuri at napatunayang sumusunod sa itinakdang pamantayan ng tamang pagtitimbang.
Ang patas na kalakalan ay nagsisimula sa tapat na timbang. Sa pamamagitan ng programang ito, pinangangalagaan natin ang karapatan ng mga mamimili at hinihikayat ang bawat negosyante na pairalin ang katapatan at INTEGRIDAD sa kanilang hanapbuhay.
📢 Tandaan: Ang tamang timbang ay tamang serbisyo.