Mauban Municipal Environment and Natural Resources Office

Mauban Municipal Environment and Natural Resources Office MENRO promotes sustainable ecological balance through staff, projects, and education.

19/05/2025

Alin ba talaga ang mas SUSTAINABLE na bag? Reusable like ecobags, single-use plastics, or paper bags?

Sa totoo lang, lahat ng ito ay may hindi magandang epekto sa ating kalikasan. Ang paper bags ay oo biodegradable at recyclable, pero ang produksyon nito ay nangangailangan ng maraming water, energy, at wood resources. Ang paggamit ng mga resources na ito ay nagdudulot ng mataas na carbon emissions. Maraming puno ang kailangang putulin para makagawa ng paper bags. Ang maganda lang dito ay mas mabilis siyang madecompose kumpara sa ibang packaging materials, kaya nababawasan ang basura. Pero hindi pa rin ito tunay na sustainable, lalo na’t ang sustainable forestry practices ay hindi pa ganap na naa-implement sa Pilipinas. Kaya yung paper cups kung kaya mo gamitin multiple times ay gawin mo. Ganoon din sa paper bags. Gamitin multiple times kung pwede pa.

Pagdating naman sa plastic, oo ito ay durable at lightweight, pero karaniwang non-biodegradable, kaya nagdudulot ng long-term pollution kung hindi maayos na mare-recycle. Isipin mo, 100 milyong Pilipino araw-araw ang gumagamit ng plastic at tinatapon agad pagkatapos gamitin. Kasama na dito ang mga sachet ng shampoo, toothpaste, sabon, at iba pa. Kaya kung may pera naman kayong pambili ng mga hindi sachet ay gawin niyo para refillable na lang. Kapag nire-recycle, may ecological consequences pa rin, at ang recycling requirements ay nagvavary depende sa klase ng plastic. Paano ka makakatulong? Gamitin mong muli ang plastic hangga’t maaari, at huwag agad itapon kung maayos pa. Pero, may health risks din kung palagi mong nirereuse ang plastic, lalo na kung ginagamit ito sa pagkain.

Sa kabilang banda, ang mga ecobags at ibang reusable bags ay maaaring magamit nang maraming beses hangga’t hindi pa sira. Ang mga reusable items tulad ng cloth bags, metal containers, o glass bottles ay malaking tulong sa pagbabawas ng basura at sa pagbabawas ng produksyon. Kapag nabawasan ang produksyon, nababawasan din ang carbon emissions. Isipin mo, kung 100 milyong Pilipino ang gagamit ng ecobags bawat buwan, malaki ang magiging epekto—hindi lang sa pagbawas ng basura kundi pati na rin sa pagbaba ng ating carbon footprint. Sa pagpili ng reusable bags, mahalagang itanong sa sarili na “gaano katagal ko ba ito mapapakinabangan?” . Mas maraming beses magamit mas maganda. Again, the keyword is “multiple times” but remember ano mang sobra ay masama.

So, alin ang mas sustainable? Para sa akin, yung magagamit mo nang MULTIPLE TIMES. Sulit kasi, hindi isang gamit lang na ginagamit at itinatapon na agad, na nakakasira sa kalikasan.

Yes, items that can be used multiple times!

24/10/2024

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎:

Ipinapaabot namin sa inyo na batay sa rekomendasyon ng MDRRMO, suspindi pa rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga eskwelahan at tanggapan ng lokal na pamahalaan bukas, araw ng Biyernes (October 25, 2024).

Gayunpaman, ang pagsuspinde ng trabaho ay hindi sumasaklaw sa mga tanggapan ng gobyerno na ang pangunahing tungkulin ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagtugon sa mga sakuna.

Ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakasalalay sa pasya ng kani-kanilang mga pinuno.

𝐈𝐧𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭. 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐧𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚.

𝐈𝐛𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭!


24/10/2024

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎:

Ayon sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office at Municipal Engineering Office, 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝𝐢𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐲𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐯𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚 sa 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐋𝐨𝐫𝐞𝐧𝐳𝐨 dulot ng 𝐩𝐚𝐠𝐮𝐡𝐨 𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐩𝐚 𝐛𝐮𝐧𝐬𝐨𝐝 sa patuloy na pag-ulan sa ating Bayan.

𝐈𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭.


23/10/2024

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢, 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐮𝐛𝐚𝐧𝐢𝐧!

Alinsunod sa direktiba ng Office of the President, isinususpindi ang mga 𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐁𝐘𝐄𝐑𝐍𝐎 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐋𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐓𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐙𝐎𝐍 sa darating na 𝟐𝟒 𝐧𝐠 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟒.

Gayunpaman, ang pagsuspinde ng trabaho ay hindi sumasaklaw sa mga tanggapan ng gobyerno na ang pangunahing tungkulin ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagtugon sa mga sakuna.

Ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakasalalay sa pasya ng kani-kanilang mga pinuno.

𝐈𝐧𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭. 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐧𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚.

𝐈𝐛𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭!


16/10/2024

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!

Alinsunod sa tinadhana ng 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝟗𝟎𝟎𝟑 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟎𝟎, na sinusugan ng ating 𝐊𝐀𝐔𝐓𝐔𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐁𝐋𝐆. 𝟎𝟑-𝟐𝟎𝟏𝟓 ("Wastong Pamamahala ng Basura sa mga Barangay na nasasakupan ng bayan ng Mauban, Quezon", Pebrero 9, 2015) at ng 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐨. 𝟏𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟎 (“Tapat Ko, Linis Ko”, September 21, 2020), ay nais pong 𝐈̳𝐏̳𝐀̳𝐁̳𝐀̳𝐓̳𝐈̳𝐃̳ ng aming Tanggapan (MENRO) na amin pong kinokondena at 𝐇̳𝐈̳𝐍̳𝐃̳𝐈̳ mapapahintulutan ang gawain na ipinapakita sa CCTV Video Clip na ito – kung saan ito po ay tahasang paglabag sa maraming puntos ng nabanggit na Batas Pambansa at mga Lokal na Ordinansang U̳M̳I̳I̳R̳A̳L̳ at P̳I̳N̳A̳T̳U̳T̳U̳P̳A̳D̳ sa ating mahal na Bayan:

*𝐀͟𝐲͟𝐨͟𝐧͟ ͟𝐬͟𝐚͟ ͟𝐑͟𝐀͟ ͟𝟗͟𝟎͟𝟎͟𝟑͟, Article 2. Chapter VI. 𝐏𝐄𝐍𝐀𝐋 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐒𝐈𝐎𝐍𝐒.
Section 48 Prohibited Acts – “ (1.) 𝘓𝘪𝘵𝘵𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨, 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨, 𝐝͟𝐮͟𝐦͟𝐩͟𝐢͟𝐧͟𝐠͟ ͟𝐨͟𝐟͟ ͟𝐰͟𝐚͟𝐬͟𝐭͟𝐞͟ ͟𝐦͟𝐚͟𝐭͟𝐭͟𝐞͟𝐫͟𝐬͟ ͟𝐢͟𝐧͟ ͟𝐩͟𝐮͟𝐛͟𝐥͟𝐢͟𝐜͟ ͟𝐩͟𝐥͟𝐚͟𝐜͟𝐞͟𝐬͟,͟ ͟𝐬͟𝐮͟𝐜͟𝐡͟ ͟𝐚͟𝐬͟ ͟𝐫͟𝐨͟𝐚͟𝐝͟𝐬͟,͟ ͟𝐬͟𝐢͟𝐝͟𝐞͟𝐰͟𝐚͟𝐥͟𝐤͟𝐬͟, …”

* 𝐀͟𝐲͟𝐨͟𝐧͟ ͟𝐬͟𝐚͟ ͟𝐊͟𝐀͟𝐔͟𝐓͟𝐔͟𝐒͟𝐀͟𝐍͟𝐆͟ ͟𝐏͟𝐀͟𝐌͟𝐁͟𝐀͟𝐘͟𝐀͟𝐍͟ ͟𝐁͟𝐋͟𝐆͟.͟ ͟𝟎͟𝟑͟-͟𝟐͟𝟎͟𝟏͟𝟓͟
SEKSYON 4. 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐈𝐁𝐈𝐋𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍 – “𝘈𝘯𝘨 𝐁̳𝐀̳𝐖̳𝐀̳𝐓̳ 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 … 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘨𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘭𝘰’𝘵 𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪-𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘴𝘶𝘳𝘢.. “

SEKSYON 5. 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐆𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒 –
(paragraph 2) “𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘵 𝘰𝘳𝘨𝘢𝘯𝘪𝘴𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘨𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘚𝘦𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯 4 𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘥𝘪𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘪𝘬𝘢𝘴𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪-𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘶𝘱𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝐬͟𝐢͟𝐬͟𝐢͟𝐠͟𝐮͟𝐫͟𝐚͟𝐝͟𝐮͟𝐡͟𝐢͟𝐧͟𝐠͟ ͟𝐖͟𝐀͟𝐋͟𝐀͟𝐍͟𝐆͟ .. 𝐦͟𝐠͟𝐚͟ ͟𝐧͟𝐚͟𝐤͟𝐚͟𝐭͟𝐚͟𝐦͟𝐛͟𝐚͟𝐤͟ .. 𝐛͟𝐚͟𝐬͟𝐮͟𝐫͟𝐚͟ ͟𝐨͟ ͟𝐝͟𝐮͟𝐦͟𝐢͟”.

(paragraph 3) “𝘈𝘯𝘨 𝐋̳𝐀̳𝐇̳𝐀̳𝐓̳ 𝘯͟𝘨͟ ͟𝘴͟𝘶͟𝘭͟𝘰͟𝘬͟ ͟𝘯͟𝘨͟ ͟𝘉͟𝘢͟𝘺͟𝘢͟𝘯͟ 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘶𝘣𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝐃͟𝐀͟𝐏͟𝐀͟𝐓͟ ͟𝐌͟𝐀͟𝐋͟𝐈͟𝐍͟𝐈͟𝐒͟ 𝐒̳𝐀̳ ̳𝐋̳𝐀̳𝐇̳𝐀̳𝐓̳ ̳𝐍̳𝐆̳ ̳𝐎̳𝐑̳𝐀̳𝐒̳ ̳𝐀̳𝐓̳ ̳𝐏̳𝐀̳𝐍̳𝐀̳𝐇̳𝐎̳𝐍̳.”

SEKSYON 10. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀 –
(paragraph 1) “𝘓𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘶𝘢𝘭 𝘰 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘻𝘢𝘳𝘥 𝘰 𝘥𝘦𝘭𝘪𝘬𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘴𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘺 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘶𝘤𝘬 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘴𝘶𝘳𝘢 𝘯𝘨 𝘔𝘶𝘯𝘪𝘴𝘪𝘱𝘺𝘰 (𝘔𝘌𝘕𝘙𝘖) 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝐈̳𝐓̳𝐈̳𝐍̳𝐀̳𝐋̳𝐀̳𝐆̳𝐀̳𝐍̳𝐆̳ 𝐏͟𝐈͟𝐂͟𝐊͟-͟𝐔͟𝐏͟ ͟𝐏͟𝐎͟𝐈͟𝐍͟𝐓͟ 𝐨͟ ͟𝐌͟𝐑͟𝐅͟ ͟𝐧͟𝐠͟ ͟𝐁͟𝐀͟𝐖͟𝐀͟𝐓͟ ͟𝐁͟𝐀͟𝐑͟𝐀͟𝐍͟𝐆͟𝐀͟𝐘͟ ͟.. 𝐒̳𝐀̳𝐍̳𝐆̳𝐀̳𝐘̳𝐎̳𝐍̳ ̳𝐒̳𝐀̳ ̳𝐎̳𝐑̳𝐀̳𝐒̳ ̳𝐀̳𝐓̳ ̳𝐀̳𝐑̳𝐀̳𝐖̳ ̳𝐍̳𝐀̳ ̳𝐈̳𝐓̳𝐈̳𝐍̳𝐀̳𝐊̳𝐃̳𝐀̳ 𝘯̲𝘨̲ ̲𝘛̲𝘢̲𝘯̲𝘨̲𝘨̲𝘢̲𝘱̲𝘢̲𝘯̲ ̲𝘯̲𝘨̲ ̲𝘔̲𝘌̲𝘕̲𝘙̲𝘖̲ ..”

*͟𝐌͟𝐔͟𝐍͟𝐈͟𝐂͟𝐈͟𝐏͟𝐀͟𝐋͟ ͟𝐎͟𝐑͟𝐃͟𝐈͟𝐍͟𝐀͟𝐍͟𝐂͟𝐄͟ ͟𝐍͟𝐨͟.͟ ͟𝟏͟𝟔͟-͟𝟐͟𝟎͟𝟐͟𝟎͟
Section 4. 𝐏𝐑𝐎𝐇𝐈𝐁𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 –
“c) 𝐋͟𝐞͟𝐚͟𝐯͟𝐢͟𝐧͟𝐠͟ ͟𝐭͟𝐫͟𝐚͟𝐬͟𝐡͟ ͟𝐚͟𝐧͟𝐝͟ ͟𝐨͟𝐭͟𝐡͟𝐞͟𝐫͟ ͟𝐠͟𝐚͟𝐫͟𝐛͟𝐚͟𝐠͟𝐞͟ in the gutter, 𝐒͟𝐈͟𝐃͟𝐄͟𝐖͟𝐀͟𝐋͟𝐊͟𝐒͟,͟ ͟𝐒͟𝐓͟𝐑͟𝐄͟𝐄͟𝐓͟𝐒͟, alleyway and roads..”
“d) Storing, 𝐃͟𝐔͟𝐌͟𝐏͟𝐈͟𝐍͟𝐆͟ ͟𝐎͟𝐑͟ ͟𝐏͟𝐋͟𝐀͟𝐂͟𝐈͟𝐍͟𝐆͟ ͟𝐖͟𝐀͟𝐒͟𝐓͟𝐄͟𝐒͟, debris,.. and other objects 𝐈͟𝐍͟ ͟𝐀͟𝐍͟𝐘͟ ͟𝐏͟𝐀͟𝐑͟𝐓͟ ͟𝐎͟𝐅͟ ͟𝐓͟𝐇͟𝐄͟ ͟𝐑͟𝐎͟𝐀͟𝐃͟,͟ ͟𝐒͟𝐓͟𝐑͟𝐄͟𝐄͟𝐓͟ ͟𝐨͟𝐫͟ ͟𝐀͟𝐕͟𝐄͟𝐍͟𝐔͟𝐄͟ ͟𝐨͟𝐫͟ ͟𝐈͟𝐍͟ ͟𝐀͟𝐍͟𝐘͟ ͟𝐒͟𝐈͟𝐃͟𝐄͟𝐖͟𝐀͟𝐋͟𝐊͟..”

Bagama’t patuloy pa rin po ang aming pagtukoy sa kanilang pagkakakilanlan, itong mga ito po ay sasailalim sa ating pagpapanumbalik ng proseso ng pagbibigay ng 𝘊𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘛𝘪𝘤𝘬𝘦𝘵, base sa mga nabanggit na nagawa nilang mga paglabag.

Kung kaya’t 𝐇̳𝐔̳𝐖̳𝐀̳𝐆̳ 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐑𝐀𝐍!

𝐈𝐏𝐀𝐌𝐀𝐍𝐀 po sana natin sa ating mga MAHAL sa buhay ang mga mahahalagang bagay (Lupa, Tubig at Hangin: KALIKASAN) na atin po naming tinanggap, pinakinabangan at ginamit 𝐧͟𝐚͟𝐧͟𝐠͟ ͟𝐋͟𝐈͟𝐁͟𝐑͟𝐄͟ – 𝐍̳𝐀̳ ̳𝐋̳𝐈̳𝐁̳𝐑̳𝐄̳ ̳𝐏̳𝐀̳ ̳𝐑̳𝐈̳𝐍̳ para sa mga susunod na henerasyon.

Nawa’y magkaisa tayong lahat sa paghahangad ng malinis na kapaligiran at malusog na kalikasan.

"𝙄𝙩 𝙞𝙨 𝙤𝙪𝙧 𝙩𝙖𝙨𝙠 𝙞𝙣 𝙤𝙪𝙧 𝙩𝙞𝙢𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙞𝙣 𝙤𝙪𝙧 𝙜𝙚𝙣𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙩𝙤 𝙝𝙖𝙣𝙙 𝙙𝙤𝙬𝙣 𝙪𝙣𝙙𝙞𝙢𝙞𝙣𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙤𝙨𝙚 𝙬𝙝𝙤 𝙘𝙖𝙢𝙚 𝙖𝙛𝙩𝙚𝙧 𝙪𝙨, 𝙖𝙨 𝙬𝙖𝙨 𝙝𝙖𝙣𝙙𝙚𝙙 𝙙𝙤𝙬𝙣 𝙩𝙤 𝙪𝙨 𝙗𝙮 𝙩𝙝𝙤𝙨𝙚 𝙬𝙝𝙤 𝙬𝙚𝙣𝙩 𝙗𝙚𝙛𝙤𝙧𝙚, 𝙩𝙝𝙚 𝙣𝙖𝙩𝙪𝙧𝙖𝙡 𝙬𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝙖𝙣𝙙 𝙗𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙞𝙨 𝙤𝙪𝙧𝙨." - 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙁. 𝙆𝙚𝙣𝙣𝙚𝙙𝙮

𝘛𝘶𝘯𝘨𝘬𝘶𝘭𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘦𝘯𝘦𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘯𝘢 𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘴 𝘰 𝘬𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘨𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘱𝘢𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘶𝘯𝘢, 𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘪𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯.



Please paki-HEART react po 'yung eksaktong picture of our beloved town's entry  #2.. And also kindly SHARE, Maraming sal...
07/10/2024

Please paki-HEART react po 'yung eksaktong picture of our beloved town's entry #2.. And also kindly SHARE, Maraming salamat po.. 🥹🙏

Entry No. 2 - 𝐌𝐚𝐮𝐛𝐚𝐧, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧

Ang Mauban Municipal Environment and Natural Resources Office ay naghahanap ng LATERO na gagawa ng isang sirang truck. P...
26/09/2024

Ang Mauban Municipal Environment and Natural Resources Office ay naghahanap ng LATERO na gagawa ng isang sirang truck. Para sa mga intresado o may katanungan maari pong magsadya o magpadala ng mensahe sa aming facebook account.


“Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed, for the Lord your God...
01/08/2024

“Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed, for the Lord your God is with you wherever you go.” Joshua 1:9

Happiest Birthday po Ma'am Leiah Pascual-Malubay 🎉🎊

From your Menro Mauban Family 🤍

10/07/2024

🌟 Discover Artistry! 🌟

Handcrafted wonders await you at our booth in front of Municipal Hall Building Maubanog Festival AgriTourism Trade Fair 2024. From vibrant doormats to elegant vases, each piece is a masterpiece by our talented artisans. Come explore and take home a touch of creativity! ✨

Address

2F Social Hall Talipapa Building Brgy. Daungan
Mauban
4330

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mauban Municipal Environment and Natural Resources Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mauban Municipal Environment and Natural Resources Office:

Share