12/09/2025
September 8, 2025, matagumpay na ginanap ang One Stop Government Shop sa Bahay Tuklasan, barangay Santiago, bayan ng Naujan. Dumating ang mga kawani mula sa SSS, Philhealth at PSA na pinangasiwaan at inasistihan ng LCRO Naujan, Tanggapan ng Turismo, Tanggapan ng Impormasyon at GSO at sama samang nagserbisyo simula 8:00 ng Umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ang nasabing gawain ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 767 transakyon.
111 transakyon mula sa dalang serbisyo ng SSS at 121 transakyon naman mula sa dalang serbisyo ng Philhealth na:
1. REGISTRATION
2. VERIFICATION.
Mula naman sa dalang serbisyo ng PSA ay:
251 transakyon mula sa Mobile Serbilis Center - VERIFICATION at ISSUANCE ng authenticated Birth/Marriage/Death Certificate
72 transakyon naman mula sa panig ng PhilSys - REGISTRATION sa National ID System (Issuance ng transaction slip/temporary id
21 naman sa BRAP - Birth Registration Assistance Program. Ito ay Mobile Registration ng kapanganakan.
Samantalang 191 transakyon naman ang naitala ng LCRO Naujan Kung saan ito ay tumugon sa mga katanungan at nagbigay ng requirements hinggil sa mga pagtatama ng mga kamalian sa Birth/Marriage at Death Certificate at umasisti sa mga kliyente para sa iba pang pangunahing serbisyo ng Tanggapan gaya ng pagrerehistro at pag endorso ng mga rehistro sa PSA.