21/08/2026
ABISO PUBLIKO
MULING PAGBUBUKAS ng Kinalaglagan-San Sebastian Old Road
Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal DRRM Office sa Municipal Engineering Office, mga may-ari ng lupa, mga Punong Barangay ng Brgy. Kinalaglagan at Brgy. San Sebastian - Kap. Tom Jones Manalo at Kap. Cesar Recio, at mga miyembro ng KILOSMATODA, ay pormal na ipinababatid sa publiko na MULI NANG BUKAS at MAAARI NANG DAANAN ang Kinalaglagan-San Sebastian Old Road.
Pansamantalang isinara ang nasabing daanan upang bigyang-daan ang paglilinis, pagsasaayos, at pagtitiyak sa kaligtasan matapos ang nagdaang pagguho ng lupa na dulot ng matagal na pag-ulan.
π¦Ί KALIGTASAN ANG PANGUNAHING PRAYORIDAD.
Bagamaβt muli nang bukas ang daan, hinihiling sa lahat ng motorista at dumaraan na manatiling MAINGAT AT MAPAGMATYAG, lalo na sa mga lugar na may HAZARD MARKERS. Mahigpit ding hinihikayat ang lahat na sumunod sa mga batas trapiko, magbagal sa mga sensitibong bahagi ng kalsada, at sundin ang mga nakatalagang paalala at babala upang maiwasan ang anumang aksidente o sakuna.
π Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pagtitiis, at pakikipagtulungan habang isinagawa ang mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan at muling pagbubukas ng ating daanan.