20/07/2026
๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ๐ฆ๐จ๐ก๐ข๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐ฃ๐ข๐๐ข | ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐๐๐ง ๐ฃ๐ข๐๐๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐งก๐
Noong Hulyo 16โ18, 2026, naging bahagi ang mga kabataan ng Barangay Polo sa 40 na piling kabataang lider ng Bayan ng Mauban na lumahok sa Project PoliNation na ginanap sa Nawawalang Paraiso Hotel and Resort, Tayabas, Quezon.
Taglay ang mahahalagang kaalaman, sariwang pananaw, at mahuhusay na aral hinggil sa pamumuno, lehislasyon, at mabuting pamamahala na magsisilbing inspirasyon at gabay tungo sa mas epektibo at makabuluhang paglilingkod para sa komunidad.
Taos-puso ang pasasalamat sa Local Youth Development Office (LYDO) ng Mauban, Konrad-Adenauer-Stiftung Philippines (KAS), Local Government Unit of Mauban, at sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito. Lubos ding pinasasalamatan si Atty. Karlo Inocencio, Project Implementer ng Project PoliNation, at ang buong pangkat sa likod nito para sa kanilang walang sawang dedikasyon at pagsisikap na maihanda at mahubog ang susunod na henerasyon ng mga kabataang lider.
Patuloy na magsisilbing huwaran ang Kabataang Polo aktibo, responsable, at handang makiisa sa mga inisyatibong naglalayong isulong ang pag-unlad at pagkakaisa ng ating komunidad.