MNSTS Filipino CLUB

MNSTS Filipino CLUB Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MNSTS Filipino CLUB, Public School, Medellin.

21/09/2025

"Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa". Ito ang tema na nagpapakita na ang wika ay hindi lamang instrumento sa pagsasalita ngunit ito ang maging daan upang tayong mga Pilipino ay magkakaisa.

Filipino Club


💬Sama sama nating balikan ang mga aktibidad na nagpapatunay at nagpapakita ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

Via: Karylle Almogia | Filipino Club President
Videographer: Hearty Alub & Mitch Pradilla | The Chronicles

Send a message to learn more

24/08/2025

Maligayang Araw ng mga Bayani sa Pilipinas! 🎭🇵🇭

Maligayang pagdiriwang ng National Heroes Day!
Sa Pilipinas, pinararangalan natin ang mga bayani ng ating kasaysayan ngayong araw.
Sino sino ang iniidolo mong bayani?
Anong mga plano mo ngayong Araw ng mga Bayani?

Ngayong buwan ng Agosto, sama-sama nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika—isang mahalagang pagkakataon upang bigyang-pu...
10/08/2025

Ngayong buwan ng Agosto, sama-sama nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika—isang mahalagang pagkakataon upang bigyang-pugay ang ating wikang Filipino at ang mayamang kultura ng ating lahi. Sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” ating kikilalanin ang papel ng wika sa pagbubuklod ng sambayanan at sa pagpapaunlad ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Nawa'y maging makabuluhan ang bawat gawain at pagdiriwang natin ngayong buwan. Magsilbi sana itong paalala na ang ating wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon, kundi isang buhay na simbolo ng ating kasaysayan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

10/08/2025
Bilang pagpapahalaga sa kanyang pambihirang kasanayan sa pagtuturo at ang positibong epekto niya sa aming mga estudyante...
05/10/2024

Bilang pagpapahalaga sa kanyang pambihirang kasanayan sa pagtuturo at ang positibong epekto niya sa aming mga estudyante, inihahandog namin ang aming taos-pusong pasasalamat kay Bb. Ella Jane Conje, ang club adviser ng Filipino Club 2024-2025, na naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng aming samahan. Maraming salamat po sa lahat ng inyong nagawa para sa amin! ❤️




Pictures By: Chelvy Jean Lataza | Filipino Club Treasurer

Sa lahat ng minamahal naming g**o ng MNSTS, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pag-aalay ng dedi...
05/10/2024

Sa lahat ng minamahal naming g**o ng MNSTS, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pag-aalay ng dedikasyon para sa isang dekalidad na edukason. Ang inyong mga aral at gabay ay tunay na mag-iiwan ng malalim na marka na patuloy naming dadalhin at isasabuhay. Maraming salamat po sa inyong malasakit, tiyaga, at inspirasyon. Kayo ang aming gabay sa landas ng tagumpay.
HAPPY TEACHER'S DAY!!!
❤️❤️❤️




Via: Jian Nicole Riconalla | Filipino Club Secretary
Pictures By: Toni Kyleigh Bueno | The Chronicles

Buwan ng Wika, Buwan ng Kasaysayan at Pagbabalik-tanawSa kulminasyon ng Buwan ng Wika, ang bawat segundo ng mga kaganapa...
06/09/2024

Buwan ng Wika, Buwan ng Kasaysayan at Pagbabalik-tanaw

Sa kulminasyon ng Buwan ng Wika, ang bawat segundo ng mga kaganapan ay nagiging pagkakataon upang mas mapalalim ang ating pagkakaunawa at pagmamalaki sa sariling wika at kultura. Ang mga aktibidad, mula sa mga patimpalak sa pagsulat ng sanaysay hanggang sa mga makulay na pagdiriwang ng ating mga bayani, ay naglalayong iangat ang kahalagahan ng wika sa ating araw-araw na buhay. Ang bawat sining at talumpati ay nagsisilbing paalala na ang wika ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon, kundi isa ring mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan at pagkakapantay-pantay. Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang ng ating pagka-Pilipino, isang paanyaya upang magkaisa sa pag-alaga at pagpapayabong ng ating kultura at wika para sa susunod na henerasyon.



🇵🇭🇵🇭🇵🇭

Via: Rashie Gail Rellon | SSLG Filipino Club Adviser
Pictures By: Toni Kyleigh Bueno | The Chronicles

06/09/2024

Sa bawat salita, may kapangyarihang magpalaya. Ang Wikang Mapagpalaya ay hindi lamang tungkol sa wika—ito'y tungkol sa pagbubukas ng mga pinto para sa mas maliwanag na kinabukasan. Panoorin ang aming video at alamin kung paano nagiging daan ang wika sa tunay na pagbabago.

🇵🇭🇵🇭🇵🇭

👉Manood ngayon at magbahagi ng inyong subhetibong pananaw!

Via: Maria Isabella | Filipino Club President
Videos By: Toni Kyleigh Bueno | The Chronicles

06/09/2024

Address

Medellin
6012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MNSTS Filipino CLUB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category