Atty. Mark Navarro Marcos

Atty. Mark Navarro Marcos Abogado at Lingkod-bayan
Punumbayan ng Naujan (2013-2022)

DILG's Disiplina Muna Regional Ambassador
(2)

02/05/2026

SARA vs. SENTRI -- Ayon sa balita, nangunguna pa rin daw si VP Sara Z. Duterte sa latest survey na isinagawa patungkol sa mga posibleng kandidatong Pangulo sa darating na 2028. Pumapangalawa pa rin si Mayor Leni G. Robredo kay VP Sara nguni't naging kapansin-pansin daw ang pagliit ng agwat ng dalawa hindi kagaya nung mga naunang surveys kung saan medyo angat ng malaki ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo. Malaking ambag pa rin daw sa pangunguna ni VP Sara ang popularidad ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte na nakilala sa kanyang pamamahalang may tapang at malasakit.

Dahil naman sa pahayag ni Mayor Leni na hindi na siya lalahok sa pangPanguluhang labanan sa 2028, dito lumutang ang pangalan ni dating Senador Antonio "SenTri" Trillanes bilang posibleng kandidatong Presidente sa darating na halalan. Biglang bumulusok ang kanyang pangalan sa social media pagkatapos humarap bilang testigo sa Committee on Justice ng House of Representatives kaugnay ng impeachment complaints laban kay VP Sara. Kapag hindi na talaga lumaban si Mayor Leni at nagtuloy-tuloy ang suporta sa kandidatura ni SenTri, siya ang isa sa mga posibleng makatapat ng Pangalawang Pangulo sa 2028 assuming malagpasan ng huli ang impeachment proceedings na kinakaharap.

Kung ating pagbabasehan ang mga komento sa social media ng mga mamamayan, mapapansin nating unti-unting dumarami ang nagsusulong kay SenTri na lumaban bilang Pangulo sa 2028. Anila, ang dating Senador daw ang katapat ng mga Duterte. Matapang, hindi kayang gulatin, may paninindigan at tapat sa bayan. Kahit daw wala sa kapangyarihan ay hindi ito natatakot makipaglaban sa mga matataas ang posisyon sa lipunan sa pamamagitan ng paglalabas ng mga impormasyong may kinalaman sa korapsiyon sa pamahalaan.

Kung matutuloy ang salpukang Sara vs. SenTri sa 2028, tingin ko ay magandang labanan ito. Parehong matapang sa mga sarili nilang kaparaanan. Magkakatalo na lamang sila kung sino talaga ang bubuhusan ng suporta ng sambayanan! -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

07/04/2026

Ngayong dumaranas ng ibayong hirap ang mga mamamayan dahil sa mataas na presyo ng lahat ng bilihin at serbisyo dulot ng umiiral na krisis, kumusta na kaya ang mga sangkot sa anomalya kaugnay ng Flood Control Projects? -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

PANGTUSTOS SA KRISIS -- Sa sobrang mahal ng lahat ng serbisyo at bilihin dahil may krisis sa ating bansa, ang organikong...
30/03/2026

PANGTUSTOS SA KRISIS -- Sa sobrang mahal ng lahat ng serbisyo at bilihin dahil may krisis sa ating bansa, ang organikong pagtatanim ng iba't-ibang gulay sa paligid ng bahay ay malaking tulong at katipiran sa pamilya. Kahit sa mga gilid-gilid, mga sirang palanggana, lumang sako, timba atbp. ay pwedeng makabuhay ng mga gulay tulad nareng Bok Choy, Mustasa, Pechay, Labanos, Sibuyas, Bawang at marami pang iba.-- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

07/03/2026

ADVANTAGE / DISADVANTAGE -- Sabi ng aking mga nakaka-usap, kung pagbabatayan daw ang mga samu't-saring opinyon ng mamamayan sa social media maging ang mga inilalabas na survey dito, lumalabas na nangunguna pa rin si VP Sara Z. Duterte sa pagka-Pangulo kung gagawin ang eleksiyon sa panahong ito. Pumapangalawa diumano si Mayor Leni G. Robredo, ang dating VP na ngayon ay Punonglungsod ng Naga sa Bicol.

Batay sa kanilang obserbasyon, ang malaking bahagdan ng lakas ni VP Sara ay galing daw sa karisma ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte (FPRRD) na magpa-hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang popularidad at hatak sa mga tao at diumano'y lalo pang nakakuha ng simpatiya matapos siyang dalhin sa International Criminal Court (ICC) sa The Hauge, Netherlands. 'Anila, andiyan pa rin sa likod ng mga Duterte ang solidong suporta ng mga tinatawag na DDS patunay dito ang naging resulta ng nakaraang Senatorial Election kung saan nanalo at nanguna pa sina Senador B**g Go, Bato Dela Rosa at Rodante Marcoleta na hindi ka-tiket ng administrasyon. Meron nga lamang kinakaharap na Impeachment Proceedings ngayon si VP Sara na dalawa lamang ang kahihinatnan sakaling matuloy ang paglilitis -- 1). ma-dismiss ang reklamo laban sa kanya na lalo lamang magpapataas ng kanyang rating, o 2). mahatulan/maconvict siya kung saan matatanggal siya sa pwesto at maaaring may dagdag pang parusa na ma-disqualify siyang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan sa hinaharap. Ang impeachment ay isang prosesong politikal at ang tagumpay o kabiguan nito ay nakasalalay sa bilang ng mga huradong (mga senador) papabor o hindi sa reklamo laban sa konsernadong opisyal batay sa ebidensiyang inilatag sa kanila.

Sa kanilang banda ayon naman sa iba nating mga nakausap, maaaring ang dahilan kung bakit hindi pa masyadong makita ang lawak ng suporta para kay dating VP Leni Robredo ay sapagkat hindi pa naman daw malinaw kung tatakbo nga baga siya bilang Pangulo sa 2028. 'Anila naipamalas na ng dating VP noong 2022 Presidential Election na meron rin siyang mga solidong supporters na boluntaryong kumampanya para sa kanya at tingin nila'y nananatili pa rin ang mga ito sa kanyang likuran at nadadagdagan pa. Makikita rin daw sa social media na napakaraming nananawagan na muling kumandidato bilang Pangulo si Mayor Leni. Sabi pa ng ilan, kung sakali namang makumbinsing lumaban siya, mainam diumanong may matibay na mga ka-alyansa si Mayor Leni kagaya ng administrasyon upang mai-sigurado ang kanyang panalo laban kay VP Sara. Malaki 'anila ang posibilidad na mangyari ang alyansang ito dahil kailangan ng kasalukuyang administrasyon ng "manok" na ipangla-laban at maaaring tumalo kay VP Sara sa 2028 dahil nga humiwalay na ang kasalukuyang VP sa Uniteam. For many reasons, kailangan diumano ng administrasyon na makasigurong kaalyado nila ang sunod na uupo sa Malacañang. Meron nga lamang daw mga katanungan, advantages at disadvantages na kailangang masagot at mapag-aralan.

Una, halimbawang mapapayag nga si dating VP Leni na tumakbo bilang Pangulo sa 2028, pwede nga kayang magsama/magkaisa ang mga grupong kaalyado ng administrasyong Marcos at iyong mga grupong identified naman kina Mayor Leni gayung alam naman ng lahat na matagal na silang may kasaysayan ng tunggaliang-politikal? Sabi ng iba baka hindi daw mapagsama ang dalawang (2) malalaking grupo na ito dahil masyado ng malalim ang naging diperensya nila sa isa't-isa, deka-dekada na nga 'yung sa iba. 'Ika nga sa kanta ay tubig at langis. Ayon naman sa ilan, mapipilitang magsama-sama ang mga naturang grupo dahil sa sitwasyong-politikal nila ngayon at iisa rin naman ang kanilang gusto, ang hindi maging sunod na Pangulo ng Pilipinas si VP Sara. Kapag nakabalik daw kasi sa Malacañang ang pamilya Duterte, alam na daw ang mga susunod na mangyayari.

Pangalawa, kung talagang magsama na ngang tuluyan ang kampo ng administrasyon at nina Mayor Leni, ano kaya ang posibleng maging epekto sa kanyang kandidatura ng mga isyung ibinabato sa administrasyon partikular na ang flood control scandal? Ang opinyon ng ilang nakahuntahan ko, kapag hindi daw na-aksiyonan ng maayos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. (PBBM) ang naturang isyu, maaaring makahila ito pababa kay Mayor Leni. Pero, kung matutupad naman diumano ni PBBM ang kanyang pangakong mapanagot ang lahat ng mga sangkot sa isyu ng flood control na siyang matagal ng gusto at hinihintay ng mga mamamayan, malamang daw na tumaas ang rating ng Pangulo sapat upang lalong tangkilikin ang ini-indorso niyang kandidato at talunin si VP Sara. Dapat daw tandaan na meron pa si PBBM na mahigit dalawang (2) taon bago maghalalan para madiskartehan ng maayos ang flood control scandal maging ang iba pang mga isyung kinakaharap ng kanyang administrasyon. Pagtatapos nila, magkaroon man ng alyansa o hindi, malaki daw ang posibilidad na sa magiging kalaban ni VP Sara susuporta ang kampo ng administrasyon lalo na yung mga tinatawag na Marcos Loyalist dahil sa mga nakaraang pahayag ng Pangalawang Pangulo patungkol sa pamamahala ni PBBM . Ano sa palagay n'yo? -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

28/02/2026

PAANO -- Dahil sa maagang pagdi-deklara ni VP Sara Z. Duterte na siya ay tatakbo sa pagka-Pangulo sa darating na 2028 National and Local Elections, napaaga ang mga diskusyong pang-politika sa ating bansa partikular sa kung sino ang pwedeng itapat sa kanya bilang kalaban. Kung pagbabatayan ang mga samu't-saring opinyon ng mga mamamayan lalo na sa social media, iisa ang itinuturo nilang pwede daw tumalo kay VP Sara at iyon ay walang iba kundi si dating VP Leni G. Robredo na ngayon ay Punonglungsod ng Naga sa Bikol.

Meron nga lamang problema, sa ngayon ay hindi nakatuon ang atensiyon ng dating VP sa pang-Panguluhang halalan sa 2028 dahil mas gusto diumano niyang ilaan ang pagsisilbi sa Naga City na pinaglingkuran din ng namayapa niyang asawa na si dating Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Jessie Robredo, isang mahusay at respetadong lider.

Dahil sa naturang damdamin sa ngayon ni Mayor Leni, marami tuloy ang nagsasabing in the bag na daw ang ang pagka-Presidente ni VP Sara sa 2028 dahil sa kawalan ng malakas na makakatapat na kalaban. Maaari ngang mangyari ito kung hindi magbabago ng desisyon ang alkalde ng Naga City. Kaya kung gusto talaga ng mga Pilipino ng magandang labanan sa darating na eleksiyon, dapat mahikayat si dating VP Leni na tumakbo bilang Pangulo. Kapag nangyari ito, dito na magkaka-alaman kung talaga nga bagang malakas si VP Sara at kung naririyan pa rin ang sinasabing Duterte Magic o hatak sa mga tao ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ng kapulong ko kahapon, sa panahon na ito kung saan ang tiwala daw sa pamahalaan at mga namamahala ay nasa mababang antas bunsod ng mga kontrobersiyang dulot ng diumano'y katiwalian na pinalala ng flood control scandal, ang pangalan ni Leni Robredo ay mas lumutang dala daw marahil ng kanyang walang batik ng korapsiyong paglilingkod bilang dating Pangalawang Pangulo ng bansa. Siya diumano ang maaaring makapag-salba sa bansa at sa imahe nito sa buong mundo. Pero paano nga baga daw makukumbinse si Mayor Leni na muling tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas? -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

30/12/2025

HAPPY NEW YEAR -- Ipagpasalamat natin na kahit marami tayong pinagdaanang pagsubok nitong 2025, natuklasan naman natin sa taon na ito ang pinakamalaking anomalya sa kasaysayan ng ating bansa kung saan tinampalasan ang ating mga pinaghirapang buwis sa pamamagitan ng mga kwestiyonableng flood control projects. Kung hindi ito natuklasan, malamang na patuloy pa rin tayong pinai-ikot at iginigisa sa sarili nating mantika ng mga mapagsamantala. Kaya naman dalangin natin ngayong Bagong Taon na makasuhan at tuluyan nang mapanagot ang lahat ng sangkot sa anomalyang ito nang sa gayon ay matikman nila ang parusang naaayon sa ginawa nila.

Isang malusog, mapayapa, maunlad at puno ng pag-asang 2026 po sa ating lahat! -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

25/12/2025

MERI KRISMAS -- Kagabi ay laman ng social media ang inilabas na diumano'y Cabral Files at talagang aktibo na naman sa pagku-komento ang mga Mindoreños. Akala ko'y hindi na mahihinto para bigyang daan ang paggunita sa araw ng pagsilang ng Dakilang Mesiyas.

Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan, pagmamahalan at pagbibigyan, kaya kung pwede ay taympers muna tayo saglit tungkol sa isyu ng flood control projects ha. Makatapos na ng Pasko saka uli ang banatan. Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon po sa ating lahat! -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

Ga-hintuturo na laang at papasok na sa loob ng bahay! -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS
26/11/2025

Ga-hintuturo na laang at papasok na sa loob ng bahay! -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

Sa tinagal-tagal na naming nakatira dine sa aming bahay sa Poblacion 3, Naujan, ngayon laang kami pinasok ng ganito kala...
26/11/2025

Sa tinagal-tagal na naming nakatira dine sa aming bahay sa Poblacion 3, Naujan, ngayon laang kami pinasok ng ganito kalaking tubig-baha! -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

22/11/2025

DANGAL NG BAYAN, HUWAG YURAKAN -- Nitong nakaraang Martes (Nov. 18, 2025) ay pormal ng isinampa sa Sandiganbayan ng tanggapan ng Ombudsman ang kauna-unahang kaso na may kinalaman sa mga maanomalyang flood control projects sa ating bansa. Ang kasong ito ay tungkol sa diumano'y substandard na Road D**e na matatagpuan sa Mag-Asawang Tubig River sa bayan ng Naujan na nagkakahalaga ng Php289 milyong piso (Balitang Mindoro, Nov. 18, 2025). Ang pagkakasampa ng nasabing kaso ay isa sa mga naging pangunahing balita sa mga pahayagan, social media, radyo at telebisyon.

Bilang mamamayan ng pinakamalaking munisipalidad sa lalawigan ng Oriental Mindoro, nakalulungkot isipin na nangyayari ito sa bayan natin. Matagal ng kilala ang Naujan dahil sa mga karangalang natatanggap nguni't ngayon ay batik sa malinis nitong pangalan ang kinakaharap ng minamahal nating bayan dahil sa isyu hinggil sa flood control projects. Kung matatandaan, nabalita na rin ang bayan natin may ilang buwan na ang nakalilipas sa mga pangunahing news program sa bansa tungkol sa nasabing mga proyekto (ABS-CBN News,You Tube, August 15 and 18, 2025, ANC 24/7, YouTube, Aug. 18, 2025 --Google). Samantala, sa privilege speech ni Senator Panfilo "Ping" Lacson na pinamagatang "Flooded Gates of Corruption" noong August 20, 2025 na siyang naging simula ng imbestigasyon sa isyu, ang bayan ng Naujan ay napasama rin sa mga unang lugar na pinangalanan ng senador kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects (Ping Lacson FB Page, Aug. 20, 2025). Ayon pa sa mabunying Senador, may labing-siyam na bilyong pisong (Php19B) halaga ng mga katulad na proyekto ang ibinuhos sa ating bayan (Ping Lacson FB Page, Aug. 21, 2025). Napabalita uli ang ating bayan nang puntahan ng Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Sec. Vince Dizon, ang isang barangay natin (Sitio D**e, Apitong) upang personal na alamin kung totoo o guni-guni lamang ang Road D**e na nagkakahalagang Php192,996,270.30 na diumano'y itinayo dito (Gov. Humerlito "Bonz" Dolor FB Page, Sept. 09, 2025).

Sa latest na balita, naglabas na ang Sandiganbayan ng warrants of arrest at hold departure orders kina Zaldy Co, mga opisyales ng DPWH-MIMAROPA at kompanyang Sunwest para sa mga kasong Malversation of Public Funds through Falsification of Public Documents at Graft kaugnay ng Php 289.5M Naujan flood control scandal (Balitang Mindoro, Nov. 21, 2025). Ayon sa panayam kay Gov. Bonz Dolor, maaari daw na marami pang indibidwal ang involved at makakasama sa kaso sa patuloy na pag-gulong ng hustisya (Gov. Humerlito "Bonz" Dolor FB Page, Nov. 21, 2025).

Bagama't nakapanlulumo dahil sa dinami-daming bayan ay Naujan pa ang nasangkot sa pinaka-unang kasong isinampa ng Ombudsman, nararapat pa rin nating ipanalangin na sana ay maging matagumpay ang kaso upang makamit ng mga mamamayan ang tunay na hustisya para sa mga buwis nating nasalaula. Nawa ay mapanagot lahat ng sangkot dito sa malawakang anomalyang nangyari sa ating bansa, lalo na iyong mga responsable sa pagyurak sa malinis at marangal na pangalan ng ating minamahal na bayan ng Naujan! -- ATTY. MARK NAVARRO MARCOS

Address

Naujan Municipal Hall
Matandang Naujan
5204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Mark Navarro Marcos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category