15/10/2021
Be PhilSys informed!
MAAARI nang gamitin ang iyong PhilID sa alinmang SM Business Center services tulad ng foreign currency exchange, remittance service, at credit card transactions.
Bilang isa sa mga pangunahing partner ng Philippine Statistics Authority (PSA), patuloy ang paghihikayat ng SM Supermalls sa kanilang retail partner affiliates at mga tenant upang kilalanin ang PhilID bilang valid proof of identity.
Alinsunod sa isang memorandum na inilabas noong 19 May 2021, patuloy na hinihikayat ng PSA ang iba't ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong establisyemento ang pagtanggap sa PhilID bilang valid, sufficient proof of identity sa alinmang transaksyon.
BASAHIN ang buong balita rito: https://bit.ly/3FR2uKm
Para sa mga katanungan, mag-message sa m.me/PSAPhilSysOfficial o mag-email sa [email protected] o tumawag sa PhilSys hotline 1388.
'to!