29/01/2025
Matagumpay na isinagawa ang Serbisyong Tampil Medical Mission and Outreach Program sa Our Lady of Mount Carmel Parish Gymnasium sa Brgy. Poblacion 1, Parang, Maguindanao Del Norte sa pangunguna ni Rev. Fr. Joremil "Father Jun" Gumban, DCC.
Kilala si Gov. Teng Mangudadatu bilang isang mahusay na Muslim leader na nagtataguyod ng pagkakaisa sa pagitan ng Muslim at Christian communities. Sa kanyang pamumuno sa Sultan Kudarat, isang probinsyang may malaking populasyon ng mga Kristiyano, ipinakita niya ang kanyang malasakit at pagsuporta sa lahat, anuman ang relihiyon o sektor.
Kasama ni Gov. Teng ang buong Team Falcon Parang, na pinangungunahan ng tumatakbong Mayor Adnan Biruar, Vice Mayor Mimbalawag Mangutara Jr., at kanilang mga konsehal.
Dumalo rin sa programa si Vice Gov. Bai Ainnee Sinsuat, na kilala sa kanyang adbokasiya para sa kababaihan at kabataan, pati na rin ang mga board members mula sa 1st at 2nd districts ng Maguindanao Del Norte.