FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist

FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist FITS Center Mauban allows farmers to have access to information and modern agricultural procedures

๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐“๐€๐๐„๐Ž๐”๐’ ๐Œ๐€๐’๐’๐ˆ๐•๐„ ๐‚๐Ž๐‚๐Ž๐๐”๐“ ๐๐‹๐€๐๐“๐ˆ๐๐† ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐ŸŒด๐Ÿฅฅ๐Ÿช40th national coconut week celebration COCONUT TREE PLANTING ๐Ÿฅฅ๐Ÿช"Regenera...
26/08/2026

๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐“๐€๐๐„๐Ž๐”๐’ ๐Œ๐€๐’๐’๐ˆ๐•๐„ ๐‚๐Ž๐‚๐Ž๐๐”๐“ ๐๐‹๐€๐๐“๐ˆ๐๐† ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐ŸŒด๐Ÿฅฅ๐Ÿช

40th national coconut week celebration COCONUT TREE PLANTING ๐Ÿฅฅ๐Ÿช
"Regenerating the coconut economy, future-proofing the coconut value chain"

Isang makabuluhan at matagumpay na Araw ang isinagawang coconut tree planting na ginanap ngayong August 25,2026 sa Brgy. San Miguel Mauban, Quezon sa lupa na pag mamay-ari ni Ms. Reyvi C. Faraon sa pangunguna ng ahensya ng Philippine coconut Authority(PCA).

Isang taos pusong pasasalamat sa ahensya ng (PCA) Philippine coconut Authority sa walang sawang at patuloy na pag suporta sa mga coconut farmers ng bayan ng mauban at sa mabilisang pag aksyon at sa pagbibigay ng mga farm inputs sa mga coconut farmers ng bayan ng mauban.
Gayun din sa May-ari ng lupa na si Ms. Reyvi C. Faraon sa pagbibigay pahintulot at pag tanggap upang maidaos Ang coconut trees planting. Pasasalamat din sa tanggapan ng Agrikultura na laging nakaalalay sa mauban farmers at sa tanggapan ng sangguniang bayan sa pangunguna ni Vice mayor Alween Sardea sa walang sawang pag suporta sa mga mamamayan ng mauban at pasasamat din sa tanggapan ng Bureau of fire protection (BFP)sa pag suporta sa isinagawang Coconut tree planting gayun din sa mga pangulo at mga coconut farmers na laging nanjan upang tumulong sa lahat ng aktibidad ng Agrikultura.

Mabuhay ang mga magsasaka at mag Niniyog ng mauban patuloy nating pagyamanin Ang ating Agrikultura simulan natin gawa at pagsisikap๐ŸŒด๐Ÿฅฅ๐Ÿช





๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘น๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘ช๐‘ฌ๐‘น๐‘ป๐‘ฐ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ช๐‘จ๐‘ป๐‘ฌ ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘ญ๐‘จ๐‘น๐‘ด ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฌ๐‘บ๐‘บ ๐‘บ๐‘ช๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ถ๐‘ณ ๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘ซ๐‘ผ๐‘จ๐‘ป๐‘ฌ๐‘ซ | ๐‘ถ๐‘ผ๐‘ป๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘น๐‘ซ ๐‘จ๐‘ต๐‘ซ ๐‘จ๐‘ณ๐‘ณ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ป๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฐ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘บ ๐‘ป๐‘ถ๐‘ฎ๐‘ฌ๐‘ป๐‘ฏ๐‘ฌ๐‘น ๐‘พ๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฏ ๐‘ป๐‘ฏ๐‘ฌ ๐‘ณ๐‘ถ๐‘ช...
24/08/2026

๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘น๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘ช๐‘ฌ๐‘น๐‘ป๐‘ฐ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ช๐‘จ๐‘ป๐‘ฌ ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘ญ๐‘จ๐‘น๐‘ด ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฌ๐‘บ๐‘บ ๐‘บ๐‘ช๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ถ๐‘ณ ๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘ซ๐‘ผ๐‘จ๐‘ป๐‘ฌ๐‘ซ | ๐‘ถ๐‘ผ๐‘ป๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘น๐‘ซ ๐‘จ๐‘ต๐‘ซ ๐‘จ๐‘ณ๐‘ณ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ป๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฐ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘บ ๐‘ป๐‘ถ๐‘ฎ๐‘ฌ๐‘ป๐‘ฏ๐‘ฌ๐‘น ๐‘พ๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฏ ๐‘ป๐‘ฏ๐‘ฌ ๐‘ณ๐‘ถ๐‘ช๐‘จ๐‘ณ ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘ฝ๐‘ฌ๐‘น๐‘ต๐‘ด๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป ๐‘ผ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ป-๐‘ด๐‘จ๐‘ผ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ต ๐‘ถ๐‘ญ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฐ๐‘จ๐‘ณ

Ngayong August 24, 2026 isang matagumpay na aktibidad ang isinagawang pag uulat sa ginanap na Flag Raising na ginanap sa Gymnasium sa pangunguna ng Municipal Agriculturist na si Dr. Werner S. Decena upang bigyang gawad ang dalawang (FBS) student na sina Gregorio S. Macaraan at Princess V. Bautista na nagkamit ng karangalan bilang Outstanding Award kasama ang 30 participants na nagtapos sa Farm Business School (FBS) noong August 19-20, 2026

Lubos na pasasalamat sa ating Municipal Mayor, Hon. Ninong Erwin Pastrana at Vice Mayor Alween Sardea kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Bayan at sa tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa walang sawang pag suporta lalo't higit sa ating mga magniniyog ng Mauban na patuloy na nagsisikap upang mapaunlad at mapagyaman ang pagniniyugan sa ating bayan.

Mabuhay ang mga magsasaka at magniniyog sa Bayan ng Mauban patuloy nating pagyamanin ang sektor ng agrikultura partikular sa sektor ng pagniniyugan๐ŸŒด๐Ÿฅฅ

Muli, Congratulations, Batch 2026 Farm Business School Graduated๐ŸŽ“





Culminating Activity & Awarding Ceremony | Farm Business School ๐Ÿฅฅ๐ŸŒดIsang makabuluhan at matagumpay na pagtatapos ng Tatlu...
20/08/2026

Culminating Activity & Awarding Ceremony | Farm Business School ๐Ÿฅฅ๐ŸŒด

Isang makabuluhan at matagumpay na pagtatapos ng Tatlumpu (30) Maubaning Magniniyog ang nasaksihan sa Culminating Activity ng Coconut Farm Business School (FBS) ngayong August 19โ€“20, 2026, na ginanap sa Ouanโ€™s Worth Farm and Family Resort, Lucena City, Quezon.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) sa pamumuno ni Dr. Rolando V. Maningas, RAgr Center Director ng DA-ATI CALABARZON at sa pakikipagtulungan ng Philippine Coconut Authority Region IV-A at ng Lokal na Pamahalaan ng Mauban.

Sa pamamagitan ng FBS, nabigyan sila ng dagdag na kaalaman at kasanayan hindi lamang sa produksyon ng niyog, kundi pati na rin sa wastong pamamahala ng sakahan, pagnenegosyo, pagba-budget, pagtatala ng kita at gastos, at pagbuo ng mas matatag at kumikitang kabuhayan.
Ang pagtatapos na ito ay hindi pagtatapos ng pagkatuto, kundi simula ng panibagong hakbang tungo sa mas produktibo, mas matatag, at mas matagumpay na pagsasaka. ๐ŸŒด๐Ÿ’š

๐Ÿ‘ Mabuhay ang ating mga magniniyog! Patuloy nating pagyamanin ang kaalaman, palaguin ang kabuhayan, at itaguyod ang industriya ng niyog para sa mas magandang kinabukasan.

Mula sa Farm Business School tungo sa mas masaganang Farm Business! ๐Ÿฅฅ๐ŸŒด

Congratulations, Batch 2026 Farm Business School Graduates!๐ŸŽ“





๐ŸŒฑ KABATAANG KASANGGA SA AGRIKULTURA! Noong Agosto 17, 2026 isang makabuluhang hakbang para sa mas aktibo at makabuluhang...
20/08/2026

๐ŸŒฑ KABATAANG KASANGGA SA AGRIKULTURA!

Noong Agosto 17, 2026 isang makabuluhang hakbang para sa mas aktibo at makabuluhang partisipasyon ng kabataan sa sektor ng agrikultura ang paghahalal sa Little MAO na si Ranzel Rey P. Mendoza bilang Local Youth Counterpart mula sa Liwayway National High School sa isinagawang eleksyon noong Agosto 14, 2026 kasabay ng pormal na pagbubukas ng Linggo ng Kabataan 2026. Ang naturang programa ay pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni G. Dondi Decena, katuwang ang Local Youth Development Council (LYDC).

Sa pamamagitan ng kanyang pagiging kinatawan ng kabataan, isinagawa ang pagpapaliwanag ng mga responsibilidad at mahahalagang tungkulin ng Local Youth Counterpart sa loob ng Office of the Municipal Agriculturist. Inaasahang mas mapapalakas ang boses, partisipasyon, at kontribusyon ng mga kabataan sa mga programa at inisyatiba para sa agrikultura at pangisdaan.

๐Ÿค Kabataan para sa Agrikultura. Kabataan para sa Mas Masaganang Kinabukasan!

Sama-sama para sa mas masigla, mas produktibo, at mas matatag na sektor ng agrikultura! ๐ŸŒพ




GULAYAN SA PAARALAN UPDATE! ๐ŸŒฑ๐Ÿซ PAG-UULAT: Patuloy ang pag-unlad ng Gulayan sa Paaralan Program ng Cagbalete I Annex Elem...
19/08/2026

GULAYAN SA PAARALAN UPDATE! ๐ŸŒฑ๐Ÿซ

PAG-UULAT: Patuloy ang pag-unlad ng Gulayan sa Paaralan Program ng Cagbalete I Annex Elementary School sa pamumuno ni Principal I Agrifina A. Capistrano sa pakikipagtulungan at gabay ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na pinamumunuan ni Dr. Werner S. Decena.

Ang proyektong ito ay naglalayong maitaguyod ang wastong nutrisyon, sapat na suplay ng pagkain, at kamalayan sa agrikultura sa ating mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng suporta ng ating Mayor Ninong Erwin Pastrana at Vice Mayor Sir Alween Sardea at sa asistensya ng Agriculture Office, mas lalo pang napapaganda at napapalago ang mga pananim na magsisigurong may sariwa at masustansyang pagkain ang ating mga mag-aaral. Ang inyo pong malasakit sa agrikultura at edukasyon ay nagbibigay ng luntiang pag-asa sa ating isla!๐ŸŒฑ๐Ÿ๏ธ




Patuloy at walang humpay ang serbisyo ng ating Tanggapan ng Pambayang Agrikultor tinitiyak nating napapanahon at kumplet...
18/08/2026

Patuloy at walang humpay ang serbisyo ng ating Tanggapan ng Pambayang Agrikultor tinitiyak nating napapanahon at kumpleto ang pag-update ng rekord ng bawat magsasakang Maubanin sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Higit pa rito, sinisikap nating magkaroon ng sapat na proteksyon ang mga pananim sa pamamagitan ng masusing Crop Insurance Registration. Layunin nitong magsilbing pananggalang at kapanatagan ng loob ng bawat magsasakang Maubanin upang sa anumang pagdating ng masamang panahon, bagyo, tagtuyot, o iba pang pagsubok sa kalikasan, mayroon maaasahang sandigan at tulong upang maibangon muli ang kabuhayan.


๐ŸŒฑ ๐’๐‡๐€๐‘๐ˆ๐๐† ๐Š๐๐Ž๐–๐‹๐„๐ƒ๐†๐„ ๐Ž๐ ๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐–๐‡๐ˆ๐‹๐„ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐“๐‡๐‘๐Ž๐”๐†๐‡ ๐”๐‘๐๐€๐ ๐†๐€๐‘๐ƒ๐„๐๐ˆ๐๐† Isang makabuluhang pagbabahagi ng kaalaman ang isi...
17/08/2026

๐ŸŒฑ ๐’๐‡๐€๐‘๐ˆ๐๐† ๐Š๐๐Ž๐–๐‹๐„๐ƒ๐†๐„ ๐Ž๐ ๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐–๐‡๐ˆ๐‹๐„ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐“๐‡๐‘๐Ž๐”๐†๐‡ ๐”๐‘๐๐€๐ ๐†๐€๐‘๐ƒ๐„๐๐ˆ๐๐†

Isang makabuluhang pagbabahagi ng kaalaman ang isinagawa sa sa Programa ng Barangay mabato noong August 16,2026 na may temang "Tanim Mo, Kita Mo," Sinuportahan naman ito ng ating Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pangunguna ng ating Municipal Agriculturist DOC. WERNER S. DECENA sa pamamagitan ng ating resource person representative na si Ms. KIMBERLY M. PEร‘ALOZA. Ibinahagi dito ang kahalagahan at tamang pamamaraan ng Urban Gardening โ€” na nagpapatunay na kahit sa limitadong espasyo, kayang-kayang magtanim ng sariling pagkain at maging source of income din!๐ŸŒฟ๐Ÿ’š

Taos-pusong pasasalamat sa buong suporta ng Ama ng Brgy ng Mabato MR. GUILLERMO RIVERA at sa SK Chairman MS. ARRAZELLE DELA PEร‘A at sa sangguniang kabataan ng Brgy sa inisyatibong mamulat muli sa kahalagahan ng pakikilahok ng kabataan patungkol sa iba't-ibang pamamaran ng pagtatanim na maaaring pagkakitaan

Sama-sama natin palawakin ang pagmamahal sa pagsasaka โ€” mula sa bawat paso at sulok ng ating tahanan, hanggang sa masaganang ani at magandang kinabukasan! ๐ŸŒฑ





๐Ÿ“š ๐“๐–๐Ž ๐๐„๐– ๐€๐†๐‘๐ˆ๐‚๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€๐‹ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘๐’ ๐€๐๐๐‘๐Ž๐•๐„๐ƒ ๐ˆ๐ ๐Œ๐€๐”๐๐€๐, ๐๐”๐„๐™๐Ž๐ Mas mapapalawak na ngayon ang kaalaman at kakayahan n...
17/08/2026

๐Ÿ“š ๐“๐–๐Ž ๐๐„๐– ๐€๐†๐‘๐ˆ๐‚๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€๐‹ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘๐’ ๐€๐๐๐‘๐Ž๐•๐„๐ƒ ๐ˆ๐ ๐Œ๐€๐”๐๐€๐, ๐๐”๐„๐™๐Ž๐

Mas mapapalawak na ngayon ang kaalaman at kakayahan ng ating mga MAGSASAKANG MAUBANIN sa pamamagitan ng dalawang bagong kinilalang Learning Site for Agriculture sa ating bayan!๐Ÿฅฅ๐ŸŒพ

Pormal na itinalaga noong August 12, 2026 ang Bantoc Coconut Farm na matatagpuan sa Brgy. Liwayway bilang Coconut-based Learning Site for Agriculture I (CocoLSA I), at ang Rallos Integrated Farm matatagpuan sa Brgy. Santol bilang Learning Site for Agriculture I (LSA I). Ang mga sentrong ito ay magsisilbing pangunahing lugar ng pagsasanay at pagkatuto para sa mga magsasaka, agricultural extension workers, at iba pang may kinalaman sa agrikultura โ€” upang mas mapalapit ang makabagong teknolohiya at tamang pamamaraan sa ating komunidad.

Pinangunahan ni Dr. Rolando V. Maningas, RAgr, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, ang paggawad ng sertipiko at paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU), kasama sina Bb. Jolita Carandang, Bb. Maristhel Rallos, at ng ating Mauban Municipal Agriculturist G. Werner Decena, RAgr, na nagpapatibay ng limang taong pagtutulungan para sa pagpapalakas ng ating sektor ng agrikultura.

Isang malaking hakbang ito para sa mas masaganang kabuhayan ng ating mga magsasaka at sa pag-unlad ng buong bayan ng Mauban at lalawigan ng Quezon!



๐‚๐Ž๐‚๐Ž101: ๐๐š๐ฌ๐ข๐œ ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐„๐ฑ๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐๐š๐ญ๐œ๐ก 1 โœจ Bilang kinatawan ng Bayan ng Mau...
17/08/2026

๐‚๐Ž๐‚๐Ž101: ๐๐š๐ฌ๐ข๐œ ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐„๐ฑ๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐๐š๐ญ๐œ๐ก 1 โœจ

Bilang kinatawan ng Bayan ng Mauban, Si Ms. KIMBERLY M. PEร‘ALOZA ay dumalo sa 5-araw na pagsasanay na ginanap noong August 3โ€“7, 2026 sa Ouans Farm Resort, Lungsod ng Lucena, Sa matagumpay na pangunguna ng DA-ATI CALABARZON

Isang mahalagang hakbang upang palawakin ang teknikal na kaalaman at kasanayan sa tamang pagpapatubo, pangangalaga, at pagpapaunlad ng industriya ng niyog โ€” mas handa at mas may kakayahang maglingkod, magbahagi, at magbigay ng tamang gabay sa ating mga magsasakang magniniyog para sa mas masaganang ani at matatag na kabuhayan sa bayan ng Mauban ! ๐Ÿฅฅ๐ŸŒฑ



TINGNAN: Patuloy ang Pamamahagi ng Coconut Seedlings!๐ŸŒดNoong Hunyo 19, 2026 ay nakapagtala ng 3,432 Tall Coconut Seedling...
07/08/2026

TINGNAN:

Patuloy ang Pamamahagi ng Coconut Seedlings!๐ŸŒด

Noong Hunyo 19, 2026 ay nakapagtala ng 3,432 Tall Coconut Seedlings ang naipamahagi sa ating Maubaning Magniniyog at ngayon Agosto 7, 2026 ay nakapagtala ng 2,145 Dwarf Coconut Seedlings at 2,860 Tall Coconut Seedlings ang naipamahagi na ginanap sa Municipal Nursery Brgy. Liwayway Mauban, Quezon.

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsuporta sa sektor ng agrikultura, isinagawa ang pamamahagi ng coconut seedlings sa pangunguna ng Philippine Coconut Authority (PCA), katuwang ang Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Dr. Werner S. Decena upang makatulong sa pagpapalawak ng taniman, pagpapataas ng produksyon, at pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.

Lubos ang ating pasasalamat sa ahensya ng Philippine Coconut Authority at sa ating Municipal Mayor Ninong Erwin Pastrana at Vice Mayor Sir Alween Sardea sa kanilang walang sawang suporta para sa mga programang pang-agrikultura. Gayon din sa lahat ng nakiisa at nakipagtulungan upang maging matagumpay ang programang ito.

Nawa'y maging daan ang mga punlang ito sa mas masaganang ani at mas maunlad na pamumuhay ng ating mga magniniyog.
๐ŸŒด Magtanim ngayon, umani ng masaganang bukas!





Address

St. Buenaventure
Mauban
4330

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist:

Shortcuts

Share