Ninong Erwin Pastrana

Ninong Erwin Pastrana Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ninong Erwin Pastrana, Public Service, Mauban.
(5)

Ngayong ika-3 ng Hunyo 2026, nakiisa si Ninang Tess Pastrana bilang kinatawan ng inyong lingkod, Mayor Ninong Erwin Past...
03/06/2026

Ngayong ika-3 ng Hunyo 2026, nakiisa si Ninang Tess Pastrana bilang kinatawan ng inyong lingkod, Mayor Ninong Erwin Pastrana, sa pagpupulong na pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni EnP Ferdinand Porol, kasama ang mga kinauukulang ahensya at mga katuwang na sektor para sa paghahanda ng programang Operation "Sagip-Sapa".

Layunin ng programang ito na pangalagaan at pagandahin ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng dalawang mahahalagang hakbang. Ang unang bahagi ay ang paglilinis at pagpapalawak ng mga sapa sa Barangay Polo at Barangay Santol na isasagawa sa darating na Hunyo 9, 2026.

Kasunod nito ang pagtatanim ng mga puno sa Barangay Baao at Barangay San Isidro sa darating na Hunyo 26, 2026, bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Sa ating pagkakaisa, mas mapapalakas natin ang mga hakbang tungo sa isang mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang Mauban.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalikasan para sa kinabukasan ng bawat Maubanin.๐Ÿƒ๐Ÿงก


Sa pamamagitan ng Mediwalk Corporation, Cainta, Rizal, isang akreditadong institusyon ng PhilHealth na nagbibigay ng mga...
02/06/2026

Sa pamamagitan ng Mediwalk Corporation, Cainta, Rizal, isang akreditadong institusyon ng PhilHealth na nagbibigay ng mga prosthesis, braces, at iba pang assistive devices, matagumpay na naipagkaloob ngayong araw, Hunyo 2, ang mga motorized wheelchair sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa ating bayan ng Mauban.

Naging posible ang programang ito sa pamamagitan ng koordinasyon ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa pangunguna ni Mr. Alden Par Villamarzo, katuwang ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Ninong Erwin Pastrana katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Alween Sardea.

Taos pusong pasasalamat po sa Mediwalk Corporation. Higit pa sa isang kagamitang pantulong, ang mga motorized wheelchair na ito ay simbolo ng ating patuloy na pagsisikap na gawing mas inklusibo at mas naaabot ang mga serbisyong nagbibigay ng pag-asa sa bawat Maubanin.


๐“๐š๐จ๐ฌ-๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ค๐š๐ฒ ๐Œ๐ฌ. ๐‰๐ฎ๐๐๐ข๐ž ๐€๐ง๐ง ๐„. ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐š ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐“๐Ž๐ ๐Ÿ– ๐ฌ๐š ๐ ๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐„...
02/06/2026

๐“๐š๐จ๐ฌ-๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ค๐š๐ฒ ๐Œ๐ฌ. ๐‰๐ฎ๐๐๐ข๐ž ๐€๐ง๐ง ๐„. ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐š ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐“๐Ž๐ ๐Ÿ– ๐ฌ๐š ๐ ๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐„๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ž๐ซ๐ฌ ๐„๐ฑ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง! โœจ

Ang iyong tagumpay ay patunay ng dedikasyon, sipag, at kahusayan.

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa marami at maging daan upang patuloy na makapaglingkod sa bayan nang may integridad, at malasakit sa kapwa.

Muli, congratulations po! ๐Ÿงก



Pinangunahan ng inyong lingkod, Mayor Ninong Erwin Pastrana, ang isinagawang ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ngayong H...
01/06/2026

Pinangunahan ng inyong lingkod, Mayor Ninong Erwin Pastrana, ang isinagawang ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ngayong Hunyo 1, 2026 sa Conference Room ng ating Bahay Pamahalaan.

Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng konseho upang talakayin ang mga programa, proyekto, at iba pang mahahalagang usaping may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan, kabilang ang konstruksyon ng karagdagang drainage water system sa ating bayan.

Kasama sa pulong sina Kons. Jenzo Pastrana, Kons. Gaddie Astoveza, mga Punong Barangay, mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs), at iba pang miyembro ng konseho.

Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang mga proyektong maghahatid ng mas maayos na serbisyo para sa bawat Maubanin. ๐Ÿงก


Happy Pride Month! ๐ŸŒˆ๐ŸงกNgayong Pride Month, ating kilalanin at pahalagahan ang bawat pagkakakilanlan, habang patuloy na is...
01/06/2026

Happy Pride Month! ๐ŸŒˆ๐Ÿงก

Ngayong Pride Month, ating kilalanin at pahalagahan ang bawat pagkakakilanlan, habang patuloy na isinusulong ang pagmamahal, respeto, at pantay na karapatan para sa lahat.

Sama-sama nating buuin ang isang komunidad na inklusibo, may malasakit, at bukas sa bawat isa.

TINGNAN: Schedule ng Livestock Program (Estrous Synchronization & Artificial Insemination), Mass Anti-Rabies Vaccination...
01/06/2026

TINGNAN: Schedule ng Livestock Program (Estrous Synchronization & Artificial Insemination), Mass Anti-Rabies Vaccination (Libreng Bakuna Laban sa Rabies para sa mga A*o at Pusa), at Kapon Karaban (Libreng Kapon para sa mga Alagang A*o at Pusa) para sa ibuwan ng Hunyo handog ng Vet Service Mauban ng Lokal na Pamahalaan.

Pinaaalalahanan ng tanggapan ang lahat ng ating mga kababayan sa mga sumusunod na barangay na makilahok at makiisa sa mga nakatakdang programa para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga alagang hayop.


SCHEDULE OF ACTIVITIES (JUNE 2026)
Pinaaalalahanan ang lahat ng ating mga kababayan sa mga sumusunod na barangay na makilahok at makiisa sa mga nakatakdang programa para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga alagang hayop.

LIVESTOCK PROGRAM
(Estrous Synchronization & Artificial Insemination)

Hunyo 2, 2026 โ€“ Estrous Synchronization

Mga Sakop na Barangay: Brgy. San Jose, Brgy. Rosario, at Brgy. Sta. Lucia

Hunyo 5, 2026 โ€“ Artificial Insemination (Day 1)

Mga Sakop na Barangay: Brgy. San Jose, Brgy. Rosario, at Brgy. Sta. Lucia

Hunyo 6, 2026 โ€“ Artificial Insemination (Day 2)

Mga Sakop na Barangay: Brgy. San Jose, Brgy. Rosario, at Brgy. Sta. Lucia

MASS ANTI-RABIES VACCINATION
(Libreng Bakuna Laban sa Rabies para sa mga A*o at Pusa)

Hunyo 8โ€“9, 2026 โ€“ Brgy. Soledad, Mauban, Quezon

Hunyo 16, 2026 โ€“ Brgy. Cagbalete I, Mauban, Quezon

Hunyo 17, 2026 โ€“ Brgy. Tapucan, Mauban, Quezon

Hunyo 18, 2026 โ€“ Brgy. Rosario, Mauban, Quezon

Hunyo 23, 2026 โ€“ Brgy. San Gabriel, Mauban, Quezon

Hunyo 24, 2026 โ€“ Brgy. Luya Luya, Mauban, Quezon

๐Ÿˆ KAPON KARABAN
(Libreng Kapon para sa mga Alagang A*o at Pusa)
Hunyo 25, 2026 โ€“ Brgy. San Miguel at Brgy. San Rafael, Mauban, Quezon

๐†๐š๐›๐ข ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š! โœจ๐Ÿ†Puno ng saya, pagkakaibigan, at selebrasyon ang ginanap na Victory Ball para sa mga ...
01/06/2026

๐†๐š๐›๐ข ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š! โœจ๐Ÿ†

Puno ng saya, pagkakaibigan, at selebrasyon ang ginanap na Victory Ball para sa mga kalahok ng Mayor's Cup 2026 sa Mauban Gymnasium, na pinangasiwaan ng Mauban Sports Development Office sa pamumuno ni G. Dondi Decena, Designated Sports Development Coordinator.

Matapos ang mga buwan ng kompetisyon sa basketball, volleyball, at billiards, nagsama-sama tayo upang kilalanin hindi lamang ang mga nagwagi kundi maging ang sportsmanship, disiplina, at pagkakaisang nabuo sa buong palaro.

Maraming salamat sa lahat ng mga manlalaro, coaches, organizers, sponsors, at mga tagasuporta na naging bahagi ng matagumpay na Mayor's Cup 2026.

Patuloy po nating suportahan ang mga programang humuhubog sa talento ng ating mga kabataan at nagpapatibay sa pagkakaisa ng bawat Maubanin. ๐Ÿงก๐Ÿ’™


๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ฌ ๐๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ƒ๐ข๐ง๐ง๐ž๐ซ ๐…๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ŸŒธโœจSa pagdiriwang ng Flores de Mayo 2026, masaya pong nakiisa ang inyong lingkod ...
01/06/2026

๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ฌ ๐๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ƒ๐ข๐ง๐ง๐ž๐ซ ๐…๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ŸŒธโœจ

Sa pagdiriwang ng Flores de Mayo 2026, masaya pong nakiisa ang inyong lingkod kasama sina Kons. Jenzo Pastrana, Kons. Yolly Santayana, at iba pang mga kaibigan at panauhin sa ginanap na Dinner Fellowship sa Conchita's Event Place, BenCo Building nitong Mayo 31, 2026.

Ang pagtitipong ito ay naging pagkakataon upang higit pang mapagtibay ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at pananampalatayang nagbubuklod sa ating komunidad.

Nawa'y patuloy nating mapanatili ang diwa ng Flores de Mayo at sama-samang isulong ang mga pagpapahalagang nagpapatibay sa ating bayan.๐Ÿค๐Ÿงก


๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐จ๐ฅ๐จ! ๐ŸŽ‰Masaya pong nakiisa ang inyong lingkod, Mayor Ninong Erwin Pastrana, sa pagdiriwang ...
01/06/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐จ๐ฅ๐จ! ๐ŸŽ‰

Masaya pong nakiisa ang inyong lingkod, Mayor Ninong Erwin Pastrana, sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Brgy. Polo nitong ika-31 ng Mayo.

Ang pagdiriwang na ito ay patunay ng matibay na pagkakaisa, pananampalataya, at pagtutulungan ng barangay. Taos-pusong pasasalamat po kay Punong Barangay Ela Soriano at sa buong pamunuan ng barangay sa inyong mainit na pagtanggap.

Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng Mayo, nawaโ€™y manatiling buhay sa ating puso ang diwa ng Flores de Mayo at ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria. ๐ŸŒน๐Ÿ™


๐Ÿ’ป๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐ˆ๐‚๐“ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ“ฑโœจKaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Mauban sa pagdiriwang ng National ICT Month 2026 ngayong buwa...
01/06/2026

๐Ÿ’ป๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐ˆ๐‚๐“ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ“ฑโœจ

Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Mauban sa pagdiriwang ng National ICT Month 2026 ngayong buwan ng Hunyo bilang pagkilala sa mahalagang papel ng Information and Communications Technology sa mas mabilis, mas maayos, at mas episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.

Patuloy nating isinusulong ang paggamit ng makabagong teknolohiya at digital platforms upang maging mas accessible ang impormasyon at mas mapalapit ang serbisyo sa bawat Maubanin.

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, hangad nating mapanatili ang isang mas konektado, inklusibo, at makabagong komunidad para sa lahat.



Address

Mauban
4330

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ninong Erwin Pastrana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Ninong Erwin Pastrana:

Share

Category