28/09/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง: ๐๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng โLinggo ng Kabataan,โ inimbitahan ang aming tanggapan, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), upang magbahagi ng kaalaman at kamalayan tungkol sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Tinalakay sa isinagawang orientation ang apat na pangunahing DRRM Thematic Areas, na kinabibilangan ng Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery. Tinalakay rin ang ibaโt ibang uri ng kalamidad at panganib na maaaring mangyari sa kanilang mga barangay, gayundin ang mga nararapat na hakbang upang maging handa bago, habang, at pagkatapos ng isang kalamidad.
Nagbigay rin ang mga kawani ng MDRRMO ng Disaster Preparedness Orientation, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging handa at maagap sa oras ng kalamidad at iba pang emergency. Isa sa mga binigyang-halaga ay ang pagtuturo ng Basic Life Support (BLS) sa mga kabataan ng Barangay Daungan, upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng paunang tulong at pagsagip ng buhay sa panahon ng emergency.
Ang ganitong uri ng orientation at pagsasanay ay malaking tulong upang madagdagan ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga kabataan sa panahon ng sakuna o iba pang hindi inaasahang pangyayari. Sa pamamagitan nito, nagiging mas handa sila at maaaring maging katuwang ng kanilang komunidad sa pagpapanatili ng kaligtasan at pagtugon sa mga emergency.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Barangay Daungan sa inyong pagtitiwala at sa pagbibigay sa aming tanggapan ng pagkakataong makapagbahagi ng kaalaman at kasanayan sa inyong mga kabataan. Nawaโy magsilbing inspirasyon at gabay ang mga natutunan nila upang maging handa, maagap, at responsableng kabataan para sa isang ligtas at disaster-resilient na komunidad.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta sa DRRM!