08/10/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐
๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐๐๐ฒ! ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ
Ngayong Oktubre 8, sama-sama pong ipinagdiwang ang Family Day kasama ang ating mga minamahal na pamilya, lalo na ang mga daycare learners mula sa ibaโt ibang Child Development Centers sa ating bayan.
Sinimulan po ang makabuluhang pagdiriwang sa isang masigla at makulay na parada na sinundan ng programa sa Mauban Gymnasium. Isinagawa po ito sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamamahala ni Gng. Jocelyn Rodil, katuwang po ang ating mga dedikadong Child Development Workers na patuloy na nagmamalasakit sa paghubog at pag-unlad ng ating mga kabataan.
Nakiisa rin po sa pagdiriwang ang kinatawan ng inyong lingkod Vice Mayor Alween Sardea na si Bb. Suzette Apo, kasama po sina Ninang Tess Pastrana at G. Dondi Decena bilang kinatawan ng ating butihing Mayor Ninong Pastrana, gayundin po si Kons. Yolly Santayana, SB Committee Chair on Social Services.
Higit po sa isang simpleng pagdiriwang, ang Family Day po ay paalala kung gaano kahalaga ang pamilya bilang unang tahanan ng bawat bataโkung saan unang natututuhan ang pagmamahal, pag-aaruga, respeto, at mga pagpapahalagang magiging gabay nila sa kanilang paglaki.
Muli, Happy Family Day po sa ating lahat! Maraming Salamat po! ๐ฉต