27/03/2026
Maraming salamat po, Bombo Radyo Cauayan!
RESCUEON801
Nanawagan ng tulong ang Bahay Kanlungan ng Valenzuela City upang matunton ang pamilya ng isa sa kanilang mga kliyente.
Isa sa kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Kanlungan ang isang babae na kinilalang Melanie Delos Santos, na gumagamit din umano ng pangalang Thelma Bravo.
Tinatayang nasa 50 hanggang 55 taong gulang ang naturang babae. Siya ay natagpuang pagala-gala noong 2022 sa Barangay Coloong, Valenzuela City.
Ayon sa kanyang mga naibigay na impormasyon, dati umano siyang nanirahan sa Santiago at Cauayan, Isabela. Gayunman, dahil sa kanyang kondisyon sa pag-iisip, ito lamang ang kanyang naibigay na detalye.
Dahil dito, nananawagan ang Bahay Kanlungan sa publiko, lalo na sa mga residente ng Santiago at Cauayan City, na kung may nakakakilala o may impormasyon tungkol sa kanyang pamilya, makipag-ugnayan lamang sa Bahay Kanlungan ng Valenzuela City upang matulungan siyang muling makapiling ang kanyang mga kaanak.