Sanggunian ng Bagong Baao

Sanggunian ng Bagong Baao Mauban, Quezon

27/08/2026

"Bawat Barangay Makikinabang"
PRESIDENTIAL SCHOLARSHIP PROGRAM

Ang Programang ito ay naglalayong makatulong sa mga kabataang nagsusumikap makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong studyante na makatanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang mga pangangailangan sa edukasyon.

Pagbati para sa Limang (5) Presidential Scholars ng Barangay Baao:

1. Jaycel E. Salvacion - incoming 4th year college (Southern Luzon State University - Tayabas Campus) BS Hospitality Management

2. Cazella Bea D. Castillo - incoming 4th year college (Pambayang Kolehiyo ng Mauban) BSEd Major in English

3. Vanicia P. Austria - incoming 4th year college (Pambayang Kolehiyo ng Mauban) BSEd Major in English

4. Princess Mae R. Go - incoming 4th year college (Pambayang Kolehiyo ng Mauban) BSEd Elementary

5. J-R O. Rivera - incoming 4th year college (College of Science, Technology and Communications Inc. - Sariaya Campus) BS Information and Technology

Ang mga estudyanteng ito ay pinili at masusing dumaan sa pagsasala ng Sangguniang Barangay ng Baao. Bukas na pinag-usapan at tinalakay kasama ang kanilang mga magulang.

Naway magamit ng bawat Barangay Scholar ang tulong na ito nang maayos at magsisikap upang makamit ang kanilang mga pangarap at maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng komunidad. Congratulations!

23/07/2026
Patuloy na Pagsulong ng Imprastraktura para sa Kapakanan ng MamamayanIsang mahalagang tagumpay ang matagumpay na pagsasa...
24/06/2026

Patuloy na Pagsulong ng Imprastraktura para sa Kapakanan ng Mamamayan
Isang mahalagang tagumpay ang matagumpay na pagsasakatuparan ng Road Concreting Project sa Sitio Tabing Kalye, Brgy. Baao, sa pangunguna ni Hon. Russel Ricaro, sa tulong at suporta ng ating Lokal na Pamahalaan at ni Mayor Ninong Erwin Pastrana.
Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ng pamahalaan at komunidad upang maisakatuparan ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng mas maayos, ligtas, at matibay na kalsada, mas mapapadali ang paglalakbay, kalakalan, at pang-araw-araw na gawain ng ating mga kababayan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging katuwang sa pagsasakatuparan ng proyektong ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang palakasin ang ating mga pagsisikap tungo sa isang mas maunlad, progresibo, at maayos na pamayanan.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyong may malasakit at tunay na kaunlaran para sa lahat.





Matagumpay na naipagdiwang ang "Earth Day 2026 - LAKAD LIKASAN" sa pangunguna ng MENRO Mauban. Layunin ng programang ito...
22/04/2026

Matagumpay na naipagdiwang ang "Earth Day 2026 - LAKAD LIKASAN" sa pangunguna ng MENRO Mauban. Layunin ng programang ito na makapagtanim ng mga puno na makatutulong upang magkaroon ng mas maayos at ligtas na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

‎Nakiisa ang Sanggunian ng Barangay Baao sa kasama ang buong pamunuan ng Sangguniang Barangay, kabilang ang mga Barangay Appointed Personnels, kasama rin ang 4K Kababaihan.

‎Maraming salamat po sa mga naging dahilan upang maisakatuparan ang programang ito at sa pag-imbita sa amin.

‎ -likasan2026

29/03/2026
BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026Matagumpay na nairaos ang 1st Semester Barangay Assembly Day para sa taong 2026 na may temang ...
29/03/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026

Matagumpay na nairaos ang 1st Semester Barangay Assembly Day para sa taong 2026 na may temang "Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran" ng Sanggunian ng Barangay Baao na ginanap kahapon, Marso 28, 2026, araw ng sabado sa ganap na ika-8:00 ng umaga.

Lubos na pasasalamat unang una sa ating Diyos na may Likha sa tagumpay ng programa na pinangunahan ng ating Sangguniang Barangay sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay, Russel Ricaro

Tinalakay ng ating Punong Barangay sa asembliya ang mga naisagawang programa at proyekto mula huling quarter ng taong 2025 hanggang unang quarter ng 2026. Tinalakay din ang mga ginagawang hakbangin ng Sangguniang Barangay para sa mas ikauunlad at ikaaayos ng ating Barangay.

Kasama sa tagumpay ng Asembliya ang ating mga miyembro ng pamunuan na sila Kgd. Angelo Encina, Kgd. Mario Labrada, Kgd. Palermo Gapasangra, Kgd. Anabelle Ojo, Kgd. Connie Monteverde, Kgd. Ryan Custodio at Kgd. Maria Ethel Ganacan at kanilang tinalakay ang mga Programa, Proyekto at Aktibidad na naimplement sa kani-kanilang hawak na Sitio at Komitiba. At ang bawat proyekto at programa para sa Barangay ay isinasagawa at ipinatutupad ng Pamunuan ng Barangay Baao nang may Pagtutulungan at Pagkakaisa.

Ipinahayag din ng ating Barangay Treasurer, Andrea Mae Diaz ang Status ng Pampinansyal sa Barangay. Kasama rin ang pagtatalakay ng ating Barangay Secretary, Salvacion Joan sa ating Barangay Compliance to Law and Issuances, pati na rin ang mga Resolusyon na isinusulong ng ating Sanggunian.

Inilahad din ng ating SK Chairperson, Adrian Banagan Baylon ang mga accomplishment ng mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan, pati na rin ang mga isasagawa pang Programa, Proyekto at Aktibidad ngayong taon.

Nagsagawa din ng Public Hearing para sa isinusulong ng ating Sangguniang Kabataan Chairperson na Barangay Ordinance bilang 001 serye ng taong 2026.

Nagpahayag din ang mga Head ng Barangay Tanod- Rogelio Delos Santos, Head ng Barangay Health Workers- Marycelle Go, ang ating bagong appoint na Barangay Sanidad- Maygil Andaya, Barangay Nutrition Scholar- Razel Talaga, Pangulo ng 4K / Kababaihan- Kapitana Lyn Ricaro, Pangulo ng Senior Citizens Association Baao- Teresita Valencia, Pangulo ng Lawa at Bini- Pastor Roberto Pielago.

Maraming salamat din sa pagdalo ng mga mamamayan ng Barangay Baao, ika nga, kayo ang Bida dito. Salamat din sa pakikiisa ng mga Appointed Personnels ng Barangay na mga Brgy. Tanod, BHWs mga Lupon at iba pang mga sektor at NGOs.

Taos pusong pasasalamat din sa dumating nating mga bisita, na sila Kons. Michael Diasanta, Sec. Johnny Sangcap (Representative to Kons. Jenzo 'Asenso' Pastrana), Mr. Patrick Babilonia (Representative to the Vice Mayor's Office), at Ma'am Cherilyn Portes para sa kanilang Mensahe ng Suporta para sa ating asembliya.

CONGRATULATIONS sa tagumpay ng bawat isa!

25/03/2026

PALAALA: PARA SA LAHAT NG PET OWNERS SA MAUBAN! Handa na ba ang inyong mga furbabies para sa KAPON KARABAN 2026?
Good news, mga ka-Maubanin! Bukas ang ating programa para sa LAHAT NG BARANGAY. Kung hindi kayo nakapag-register online, huwag mag-alala dahil...

WALK-INS ARE WELCOME! Pumunta lamang nang maaga sa ating mga venue para masiguro ang inyong slot. Unahan sa 225 slots bawat araw!

SAAN AT KAILAN?

DAY 1: March 26, 2026 (Huwebes)
Brgy. Polo, Sitio Pilaway Multi-Purpose Covered Court
Simula 8:00 AM (Agahan para sa Walk-in!)

DAY 2: March 27, 2026 (Biyernes)
Brgy. Cagsiay 1 Brgy. Hall MRF
Simula 8:00 AM (Agahan para sa Walk-in!)

IMPORTANTENG PAALALA PARA SA WALK-IN:

Para siguradong maoperahan ang inyong alaga, sundin ang mga sumusunod:

STRICT FASTING: No food and water for 8-10 hours bago dalhin sa venue.

Magdala ng sariling cage/carrier (pusa) o leash/collar (a*o).

03/03/2026

Barangay Assembly Day = Araw ng Tanong, Suggestion, at Aksyon.

Hindi lang attendance — participation ‘to.
May concern? May idea? May tanong?
Ito na ang tamang lugar para magsalita. 💬

Kung maingay ka online, mas kailangan ka sa Assembly.
See you! ✨

Address

Brgy. Baao
Mauban
4330

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sanggunian ng Bagong Baao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sanggunian ng Bagong Baao:

Shortcuts

Share